L U P I
March 10, 2021| 6:23 am
Masyadong marami ang nangyari ngayong araw na 'to, kinuha ko ang isang blankong papel at nilatag sa tabi nito ang pang pinta. Nagtataka naman silang napalingon sa 'kin, napatili si Giselle ng ibuhos ko sa palad ko ang kulay pulang pang pinta. Nang ilapat ko sa puting papel ay agad itong bumakas.
"Ang galing!" Agadan kinuha ni Kukoy ang kulay yellow na pang pinta at ginaya ang ginawa ko.
Sabay kaming napatingin ni Kukoy kay Giselle, napangiwi siya at gamit ang maliliit na kamay ay kumuha siya ng puting pintura. Nang matapos niyang ilapat sa papel ay tumingin naman siya kay Jerico, na nakangiti samin. Bakas ang saya sa mukha nito.
Ganitong ngiti rin ang nakikita ko sa Vista, hindi ko kakayanin na hindi ko makita ito muli. Sa loob-loob ko ay laking pasasalamat ko na bumalik ako sa nakaraan kung saan nandito siya at kumpleto kami.
Kinuha niya ang kulay blue na pang pinta at nilapat iyon nang biglaan niyang masanggi ang kulay itim. Lahat kami ay nag panic at agadan na nilayo ang papel sa tumapon na pang pinta. Natabunan ang kalahati ng kamay ni Jerico ng kulay itim, hindi ko alam kung bakit biglaan na lamang nangatog ang mga kamay ko. Tinago ko iyon at ngumiti sa kanila.
"Maganda pa rin!" Pagbasag ko ng katahimikan. Nanglaki ang mata ni Giselle ng punasan siya ng pintura ni Kukoy, agad siya nitong hinabol.
"Lupi?"
Nabalik ako sa reyalidad nang marinig ko ang boses ni Doc. Agoncillo, nilatag ko ang painting na ginawa ko. Tinanggal niya ang salamin niya, bakas ang tuwa niya sa mukha.
"Mabuti naman at naisipan mong galawin ang pasalubong ko! Pricey pa naman 'yan!" Pagbibiro niya ngunit 'di ako tumawa, nang mapansin niya 'yon ay nagpekeng ubo nalang siya at umayos ng upo.
Natawa ako ng mahina at tsaka binuksan ang maliit na botelya ng bubblegum, "you want?" Tanong ko. Umiling siya.
"Pustiso nalang ang suot ko hija. Wag mo na ako alukin ng ganyan." Napailing-iling ako habang nakangiti.
"You see, this painting. Kahit na hindi masyadong kaaya-aya, it has meaning. Though, I just realized it a few seconds ago. Anyway, you see the yellow hand. It's for Kukoy, he's our yellow. Our happiness, his smile spread positivity. Kapag kasama mo siya everything seems so bright. Parang ang gaan."
Namamangha na napatango si Doc. Tinuro niya ang puting pintura, "White stands for innocence and goodness right?"
Nakangiti akong tumango, "that's for Giselle. She's too pure for this world. Isa siya sa mga taong ayokong nakikitang nasasaktan. She only deserves the good things in this world."
"Eh eto? It looks like it has a touch of blue pero mas lamang ang itim. What does it mean?"
Huminga ako ng malalim, tumingin ako sa itaas. "T-thats for Jerico..."
Tahimik lamang ang kapaligiran walang bumabasag nito kaya dinugtungan ko na ang sinabi ko, "he's our blue, we feel the calmness amidst the noise when he's with us. Also blue symbolize heaven and you know what's the meaning of black right?"
Hindi ko na kayang ipagpatuloy kaya ngumiti ako, "Anyway, here's mine. Red!" Masigla kong sambit,
"Bakit? kasi favorite mo ang apple flavor na bubblegum?" Nginuso niya ang bubblegum na hawak ko kaya napangiwi ako,
"Duh, it represents danger. You're aware that I am too dangerous right? Red also means determination and action. I am a fire and unfortunately I belong in hell, so I must go home."
![](https://img.wattpad.com/cover/228702416-288-k710655.jpg)
BINABASA MO ANG
Touch Of Terror
Fiksi SejarahYear 2020, A series of bizarre deaths has come. Terror, sabotage, assassination. The rule is only for the poor, A system of Government that is run by the worst. Life for a twenty-year-old girl is not easy. Lalo na at namulat agad siya sa pagkasakim...