19 : Kalasag

42 18 0
                                    


L U P I

August 03, 1899| 11:32 am

Tanghali na at abala ang mga kababaihan sa pagluluto, balita ko tapos na ang digmaan na kasama si Jerico. Hindi ko maiwasang mag alala.

Maayos lang kaya ang lagay niya?

"Ito, ang pinakamahusay na tagapag luto sa ating bayan. Talagang, matatakam ka sa halimuyak pa lang." Sambit ni Bren habang hatak-hatak ang babaeng may hawak na patola.

"Magandang umaga, Señorita Luna! Ako nga po pala si Rosa. Ang matalik na kaibigan ni Ligaya, kinuwento ka po niya sa'kin!" Masigla nitong bati, ang maamo nitong mukha ang nagbibigay liwanag sa nagkakagulo na paligid.

Siya rin ang pinaka lider, kaya halos lahat ng trabaho ay ginagampanan niya. Kumbaga sa kasalukuyan, maituturing na Chef si Rosa. Talagang nakakatakam nga ang mga niluluto nito, hindi maiwasan ng tiyan ko ang kumalam sa pagka gutom at pagka takam.

"Kumain po muna kayo, Señorita Luna?" Sambit nito habang hawak ang mangkok na puno ng mainit at mabangong sabaw ng tinola.

"Sige na, Luna! Alam kong may buwaya sa tiyan mo. Kumain ka na at mamaya aasikasuhin mo pa ang iyong sinisinta!" Sambit ni Bren, na nagpalaki ng mata ko. Para namang kinilig si Rosa kaya naiilang akong humarap sa kanya, na nagsasabi na nagkakamali siya ng iniisip.

Inabot na sa'kin ni Rosa ang kanin at ulam, wala na akong nagawa kung hindi bitbitin ito. Nagpaalam na siya at halatang natataranta na ang lahat sa pagluluto ng mga pagkain ng sundalo,

"Isa sila sa mga sumusuporta sa labanan. Sila ang naka toka sa mga pagkain." Bulong ni Bren, tumango-tango ako. Napangiti ako nang mapagtanto na ginagawa ng lahat ang makakaya nila upang makatulong sa pagkamit ng kalayaan ng pilipinas.

Lumabas muna ako, kung saan may mga nakatalang upuan na kahoy para sa mga sundalo. Habang hinihigop ang mainit na sabaw ay nakarinig ako ng mga hiyawan, sa isang gilid ay ang mga taong nagpupulong pulong habang may kung anong ibinibigay sa isang lalaki. Nakatalikod iyon kaya hindi ko masyado makita, pero isa lamang ang sinisigurado ko. Nang buburaot siya.

Lumapit ako ng kaunti upang silipin iyon ay nakita ko ang isang kano na nakasandal sa isang pader, mataman itong nakatingin sa akin. Nginisihan ko siya lalo na't nang matanaw ko ang nasa gilid niya, may mga basket na puno ng mga paninda na kinuha niya at halos kalahati ng espasyo ng kalesa ay puno ng mga baril. Magagandang baril.

Kinuha ko ang libro na nasa ilalim ng upuan, hindi ko alam kung kanino 'to. Ipinagsawalang bahala ko na lamang at dahan-dahan na lumapit patungo sa amerikanong pangit.

Sinadya kong mahulog ang libro at hindi ako nagkamali agad niya akong tinulungan. Nang magtama ang mata namin ay agad siyang ngumiti, naramdaman ko pa ang pagdausdos ng kamay niya sa kamay ko. Kinilabutan ako at gusto ko na agad siyang banatan, pero may misyon ako.

Napabuntong hininga ako, "I'm sorry..." sinadya kong ienglish ang salita ko para mas makuha ang atensyon niya at hindi ako nagkamali.

"You know english?"

"Of course, I've learned it from my father."

"Who is your father?"

"It doesn't matter, how about we talk there? It's too hot here." Umarte akong nagpapaypay at naiinitan.

"Anything for you..."

"Do you believe in love at first sight?" Saad ko, habang pasimpleng inipit ang buhok sa tenga. Enebe.

"No, haha!" Pasimple rin akong umirap.

"Should I walk by again?" Natatawa siyang umiling, tila kinikilig. Nang makaupo na kami sa upuan na tinuro ko ay tanaw na tanaw ko na ang mga baril.

Touch Of Terror Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon