L U P I
August 01, 1899| 6:00 am
Market stalls lined the route, nasa bayan kami ni Kukoy. Nag presinta talaga akong sumama sa kanya sa pamamalengke, gusto ko siya makausap.
Pero ngayon tila naputulan ako ng dila dahil wala akong masabi, kung sinama ko naman si Bren malamang puro kwento niya lang ang maririnig namin. Akmang magsasalita na ako nang mapansin ang paghati ng daan, nanglaki ang mata ko nang makita si Jerico.
Akala mo kung sinong prince charming na may spotlight at may dalang kabayo, tsk! Bakas ang paghanga ng ilang kababaihan sa kanya, may mga huminto talaga para pagpantasyahan siya. Trip na trip nila 'yan eh di naman yan naliligo sa taong 2020.
"Ate Luna, baka matunaw." Panunukso ni Kukoy, binatukan ko siya at tsaka hinatak sa mga prutas.
"Wala naman pinapabili ang heneral na prutas ah?"
"Oo nga wala nga." Bulong ko,
"Eh bakit tayo nandito sa harap ng mga pinya?" Napapikit ako sa inis. Oo nga naman. Masyado akong natataranta, okay Lupi. You can do it. Si Jerico lang yan ba't ka natataranta?
"Saglit lang, Kukoy!" Sambit ko nang mamataan na papalayo na siya sa'kin.
Nagulat ako ng huminto siya, napakurap kurap ako nang marealize na huminto siya sa pangalan na tinawag ko sa kanya."Kukoy talaga ang pangalan mo?" Nalilito kong bulong, pumipintig na naman ang ulo ko. Pakiramdam ko sasabog ito sa sobrang daming tanong.
Natatawa siyang tumingin sakin...
"Palayaw, ate. Nalimutan mo na ba?" Para na siyang na wi-wirduhan sakin kaya nilibot ko muli ang paningin ko, baka nabalik na ako sa taong 2020 ngunit ganon pa rin ang mga kasuotan ng mga tao.
Napabuntong hininga ako, posible ba iyon? Masyado akong naguguluhan, nanglaki ang mata ko nang mamataan na gumagalaw ang isang malaking bayong.
Kinakabahan akong tinuro iyon kay Kukoy, nanglaki rin ang mata niya. Mabuti naman at nakikita niya rin ibig sabihin ay hindi pa ako nababaliw.
Dahan-dahan ko iyong sinundan, ganun din ang ginawa ni Kukoy. Pareho kaming mukhang tanga na manghang mangha sa mga nangyayari. Dahil nakapokus kami sa bayong na naglalakad ay hindi ko napansin na may nakaharang na pala sa dinaraan namin.
Grabeng irap ang tinamo ko, bago niya harangan ng pamaypay ang mukha niya.
"Luh, ganda ka?" Bulong ko hinanap ko si Kukoy na patuloy pa rin ang paghabol sa bayong na naglalakad.
Nagulat ako nang hawakan niya ako sa braso, mahigpit iyon at halata sa mata niya ang pagkairita.
"Ikaw si Luna, hindi ba?"
Famous pala ako rito e, tumango ako at lalagpasan ko na sana siya ng marinig pa ang bulong niya.
"Ikaw yung kahit may kasintahan na wala kang pake, mas madali kasing hulihin. Kapag nakatali." Pasaring niya, tinitigan ko ng maigi ang mukha niya, nahirapan ako kilalanin dahil harang nito ang isang makulay na abaniko.
Natatawa akong napatingin sa kanya, "Wala naman akong pekeng imahe na hinahawakan kaya kahit gumawa ka ng gulo rito, ikaw lang ang mapapahiya." Bulong ko kay Remedios.
"Umay di naman kita inaano" dagdag ko pa sa bulong ko, kumunot ang noo niya. Astang tatawa, pikang pika kahit wala kong ginagawa. Umiling na lamang ako at akmang lalagpasan siya, napabuntong hininga na naman ako ng hatakin niya ang braso ko.
"Bigla ka na lamang pumapel saming dalawa, ang dating tingin niya sakin napunta na sayo. Sino ka ba?"
"Binanggit mo pangalan ko kanina tapos ngayon tatanungin mo kung sino ako, pa check up ka na baka may sira ulo mo." Winaglit ko na ang braso ko at ganun na lamang ang panlalaki ng mata ko nang bigla niya akong tinulak.
BINABASA MO ANG
Touch Of Terror
Historická literaturaYear 2020, A series of bizarre deaths has come. Terror, sabotage, assassination. The rule is only for the poor, A system of Government that is run by the worst. Life for a twenty-year-old girl is not easy. Lalo na at namulat agad siya sa pagkasakim...