Chapter-04
Alex' POV
Natapos naman ang klase namin ng maayos. Yung lalakeng antipatiko sa tabi ko?? ayun wala namang ginagawang masama sakin kaya hinahayaan ko lang sya. Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit nya ko pinaupo sa tabi nya?? Malamang may plano yun. Hindi pa nga lang naisasakatuparan.
"Baka naman trip nya lang." Mahinang sabi ko sa sarili ko. Papunta ako ngayon sa canteen para kumain. Grabe nagutom talaga ako sa subject na yun, biruin nyo ba naman apat na oras kang naka tunganga dun. Sino ba namang hindi gugutumin diba??
Pagdating ko sa canteen kinuha ko sa bag ko yung baon ko. Oo, nagbabaon nga ako. Ayoko na kasing gumastos dito sa school, bukod sa mahal na tuition fee mahal din yung pagkain. Sus, akala mo naman may halong ginto yung pagkain nila dito. Binuksan ko na yung baonan ko at nakita ko yung pagkain ko. Pancit canton and rice. "Wow na miss ko to ah." Susubo na sana ako ng may biglang bumunggo sa kamay ko mula sa likuran, nahulog tuloy yung pagkain na dapat isusubo ko.
"Look girls. Sya yung girl na tumabi kay Zander kanina sa classroom diba?"
"Yes, sya nga yung girl na yun."
May mga babae sa likuran ko at sa tingin ko ako yung pinag-uusapan nila. Kalma ka lang Alex, sayang ang scholarship mo kung papatulan mo sila.
"Akala mo kung sinong makapag taray kay Zander, eh isa lang naman syang hamak na working student na pinalad makapasok sa Avillon Academy." Narandaman kong yumuko sya para iparandam sakin yung susunod nyang sasabihin. "I wonder, ano kayang mangyayari sakanya kapag nalaman ni Sabrina na nilalandi nya si Zander."
Pagkatapos nyang sabihin yun pumunta sila sa harap ko at umupo sa kaharan na upuan.
"And look" Kinuha nya yung lunchbox ko na may lamang pancit canton. "Pagkaing mahirap. Inuulam nya pa eeeeww.." Binitawan nya yung lunchbox ko kaya natapon yung pagkain ko. "Oopss. Sorry, hindi ko sinasadya." Sabi nya habang nagkukunwaring na gi-guilty.
"Oh heto five hundred pesos. Bumili ka ng pagkain jan sa canteen para makatikim ka ng masarap na pagkain."
Nilagay nya yung limang daan sa mesa tapos naglakad na sila paalis. "Sandali lang.." Mahinang sabi ko. Tumingin ako sakanila at nakita kong nakaharap silang tatlo sakin. "Alam nyo bang nakaka-awa kayo?"
"Ano?" Tanong nung babaeng matangkad na payat na mukhang nasubsob sa foundation.
"Kasi, nasabing nag aaral nga kayo sa magandang eskwelahan wala naman kayong natututunan. Mga makikitid ang utak, puro pagpapaganda lang ang alam at ang tingin sa lahat ng bagay ay nababayaran ng pera. Kawawa kayo dahil hindi nyo alam ang tunay na kahulugan ng buhay." Iniligpit ko na yung piagbaonan ko at ibinalik ko na sa plastic bag. Kinuha ko yung limang daan na iniwan nila sa mesa at pinampunas ko nung pagkain kong ikinalat nila sa mesa.
Lumapit ako dun sa babaeng naglagay ng limang daan sa mesa at ipinahid ko sa damit nya yung limang daan. "Salamat pero hindi ko kailangan yan."