Chapter-01

1.2K 47 1
                                    

Umuulan noong araw na yun.. At kasabay ng patak ng ulan ang patak ng dugo mula sa labi ko.

"ANO?! Ang yabang mo! Wala ka naman palang binatbat!"

*Bogsh*

"Kung ako sayo humingi ka na lang ng tawad kay boss"

"Bobo ka ba? Hindi ako si Zander Avillon kung gagawin ko yun"

"Edi tanggapin mo yung kapalaran mo!"

Handa na sana kong mabugbog sakanya pero may sumalo nung suntok. Sino ba to? Hindi ko makita yung mukha nya dahil madilim at umuulan pa.

"Hoy tanga! Wala ng kalaban laban yan pinapatulan nyo pa."

Babae? Babae yung boses nya.

"Hindi kami pumapatol sa babae, kung ako sayo umalis ka na jan at huwag ng makielam pa miss."

"Talaga? Edi pumatol ka na ngayon.. Sige mauna na yung gustong mamatay"

Nasisiraan na ba tong babaeng to. Hindi ko talaga maaninag yung mukha nya, sino ba sya?? Ba't ang galing nyang makipag away.

Ilang minuto pa yung lumipas bagsak lahat ng grupo ni Zeus pati na rin sya.

"Oh ano pang tinitingin tingin mo jan? Diretso na sa ospital."

Hinila nya ko patayo dahil malapit ng bumangon yung mga kasama ni Zeus. Hinila nya lang ako at tumakbo sya.

"Sino ka?"

"Yan ba ang tamang tanong kapag mamamatay ka na? Takbo ka lang."

Ang bilis nyang tumakbo parang hindi babae. Saan ba sya papunta? Hindi ko na kaya dahil hinang hina na ko.

"Hindi ko na kaya.."

"Kayanin mo, dahil kung hindi pareho tayong mamamatay!!"

Tumakbo kai hanggang sa nadapa na ko. "Hindi ko na talaga kaya.." Hingal na sabi ko. Maya maya pa tumigil na sya sa pagtakbo.

"Tingin ko wala na sila."

Pumara sya ng taxi.

"Teka, sino ka?"

"Huwag mo ng alamin, hindi na rin naman tayo magkikita"

Hinintuan kami ng taxi at itinulak nya ko papasok dun. Hindi ko parin makita yung mukha nya dahil sa dilim.

"Anong pangalan mo?"

"Manong ihatid nyo yan sa ospital"

Three Nice Words [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon