L U P I
August 09, 1899| 4:00 am
"Luna!" narinig ko ang boses ni Jerico, dahan-dahan niyang hinahaplos ang ang pisngi ko. Nanglaki ang mata ko at biglaang napaupo, doon ko naramdaman ang kirot sa bandang tagiliran ko.
"Huwag ka muna masyadong malikot..." ani niya habang umiiling.
Nakita ko na may nakapulupot na tela sa aking tagiliran, nasa loob kami ng isang kweba, isa ito sa ruta kung saan mahirap ikutin at nakakaligaw. Hindi ko maiwasan mamangha sa kanya,
"Paano mo ako nadala rito?" takang tanong ko.
"Ikaw ang nagdala sa'kin dito, Luna." Hindi ko alam ang sinasabi niya, pakiramdam ko may iba itong pinaparating.
Itatanong ko sana kung ano ang ibig niyang sabihin nang biglang may marinig kaming putukan, malapit sa amin. Nakita ko ang akmang pagdukot ni Jerico ng kanyang rebolber, tatayo sana siya pero agad kong hinawakan ang damit niya upang pigilan siya.
Napahinto siya at sa puntong ito, nakita ko ulit ang kalmado niyang ngiti, "Pangako, babalik ako Luna." Aniya.
Napapikit ako at unti-unting binitawan ang pagkakapit sa kaniya, tinakpan ko ang tenga ko at umiyak nang umiyak.
Hindi ko na kaya kung sa pangalawang pagkakataon, wala na naman akong gagawin.
Napabuntong hininga ako, kinuha ko ang punyal na bigay ni Don Agoncillo, ito ang unang pagkakataon na may nagbigay sa akin na regalo bilang tatay. Hindi ko alam na magagamit ko ito sa oras na malapit na ako mamatay.
Napangisi ako,
I am not weak, motherfuckers!
Iika ika akong lumabas ng kweba at saktong nakasalubong ko ang isang lalaking sundalo, itututok niya palang sa akin ang baril ay nahagis ko na sa ulo niya ang kutsilyo.
Hindi ko inalintana ang dugong tumalamsik sa mukha ko, dinura ko ang sarili kong laway dahil sa labis na pangdidiri.
Nakita ko si Jerico at nanlaki ang mata ko nang makitang nagdudugo na ang paa at ang kanyang tagiliran at kahit nakaupo ay pilit niya pa ring kinakalabit ang kanyang baril, kahit na may sugat at hindi makagalaw ng maayos ay natatamaan niya pa rin ang mga kalaban. Nakita kong papalapit siya sa isang bato upang ikasa ang kanyang baril.
Agad akong lumapit sa lalaking natamaan ko ng kutsilyo, kita ko ang hiwa sa kanyang ulo na ako mismo ang gumawa. Wala na akong oras pa para mandiri kahit may laman loob na bahagayang nakalitaw dito.
Agad akong sumigaw upang makuha ang atensyon ng mga sundalo, hindi ko dinaing ang sugat ko sa tagiliran na nararamdaman kong bumubuka.
"Wassup, Obob na sundalo!"
Nagtagumpay ako at nakuha ko ang atensyon nila, agad ko silang pinatamaan bago pa nila ako maunahan.
Nahagip ng mata ko ang nakaawang na bibig ni Jerico, nanglalaki rin ang mata niya animo'y gulat na gulat. Mabuti nalang at nakabawi siya agad, bumalik ang kunot noo niya habang puno ng kunsumisyon ang itsura.
"Sakalam!" Sigaw ko, umiiling siya habang busy din sa pag asinta.
"Sakalam, binibini!" Sigaw ni Jerico na nagpatawa sa akin. Akala niya siguro motivation ang ginawa ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Touch Of Terror
Historical FictionYear 2020, A series of bizarre deaths has come. Terror, sabotage, assassination. The rule is only for the poor, A system of Government that is run by the worst. Life for a twenty-year-old girl is not easy. Lalo na at namulat agad siya sa pagkasakim...