Chapter-22

228 17 1
                                    

Zander's POV

"Nasaan na ba yung babaeng yun? Nakita ko na iyang tumakbo pababa kanina."

Hinihintay ko padin siya dito sa stage hanggang ngayon. Sampung minuto na ata ang nakakalipas pero wala parin siya.

"Dalawang minuto palang ang nakakalipas pre, hintayin mo na yun. Ganyan talaga ang mga babae, gusto nila maganda sila pag haharap sa taong mahal nila."-Brent

"Oo nga naman Zander. Baka nagpaganda lang yun."-Liam

Nagpaganda?? Hindi naman siya marunong mag ayos at isa pa wala sa bokabularyo niya ang salitang pagpapaganda kaya hindi niya yun gagawin. Ilang minuto pa ang lumipas at hindi talaga siya dumarating kaya bumaba na ako sa stage at tumakbo sa building kung saan ko siya nakita kanina.

Paakyat palang sana ako nang makita ko yung panyong may initials na AA. Sakanya tong panyong ito. Kinabahan ako kaya hinanap ko siya, agad namang naka sunod ang A5 maliban kay Eros, hindi ko alam kung saan siya pumunta pero sa tingin ko hinanap niya rin si Alex.

"Ano Zander nakita mo na siya?"-Jiro

Umiling ako. "Wala siya dito, pero nakita ko to sa sahig." Ipinakita ko yung panyo niya.

"Ito ba yung panyo mo na nasakanya?"-Brent

"Oo ito nga yun." Hinawakan ko yun ng mahigpit. Nasaan na ba si Alex??

Maya-maya pa biglang nag ring yung phone ko at agad ko naman itong sinagot dahil unregistered number.

[Alexander! Kunusta naman ang pinakamamahal kong kaaway?]

"Sino ka walang h*ya ka! Magpakilala ka!" Hindi ko alam kung sino ang kausap ko dahil sa tingin ko naka magic voice siya at parang clown yun boses niya.

[Hindi ako tangang gaya mo para basta ko na lang ilantad ang sarili ko habang hawak ko ang babaeng pinakamamahal mo.]

"Sa tingin mo ba maniniwala ako sayo? Hindi ako nakikipaglokohan sayo g*go ka!"

[Oh sige kung hindi ka talaga naniniwala pakinggan mo ang boses ng babaeng mahal mo.]

Hindi ko alam kung anong pinanggagawa niya pero hindi ko naririnig ang boses ni Alex. Pinagtitripan talaga ako ng g*gong to eh.

"Kung wala kang maga--"

[Kapag sinabing magsalita ka magsalita ka!]

May narurinig akong sinasaktan nila pero hindi ko sigurado kung si Alex nga yun dahil hindi ito nagsasalita.

[Talagang matigas ka ah!]

"Tama na yan!" Hindi ko alam kung anong ginagawa nila pero parang may sinasaktan sila, kung Alex man yun sisiguraduhin kong papatayin ko silang lahat!

[Mukhang hindi ka kasi kumbinsido eh. Sige papadalhan na lang kita ng video at may kasama pang bonus.]

"Papatayin kita kapag nay nangyaring masama kay Alex. Walang h*ya ka!!"

Hindi ko na siya narinig dahil pinatayn niya na ako ng phone. "SH*T!!"

"Zandee ano daw nangyari? Nasaan si Alex?"-Jiro

"Hawak nila si Alex."

"Sino ba yung mga yun?"-Brent

"Oo nga sino yung mga yun?"-Liam

"Hindi ko alam! Kung alam ko lang malamang kanina pa sila namatay sa mga kamay ko!" Ihahagis ko na sana yung phone ko pero bigla itong tumunog at may nareceive akong video.

"Alam ko hindi ka maniniwala dahil ayaw magsaluta ng girlfriend mo."

Tinutok nila yung camera kay Alex at nanginig ako sa galit dahil sa nakita ko. Nakatali siya sa poste at puno ng pasa ang mukha at katawan. Lumapit ang isang lalaki sakanya at pinunit niya ang damit nito saka siya hinalikan sa leeg pababa sa dibdib.

Three Nice Words [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon