"Bwiset ka talaga Zander!! Humanda ka sakin pag nakita kita. Sisiguraduhin ko na dudurugin kita ng pinong pino at ipapakain ko sa mga pating ang abo mo!"
Inis na inis akong naglalakad ngayon sa madilim na daan sa isang lugar na hindi ko alam kung saan. Eh paano ba naman kasi iniwan ako nung dalawang lalake.. HAY NAKU!! isa rin yang Eros na yan! Huwag na huwag silang magpapakita sakin at makakatikim talaga sila!
"MGA BWISET KAYOOOOO!"
"Hoy! magpatulog ka naman!"
Nagulat ako nang may magsalita kung saan. Ay sorry naman kuya.
Nagpatuloy ako sa paglakad pero mag bebente minutos na ata akong naglalakad eh wala parin akong bus stop na nakikita.
Haaaaaaaay!! Lalo akong mangangayayat neto eh. Maya-maya pa may kotse na huminto sa may gilid ko. Bumukas ang bintana nun at nakita ko ang bwiset na lalakeng kanina ko pa pinapatay sa isip ko.
"Hoy bakit ka naglalakad? para kang pulubi."
Anong sabi niya?? pulubi ako? ANG KAPAL TALAGA!!
"Hoy--"
"Sakay na."
Ano daw? "Huh?"
"Ay bingi. Sakay na!"
Seryoso ba siya?? Pero seryoso man siya o hindi eh hindi na ako nagdalawang isip pa at sumakay na ako sa kotse niya. Baka mamaya mag change mind pa to' iwanan uli ako dito.
Actually hindi naman ako natatakot maglakad mag-isa dahil kaya ko naman yung sarili ko, inaalala ko lang kasi talaga yung mama ko. Baka mamaya nag-aalala na pala yun sakin dahil hindi ako naka-uwi kanina para kunin yung unifom ko sa trabaho.
Tawagan ko na nga lang.
"Hello ma?"
[Oh anak napatawag ka? nahanap mo na ba yung kapatid mo? ano nasan siya? okay lang ba siya?]
Haaaay eto na naman kami. Bakit ba kapag tatawag ako sakanya lagi niyang hinahanap ang walang kwentang yun?
"Nay hindi ko pa siya nakita. Ang OA niyo naman, sasabihin ko lang ho na pauwi na ako sa bahay."
[Ah akala ko nakita mo na yung kapatidmo. Osige na matutulog na ako.]
Pagkatapos nun binabaan niya na ako. Ganun lang yun? ni hindi man lang nag-alala sakin.
Sigh.. Bakit ba hinahanap niya pan yung manggagantsong yun? ang dapat dun sa lalakeng yun binubura sa mundo nang hindi na madagdagan ang mga manloloko.
Inis na ibinato ko sa bag ko ang cellphone ko at sumandal ako sa inuupuan ko. Kailangan kong ipahinga ang utak ko dahil kung hindi eh baka sumabog ako dito.
Third Person's POV
