Chapter-23

228 17 0
                                    

Third Person's POV

"Zandra!"

Napatingin si Alex sa tumawag sakanya at nakita niya si Eros. Tumatakbo ito palapit sakanya ngunit hindi lumalapit ang distansya sakanilang dalawa.

"Zandra!"

"Eros.." Inabot niya ang kamay nito ngunit nang tignan niya ang lalaki ay si Zander na ang hawak niya.

"Alex.." Lumapit ito sakanya saka siya niyakap nito. Tinignan niya si Eros at unti unti itong lumalayo sakanya. Pilit niya itong inaabot ngunit palayo ito ng palayo hanggang sa mawala na ito ng tuluyan sa paningin niya.

"Eros.."

"Alex?"

Pagmulat ng mga mata niya ay nakita niya ang sugatan at puno ng bendang si Zander pati na rin ang mga kaibigan nito maliban kay Eros.
Lumapit ito sakanya at niyakap siya nito.

"Mabuti naman at nagising ka na."

Pilit niyang inalala ang mga pangyayari saka lang bumalik ang lahat. Sinalo niya yung bala na tatama sana kay Marion.

"Nasaan si Marion?"

"Si Ermes ba? Huwag mo nang alalahanin yun, naka kulong na siya at hindi na yun makakalabas." Sagot ni Jiro.

"Naka kulong siya?"

Kumawala ng yakap sakanya si Zander saka ito umupo sa tabi niya.

"Dapat lang sakanya yun. Nakita mo naman ang ginawa niya satin diba?"

Hindi na lang nagsalita si Alex, naiintindihan niya naman si Zander dahil sa ginawa nito sakanya pati na rin sakanila ni Eros.

"So Eros?"

"Nasa bahay siguro nila, hindi pa siya nagpapakita eh. Kumsta na yung pakiramdam mo?" Si Brent yun na isa sa mga kaibigan ni Zander.

"Oo nga, kumusta ka na?" At si Liam naman na walang ibang alam gawin kundi ang mag second the motion.

"Okay na ako. Mejo masakit lang ang likod ko. Wala bang masamang nangyari kay Eros?"

Yung araw kasi na dinukot siya ay nagulat na lang siya at nandoon din si Eros, nasundan pala sila nito at tinangka siya nitong iligtas, kaya lang ay nahuli sila ng mga tauhan ni Ermes kaya binugbog ito saka itinali ng naka patiwarik.

"Walang masamang nangyari sakanya, nagpapahinga lang siya sa bahay nila. Teka nga, bakit siya kinakamusta mo samantalang ako na nasa harapan mo at bugbog sarado hindi mo tinatanong?"

Tinignan niya si Zander saka lang siya nakaramdam ng pag aalala dito. Napansin naman na niya kanina ang nobyo ngunit nabahala lang talaga siya sa dating kaibigan, lalo na't hindi niya ito nakita pag gising niya.

"Kailangan ko pa bang itanong ang kalagayan mo? Nakakatayo ka naman, nakakapagsalita. Ano pa bang dapat kong ikumusta sayo?" Masungit na tanong niya dito. Nag aalala naman talaga siya dito pero ayaw niya lang ipahalata dahil hindi kasi natural ang pagka sweet niya.

"At ganyan mo pa ako batiin ngayon?" Balik na tanong sakanya ni Zander.

"Hindi nam--"

"Oops!! Tama na yan guys." Biglang sumingit sa usapan si Brent. "Baka mamaya magka world war III dito. Ang mabuti pa mag celebrate na lang tayo dahil gising na si Alex at okay ka naZander."

"Mabuti pa nga." Segunda naman ni Liam.

"Mabuti pa nga at nang ma--"

"Alex???"

Lahat sila nagulat sa biglaang pagbukas nh pinto at iniluwa noon ang kaibigan niyang si Anica na hingal na hingal na lumapit sakanya.

"Waaah Alex kumusta ka na? Pasensya ka na at ngayon lang ako lumabas galing sa trabaho nag OT kasi ako eh. Napadaan lang ako sainyo at nasabi sakin ni aling Ester na nasa ospital ka daw. Kumusta ka na? Anong masakit sayo? Okay ka na ba?"

Three Nice Words [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon