Chapter-05

419 35 1
                                    

"Langya talaga yung Zander Avillon na yun!! pati na rin yung mga grupo nya." Sabay bagsak ng bag ko sa lamesa at nagbaba ako ng isang upuan para maupo.

"Waaaaaaaaaaaaaaaaaah!!"

"Aray!! Ang sakit sa tenga Anica!! Ano bang dinadrama mo jan?"

"Aleeeeeeeeex!!" Sinubsob nya yung mukha nya sa mesa. "Bakyeeeeeeeet!!"

"Hoy Anica para kang tanga jan! Huhulaan ko, nagbreak na kayo ng boypren mo no."

Tumingala sya bigla at humarap sakin. "Paano mo nalaman??"

"Ano pa nga ba yung magiging dahilan ng pag-iyak mo jan kung hindi lang yung lalakeng yun. Sus, pare pareho lang talaga lahat ng mga lalake."

"Hindi lahat noh! Bakit? ni hindi ka pa nga nagka boyfriend kung makapagsalita ka jan. Bakit, natikman mo na silang lahat?"

"Yuck!! ano bang sinasabi mo? Hindi ko na kailangan magka boypren para lang maranasan kong masaktan noh!! Sainyo lang dalawa ni mama na i-immune na ko."

"Grabe ka naman Alex!! Hindi naman sya ganun kasama noh!! cool off lang kami."

"COOL OFF?? Naku huwag ka ng umasa. Ganyan talaga ang mga lalakeng gustong kumawala sa isang relasyon. Sasabihan ka ng ng mga katagang It's not you, it's me. You deserve someone better than me. I'll just find myself. Anu yun?? nawawala sa sarili?? panis na yung mga linyang ganun!"

"Ang bitter mo naman!"

"Hindi ako bitter!! mainit lang talaga yung ulo ko sa mga pesteng lalake na yan!! Ba't di pa kasi sila mawala lahat!! Lalo na yung Zander na yun!!"

"Tama!! Isama mo pa si Jeff!!" Pagkatapos nyang sabihin yun tumingin sya sakin. "Teka! sinong Zander yun?? Si Alexander Avillon ba yun?"

"Sino pa nga ba??"

"Ay jusko po binabawi ko na po yung sinasabi ko, kahit si Jeff na lang po kunin nyo huwag lang yung magandang lalake na gaya ni Zander Avillon."

"HOY!!" Hinampas ko nga sya ng matauhan ang loka!

"Oh bakit?"

"Anong bakit? alam mo namang ayoko sakanya diba?"

"Eh ano na naman bang ginawa nya sayo?"

"Sinira nya lang naman ang araw ko"

"Oh eh ano pa bang bago? Eh sa halos araw araw na ginawa ata ng Diyos wala kang ginawa dito kung hindi magreklamo sa paninira ni papa Zander ng araw mo"

"Papa Zander?? eeeew!! Ano ka, anak nya?? maka papa. Hindi lang kasi yun yung nangyari, mas terible yung ngayon."

"At ano naman yun aber?"

"Kinampihan ng proffesor namin yung kalokohan nya. HAAAAAAY!!" Tumayo ako dahil sobrang nanggigigil na kooooooo. "Nakakainis na talaga sya!! Ang sarap nyang pigain, pilipitin at ibaon sa lupa!! Sila ng grupo nya."

"Buong grupo nya kaaway mo?"

"Oo! pati yung manyak na yun!"

"Manyak? sinong nagmanyak sayo? si Zander ba?"

"Alam ko na mukhang manyak si Zander, pero hindi sya yung tinutukoy ko."

"Eh sino naman?"

"Ako bang tinutukoy mo?"

Humarap ako dun sa nagsalita. "Oo ikaw nga yun" Sabi ko at naupo na uli ako sa upuan ko. O__________O Napatayo ako at humarap sakanya. "Anong ginagawa mo dito?!!"

"Hindi ako manyak, hindi ko kasalanan kung bakit ka--"

"STOOP!!"

Hinila ko sya palabas ng bar. Sino bang nagsabi sakanya na pwede sya ng pumunta dito?? Sinusundan ba ko ng lalaking to?? "Bakit ka nandito?? Siguro stalker kita no?"

"Stalker? sa gwapo kong to, pinagkakamalan mo kong stalker mo?" Tinignan nya ko mula ulo hanggang paa tapos pataas uli at huminto sya ng tingin sa may bandang dibdib ko. Tinakpan ko naman yun ng mga kamay ko.

"Sinasabi ko na nga ba at manyakis ka!"

Hindi parin sya umaalis ng tingin at ngumiti pa sya. HA................?? TEKA NGA LANG............!! Ngumingiti ba talaga sya?? Napako yung tingin ko sa mga labi nya, ang pupula at yung mga ngipin nya na napakaputi ay pantay pantay. Napakanda ng ngiti nya parang may naaalala ako sa mga ngiting yun at yung mga dimples nya mahahalata mong napakalalim dahil kahit simpleng ngiti lang ang gawin nya bumabaon ang mga ito sa pisngi nya.

Unti unti syang lumapit sakin at ako naman umusog ako palayo. Ano bang ginagawa nya?? "Hoy hanggang jan ka lang!" Hindi nya pinsin yung sinabi ko at patuloy parin sya sa paglapit nya sakin. "Magaling ako sa martial arts hindi kita uurungan!" Umuurong parin ako habang papalapit sya sakin hanggang sa wala na kong maurungan dahil pader na yung nasa likuran ko. "Ano bang ginagawa mo? At chaka teka nga, bakit ba ko umuurong?" Susuntukin ko na sana sya pero bigla nyang nahawakan yung kamay ko at...

At...

At...

Yung kamay nya, hahawakan yung ano koooooooo!!!

Tatadyakan ko sana sya pero naharangan nya yung paa ko. WALA AKONG KAWALA SAKANYA BWISET!! Napapikit na lang ako nung makita ko yung kamay nya na papalapit na sa dibdib ko.

LINTIK NA LALAKENG TO!! Kumuha ako ng pwersa para itulak sya pero bigla akong natigilan ng makita kong hawak nya yung...

yung ano ko...

yung ano...

yung...

yung kwintas ko. Kayo talaga yung isip nyo. Teka lang anong meron sa kwintas ko?? "Bitawan mo nga yan!" Nang makakuha na ko ng pwesa ay bigla ko syang itinulak sabay sipa ko sa tuhod nya. "Kahit kailan manyak ka talaga!!" Tinignan ko sya pero hindi man lang sya nag rereact sa nangyari bagkus naka ngiti pa sya. NAKA DRUGS ATA TO EH. "Hoy naka drugs ka ba? Bakit ka ngumingiti mag-isa?" Nabasa nya ba yung nasa isip ko kanina kaya hanggang ngayon naka ngiti parin sya??

"Sorry. Natakot ata kita."

"Huh?? Hindi ko inaasahan yan mula sayo ah." Lumapit sya sakin at pumusisyon ako na parang susuntukin ko sya.

"Pumnta ako dito dahil dito." Tinignan ko yung iniaabot nya sakin. "Nahulog mo kanina sa room, napunta malapit s paa ko kaya pinulot ko. Ibibigay ko sana sayo kanina kaya lang agad kang umalis at hindi na kita nahabol." Huminto sya at tinignan yung bar. "Nakita kitang naglalakad papunta dito kaya sinundan kita para maisauli sayo yan."

Huh?? Totoo ba tong nakikita ko?? Pumunta sya sito para lang ibalik sakin tong ballpen na to?? Kinuha ko yun mula sa kamay nya.

"Aalis na ko, masaya akong makita ka uli... Alezzandra.."

Pagkatapos nyang sabihin yun sumakay na sya sa motor nya at pinaandar nya na ito. Totoo ba yung nangyari?? baka naman panaginip lang.

"ALEEEEEEEEEEX!!!" Biglang lumapit sakin si Anika. "Woooooow ang haba ng hair mo te! nasaksihan ko lahat yun. Ang cool nya diba?? Grabe kung saakin nya ginawa yun mahihimatay talaga ko sa harap nya. Kaya lang ikaw yun eh. Ikaw nang maswerte Alex! Kaya lang te ka turn-off ka, napaka judgemental mo, pagbintangan ba namang manyak yung tao. Hoy!! tulala ka jan, wala na sya."

Saka lang ako bumalik sa katinuan ko nung mag snap sa harapan ko si Anika. "So ano na?? miss judgemental? Nag-iba na ba yung pananaw mo sa mga lalake??"

"Tumgil ka nga, judgemental ka jan! sige ako ang judge at ikaw ang mental." Pumasok na ko sa loob saka ko sya iniwan doon mag-isa. Kinuha ko na yung gamit ko dahil mamayang gabi pa yung pasok ko. Uuwi na muna ako.

Habang naglalakd ako pauwi hindi parin mawala sa isip ko yung nangyari kanina. Nagpunta talaga sya doon para lang ibalik yung ballpen.. Kinuha ko yung ballpen mula sa bag ko. "Talagang nag-aksaya sya ng oras para lang dito?"

Kaya lang hindi parin mawala sakin yung huli nyang sinabi..

"Masaya akong makita ka uli... Alezzandra.."

Bakit sya masisiyahan na makita ako?? Hindi naman kami magkakilala dati at mas lalo namang hindi kami close sa school. May kakaiba sakanya.. at yun ang kailangan kong alamin.

Three Nice Words [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon