A/N: Sorry sa late at short update na ito. Pramis na pramis! Sa next chapter ako babawi. Eto na nga sinusulat ko na ahahaha.
Pangatlong araw na ni Alex sa ospital at hilong hilo na siya sa mga gamot na pinapainom nila sakanya, sawang sawa na siya sa mga pagkain na walang lasa, sa amoy ng lugar na amoy gamot at isa pang inalala niya ay ang bill niya sa mamahaling ospital na pinagdalhan sakanya ngayon.
"Nay kailan ba kasi ako pwedeng lumabas? Baka kahit buhay ko ay kukulangin pambayad sa ospital na to."
"Huwag ngang matigas ang ulo mo Alex! Sinabi na ni Zander na sagot niya lahat ng expenses dito kaya huwag mo nang isipin yun!"
"Nay naman! Kailan pa kayo natutong mag english? Nahahawa na ba kayo sa grupo ng mokong na yun?"
"Anak naman tinitignan ko lang kung nakikinig ka."
Natawa na lang siya sa reaksyon nilang mag ina.
"Pero seryoso nay gusto ko na talagang lumabas dito. Ayoko naman ding ipakargo kay Zander lahat, nakakahiya din kasi sakanya."
"At kailan ka pa tinubuan ng hiya Alezzandra?"
"Tsss. Nay naman eh!"
"Oh sige na, ikaw na ang mahiyaing bata. Oo nga pala pinapakumusta ka ng mamu mo saka mga katrabaho mo."
"Nay!" Biglang humina ang boses niya. "Hinaan niyo yung boses niyo, baka may makarinig sainyo."
Nagpalinga longa ang nanay niya sa paligid upang masigurado na walang tao at nang maka sigurado ay saka kinausap uli ang anak.
"Wala namang ibang tao dito. Ano bang masama sa pangungumusta nila?"
Lumapit siya sa nanay niya saka nagsalita ng mahina.
"Maliban sa atin at kay Eros, wala nang ibang nakaka alam na nagta trabaho ako doon."
"Eh ano namang masama kung malaman nila?"
"Nay ayokong malaman nila. Magagalit si Zander kapag nalaman niya at isa pa kapag kumalat yun sa school siguradong aawayin nila akong lahat at baka kung ano pang isipin ng mga yun."
"At kailan ka pa natitong mabahala para sa sarili mo? Sinalo monga yung balang para dun sa lalaking yun diba?"
"Iba yun nay. Ah basta wala kayong sasabihin kay Zander." Marahas siyang simandal sa higaan niya kaya nanakit ang likod niya. "Arouch."
"Ano yung hindi dapat sabihin sakin ng nanay mo?"
Pareho silang napatingin sa nagsalita. Dumating si Zander na may dala na namang isang bugkos ng rosas. Ilang araw na siyang nagdadala ng mga bulaklak kay Alex at hindi na rin niya mabilang kung ilang bulaklak na ang nadala nito.
"Ah.. maiwan ko na muna kayo, ikaw na munang bahala sa anak ko at kailangan ko pang maglaba."
"S..sige po nay. Mag ingag kayo, huwag masyadong magpapagod at inumin niyo ang mga gamot niyo."
"Sige na at baka maka istorbo pa ako sainyo."
Paglabas ng nanay ni Alex ay umupo sa tabi niya si Zander at tinignan lang siya nito.
"Oh bakit?" Iritableng tanong ni Alex.
"Anong pinag uusapan niyo kanina ng nanay mo?"
"Secret."
"Bakit ka nag sisikreto sakin? Siguro two timer ka no?"
"Tsss, ang isip bata mo. Wala lang yun sabi. Ibibigay mo ba sakin yang bulaklak oh hanggang mamaya mo hahawakan?"