28 : Danger

34 13 0
                                    

L U P I

March 11, 2021| 11:12 am

"It is alarming that it is no longer safe when traveling. I guess it's up to us, citizens, to take care of ourselves or we will be targeted by misinformed, corrupt, and absurd cops. So I'm back guys, this is Lupi and my travel Vlogs!"

Nagplay ang mga kuha kong pictures galing sa Vista, hindi ko maiwasan tumingala upang pigilan ang nagbabadyang luha. Ang mga litrato kung saan kumpleto kaming apat ang pinaka gusto kong kuha, Sayang lang dahil hindi na namin iyon mauulit pa. Tumingin ako sa camera,

"Ano nga ba ang pag uusapan natin ngayon? Of course about travel pa rin pero this time we will talk about Jerico Dela Rosa and Kukoy Sebastian."

"Jerico was known as an expert player in a multiplayer online battle arena game, in his hometown. Vista, may tournament siyang pupuntahan..."

Napatingin ako nang makita ang kuha kong litrato habang nakangiti siya sa isang computer shop, iniwas ko agad ang tingin ko. Bumibigat na naman ang loob ko, bumuga muna ako ng hangin bago magpatuloy.

"He reportedly died in a shootout after fleeing from a checkpoint, while Kukoy Sebastian, his companion, was still missing at that time."

"But now, I'm here with Kukoy, a victim and a witness. This is his drawings, natatandaan niya pa ang mga mukha ng mga pulis na walang awang pumatay sa kaibigan namin... he will be here to tell us what really happen that moment,"

Nakayuko si Kukoy, ang dating masayahin nitong mukha ay nalagyan ng pagkatakot at pangungulila.

"M-malapit na ang tourna noon, naka commute lamang kami... wala kaming motor dahil wala namang lisensya ang kuya Jerico ko. Wala rin sa aming dalawa ang marunong mag drive ay mas lalong hindi kami nag drudrugs, lahat ng taga Vista alam kung anong klaseng tao si Kuya Jerico..." his lips started to trembled.

Agas akong umiwas ng tingin, hindi ko magawang tignan si Kukoy na nagkaganito. I was too focused on myself, on my own suffering... hindi ko nakita ang nakatagong sakit sa likod ng maganda nitong ngiti.

"Noong gabi na yon, kumain lamang kami saglit sa isang convenience store. Mahaba ang byahe namin... napagod at nagutom. Habang naglalakad mayroong lumapit saaming tatlong pulis, nakangiti pa si Kuya Jerico noon at binati ng magandang gabi ang mga p-pulis, sinabi pa niya na idol niya ang mga pulis na kagaya nila. Nang bigla na lamang itutok saamin ang baril... hindi kami makagalaw sa takot. Nasa madilim kaming parte ng kalye, wala kaming mahihingan ng tulong..."

"Kahit nararamdaman ko ang takot ni Kuya Jerico ay nakiusap siya sa magandang paraan, sinabi niyang menor de edad ako na siya na lamang ang kausapin... nagulat ako nang sapakin siya ng mga pulis. Kung ano anong mura ang binato sa kanya, panay pagmamakaawa lamang siya na pakawalan na ako... na okay lang na siya nalang." Pinunasan niya ang luha niya.

"Ilang sipa at suntok ang inabot ni Kuya Jerico habang ako hindi makagalaw sa gilid dahil nakatutok ang baril saakin, rinig na rinig ko ang pagmamakaawa niya na huwag kaming patayin... Isang maling galaw ko lamang alam kong ipuputok nila ang baril... paulit ulit na nagmamakaawa si Kuya Jerico pero hindi nila iyon pinakinggan."

"Ako ang inaalala ni Kuya Jerico, paulit-ulit niyang sinasabi na kahit siya nalang at pakawalan na ako... halos tatlumpong minutong binugbog si Kuya Jerico hindi siya lumaban at nandoon pa rin ang respeto niya sa mga pulis, nangongopo at tinatawag pa niya itong sir..."

Touch Of Terror Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon