24 : Fear

37 14 0
                                    

L U P I

February 01, 2021 | 6:18 am

"Kukoy!?" Naiiyak akong napayakap sa kanya.

I never let myself see my own fear, it was a disadvantage in the place that I was raised. Pinalaki akong ang paglabas ng emosyon ay senyales ng kahinaan...

"Ate Lupi!" Niyakap niya rin ako pabalik, ingay lamang ng hagulgol namin ang pumaibabaw sa kwarto.

Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko... nahihirapan akong magsalita pero sinubukan ko pa rin.

"W-wala na ba sila? Wala ba 'yung mga sundalo?" I said as my lower lip trembled.

"Ate Lupi, Anong sundalo?" Pinunasan ni Kukoy ang kanyang mga luha gamit ang kanyang t-shirt, litong-lito siya habang nakatingin sa akin.

Doon ko narealize na nawala siya nang matagal na panahon kaya maaaring hindi niya alam ang nangyari.

"Kukoy saan ka ba kasi nagpunta? Nakipaglaban kami ni Jerico at ng iba pang mga sundalo. Madaming nasawi pero kitang-kita ko ang determinasyon nila para makamtan ang hustisya at kalayaan tapos alam mo ba-"

Nagulat ako nang mula siyang umiyak, sadness clouded his features. Hinawakan niya ang mga kamay ko habang tumutulo ang mga luha sa kanyang mga mata.

"Ate Lupi..." tinuro niya ang isang libro.

Nagtataka akong kinuha iyon. "Basahin mo, Ate Lupi..." nangangatog kong kinuha iyon. Hindi ko pa nabubuklat at pamagat pa lamang ang nakikita ko ay agad na akong umiling.

This is not happening.

Heneral Goyo: Ang pinakabatang Heneral

Umiling-iling ako, "Mali 'to, Kukoy! Saan mo ba nakuha 'to." Hinagis ko ang libro at pinunasan ang luha na tumutulo sa mga mata ko.

"M-makinig ka muna sa kwento ko, nakilala ko rin si Heneral Simeon Ola. Sobrang cool niya pala sa personal, saan ka ba kasi nagpunta Kukoy?" Nangangatog ang mga kamay ko, napatingin siya ron kaya tinago ko agad iyon sa likod ko. Kahit na hindi na malinaw ang paningin ko dahil sa mga luha ay nagawa ko pa rin ngumiti.

Nakita kong nakaputing bestida ako, para akong nasa hospital? Anong ginagawa ko rito?

"Ate Lupi..." muli may tinuro siya at paglingon ko ay nagflaflash sa Tv ang dokumentaryo tungkol sa heneral na huling sumuko.

Si Heneral Simeon Ola...

"Anong ibig sabihin nito?" Hindi ko maintindihan, tumayo ako ngunit agadan ding napaupo. Nakaramdam ako nang matinding pagsakit ng ulo, umiikot din ang buo kong paligid kasabay nang pagbilis ng tibok ng puso ko mistulang nabibingi ako dahil sa ingay nito. Naangat ko ang tingin ko nang hawakan ako ni Bren sa balikat.

"Lupi! Shocks! What happened!?"

Parang nagliwanag muli ang mata ko, "Bren! Bren hindi ba naroon ka sa kubo? Anong nangyari sayo? Naligtas ba kayong lahat?"

"Lupi, geez. Calm down, Everything will be okay, just breathe!"

Bakit ibang-iba na ang pananalita niya? Nasaan ako? Anong nangyari?

Touch Of Terror Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon