Chapter-43

217 6 0
                                    

"Alex? Alex gumising ka!"



May naririnig akong boses pero hindi ko sigurado kung kanino yun. Pilit kong binubuksan ang mga mata ko pero parang ayaw magmulat ng mga ito.






"Tunawag kayo ng ambulansya!"




Ambulansya? Bakit? Anong nangyayari?





"Alex gumising ka."






"Mama! Mama!"





Ang mga anak ko ba ang naririnig ko? Bakit sila umiiyak? Anong nangyayari?? Bakit hindi ko maimulat ang mga mata ko?? Ayokong naririnig na umiiyak ang mga anak ko.. Anong nangyayari??






Zander's POV

Sumilip ako sa kwarto ng mga bata dahil nakita kong mejo bukas ang pinto nang makita ko si Alex na naka handusay sa floor at walang malay. Kaagad akong tumakbo papalapit sakanya saka ko siya ginising. Pawis na pawis siya kahit na napaka lamig sa kwarto ng mga bata.





"Alex? Alex gumising ka!"






"Sir ano pong--"








"Tumawag kayo ng ambulansya!" Utos ko dun sa maid na papasok palang sa kwarto. "Alex gumising ka."






"Mama! Mama!"




Biglang nagising ang kambal saka tumakbong lumapit kay Alex, umiiyak na sila ngayon. "Kids dito lang kayo, dadalhin ko sa ospital ang mama ninyo." Binuhat ko si Alex at dinala ko siya sa kotse, hindi ko na hinintay ang ambulansya dahil nakikita kong nahihirapan na siyang huminga at pawis na pawis.

Pagsakay ko sa kotse kay Alex ay sumunod ang mga bata. Sinabihan ko si manang na bantayan ang mga bata kaya kahit na nagpupumiglas sila ay hindi ko na sila hinayaang sumama. Itinodo ko ang aircon ng kotse saka ko siya pinunasan.Nagmadali akong magmaneho papunta sa pinaka malapit na ospital pero nagkataong traffic sa dinaanan kong ruta dahil mukhang may ginagawang kalsada. "T*ngina bakit ngayon pa!" Napa suntok na lang ako sa manibela.
Tinignan ko si Alex at halatang masama ang pakiramdam niya. Sinubukan kong tanggalin ang suot niyang sweater pero pinigilan niya ako. "Alex naririnig mo ba ako?"








"N..nasaan ako?"






Hindi parin niya iminumulat ang mga mata niya. "Dadalhin kita sa ospital. Sandali na lang, mejo na traffic lang tayo."





Bigla siyang umiling. "Dalhin mo ako kay Eros.."






"Ano?" Nag collapse na siya at lahat pero si Eros parin ang hinahanap niya? "Dadalhin kita sa ospital." Sabi ko sakanya. Hindi na siya nagsalita pero nakita kong kinuha niya ang phone niya at dinial niya ang number ni Eros. Kinuha ko naman yun saka ko hinagis sa likuran ng kotse.







"A..no bang.. Problema mo?!"






"Anong problema ko? Hindi mo talaga alam? Nag seselos ako dahil kahit ako na ang kasama mo, kahit nasakin na ang mga anak mo, at kahit na lumuhod ako sayo para magmakaawa sayo, si Eros parin ang hinahanap mo. Alex hindi pa ba sapat ang paghingi ko ng tawad? Hindi pa ba sapat na pinangkuan kita ng kasal at handang makasama ka habang buhay? Bakit si Eros parin?!" Bigla siyang nanahimik. "BAKIT ALEX?!" hindi ko na talaga mapigilan ang sarili ko sa sobrang galit.






"Bababa na ako.."






Nagtangka siyang bumaba pero hindi ko siya hinayaan, bagkus ay hinawakan ko siya ng mahigpit.







Three Nice Words [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon