4 : The sun is going down

318 106 170
                                    

L U P I

June 16, 2020 | 3:32 pm

Lahat kami ay nakangiti habang tinatago namin sa likod ang aming mga kamay, our shirts were caked with dried mud. Hindi namin napigilan batuhin ng putik ang mga pesteng humahabol sa amin.

Nanunuring tingin ang binigay sa amin ni Nanay Imelda, ang lola ni Jerico. Inayos niya pa ang salamin, maya-maya ay nilapit niya ang ilong sa'kin at kusa rin siyang lumayo dahil sa magarang amoy.

Nagpipigil ng tawa ang tatlo pero kahit na ganun ay nakangiti pa rin ako kay Nanay Imelda, kailangan ko makigamit ng poso ng libre. Bukod sa naiwang cellphone ay wala rin akong dalang wallet. Bwakanang shit, walang ganti.

"Juskong mga bata kayo! Bakit ang lansa at ang dumi niyo!?" Naghihisterikal niyang sabi.

Nagkamot lamang ako ng ulo, maya-maya ay nagsalita na si Jerico kung pwede kami makigamit ng poso ng libre. Masungit kaming tinignan nito pero sa huli ay pinayagan pa rin kami.

Nang makapagpalit ng mas maayos na damit ay naupo muna ako sa kahoy nilang sala katabi ni Francis, naglalaro siya ng rubik's cube. Kahit na nakatingin sa malayo ay gamay na gamay niya na, halos ilang minuto lang ang ginagawa niya upang mabuo ito at pagkatapos non guguluhin niya muli.

Nakagat ko ang labi ko, samantalang ako binabaklas ko 'yon para lang mabuo ang kulay. Hindi ko maiwasan mamangha, he was born with Autism Spectrum Disorder.

A beautiful, talented, intelligent and adorable seven-year-old who changes people's world when he meets them. We are so lucky to have him.

"High five!" Sigaw ko, agad siyang ngumiti. Dahan dahan naitaas ang kamay at pinalo sa aking palad. Napangiti ako.

"Kantahin mo nga ABC, wala akong cellphone walang pang soundtrip." Sambit ko, ayaw niya kumanta kaya pinindot ko ang gitnang ilong niya tila nagmistula itong button upang kumanta siya.

"Abcd ghfi klmop!" Wala sa ayos at tono ang pagkanta niya kaya humalakhak ako habang pumapalakpak.

"Yeah, boi! Remix!"

Napahinto ako sa pagpalakpak nang may bumatok sa ulo ko.

"Nako lupi, pinagtritripan mo na naman ang apo ko!"

Natatawa akong nag peace sign, matanda na si Nanay Imelda pero malakas pa rin siya mangotong hanggang ngayon. Pakiramdam ko nga magkakabukol ako tuwing nandito ako.

"Nay! Alis na po kami, may skateboard battle pa si Lupi sa kabilang baryo." Nagahahadaling sambit ni Jerico habang nakatingin sa orasan.

Alas Kwatro na!

Nanglaki ang mata ko, nalimutan ko! Masyadong maraming nangyari ngayong araw kaya hindi na sumagi sa isip ko ang palaro. Lalabas na sana kami ng biglang humabol si Francis, ayaw nito bumitaw sa akin kaya nagmamadali nalang siyang binuhat ni Jerico.

Saktong paglabas namin ay ang pagtawid nila Kukoy, may dalang cartolina si Giselle at nakapang cheerleader na hello kitty. Napangiwi na lamang ako.

******

Hingal na hingal kami nang makatapak kami sa Skate park, hindi pa nagsisimula ang laro kaya pagod na pagod kaming naupo. Hindi ko alam kung bakit nagmistulang marathon ang araw na ito. Hindi pa man ako nakakapagpahinga ng maayos ay tumayo na ako.

Touch Of Terror Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon