Chapter-42

185 6 0
                                    

"Mamaaaaaaaa!"



Biglang tumayo si Yesha at patakbong lumapit sakin nang makita niya ako. "Yesha." Yumuko ako saka ko siya niyakap.




"Akala ko po di kayo dadating."




"Pwede ba yun? Ito yung special day nyo kaya hindi ako pwedeng mawala."



"Ma."




Nilingon ko si Aki at kasama niya si Zander na lumapit.



"You made it." Sabi niya nang may pag aalangan.




"Para sa mga bata." Sabi ko saka ko niyakap si Aki. Namiss ko talaga ang mga anak ko.



"Okay! At dahil kumpleto na ang pamilya, maaari ba namin kayong imbitahan dito sa maliit na entablado mommy and daddy?"




"Ma tara na, tawag tayo nung clown oh."



Hinila ako ni Yesha pati ni Aki papunta dun sa maliit na stage at sumunod naman si Zander sa amin.



"Aalis ka ba pagkatapos nito?"


Tinignan ko si Zander at parang patay malisya lang siyang nagtanong. Tumango naman ako bilang sagot at hindi na siya nagtanong pa.

Naging maayos ang party at sobrang saya talaga ng kambal, pati nga ako nag enjoy sa mga games nila. Pag alis ng mga bisita ay isa isa nilang binuksan ang mga regalo nila.



"Alex?"



Lumingon ako dun sa tumawag sakin at nakita ko si Tasha kasama si Ermes at.. Si daddy? Naka tungkod lang siya at parang hirap pang lumakad.



"Alessandra.. anak."




"Ahh.. K..kayo po pala." Sabi ko saka ako tumayo sa kinauupuan ko.



"Kumusta ka na hija?"



Hindi ako makapagsalita. Hindi ako makapaniwala na kinakausap ako ng tatay ko ngayon at kinakamusta. Am I dreaming or what?? Please say something Alex! "A..ayos lang po."



"Mabuti naman hija.. Sila na ba ang apo ko sayo?"



Tinignan ko yung kambal saka ako tumango at tinawag ko sila. "Kids.. Mag bless kayo sa lolo nyo, pati kay tita Tasha at sa asawa niya." Sumunod naman ang dalawa ng walang pag aalinlangan. Kinakabahan ako at hindi ko alam ang isasagot ko. Parang gusto kong magalit pero at the same time gusto kong kalimutan na lang ang lahat.





"Ang ganda ng kombinasyon nyo ng asawa mo dahil napaka ganda at gwapo ng mga apo ko."




Muntik na akong maubo sa sinabi niya at ito namang si Tasha biglang tumawa.




"Zander, hindi ka ba magmamano sa father-in-law mo?" Paninita ni Tasha kay Zander na naiwan dun sa mesa kung saan nagbubukas ng gifts ang mga bata kanina. Tinignan ko siya at tumayo naman siya saka bumati.




"Siguro hindi nabanggit sayo ni Alex na may tatay pa siya. Pasensya na kung hindi ko nasamahan ang anak ko sa paglaki niya, napaka laki ng atraso ko sakanya."




Bago pa makarating ang usapan sa kung saan ay nag excuse na muna ako na magpupunta ng cr saka ko dinial ang number ni Eros. "Bakit ba hindi pa siya dumadating??" Ngayon yung flight namin at hindi kami pwedeng ma late. Ilang beses ko pa itong sinubukang tawagan hanggang sa hindi ko na siya ma contact. Saan na ba kasi siya nagpunta?
Siguro kailangan ko nang umalis at puntahan siya. Inayos ko muna ang sarili ko bago ako lumabas ng cr at nang makalabas na ako ay saka nag ring ang phone ko.





Three Nice Words [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon