L U P I
August 01, 1899| 10:36 am
"Senorita! Mayroong patimpalak na gaganapin sa bayan. Kayang kaya mo silang talunin!"
Napahinto ako nang marinig si Kukoy, dahan dahan akong ngumiti at tumango.
"Sino ba makakalaban ko?" Paunti-unti ay humihina ang boses ko.
"Huh? May magtatangka bang kumalaban sayo? Binibini?"
Sabay na napatingin si Kukoy at Giselle, hindi na ako nag atubiling lumingon pa at pinagpatuloy na lamang ang marahan na paglakad.
Hawak ni Jerico ang basket na puno ng gulay at iba pang sangkap na ipinag utos sa amin. Wala pa akong balak umuwi, gusto kong sulitin. I would do everything para lang makasama sila muli.
Napalingon ako sa masiglang pagtanong ni Kukoy kung sasali ba ako.
"Game." Bulong ko, bilang pagsang ayon. Mukhang hindi nila naintindihan kaya tumango ako at sumenyas na sasali ako. Hindi ko namalayan ang batong nakausli kaya nanlalaki ang mata kong napadausdos sa lupa.
Narinig ko ang halakhakan ng dalawang bata kaya sinamaan ko sila ng tingin, napaangat ang tingin ko nang makitang ino-ooffer ni Jerico ang kamay niya. Nakatingin ito sa malayo at namumula ang mga tenga, oo nga pala hindi nga pala normal dito ang paghahawakan ng kamay ng babae at lalaki. Ngayon pa siya nahiya e halos nahawakan niya na ang lahat sa akin.
Kinilabutan ako sa sarili kong iniisip, ang ibig kong sabihin ay nahawakan niya na ang bewang ko nang saluhin niya ako ng paulit ulit. Naiba lang ako ng panahon parang mas lumampa ata ako.
Naiiling akong kinuha ang nang aalok na kamay ni Jerico bilang pag alalay sa aking pagtayo. Nagsimula na kaming maglakad papalayo habang nag aasaran pa rin sila Giselle at Kukoy.
******
NAKAHALUKIPKIP ang mga kamay ko habang buryong buryo na nakatingin sa usok na lumalabas sa palayok , finally. Kumukulo na. Kanina ko pa ito hinihintay kaya malamang ay nakasimangot na ako.
Napangiti si Cecilia nang mamataan ako, may inaabot siyang puting papel at isinilid iyon sa kamao ko. Mukha siyang kinikilig kaya napangiwi ako, ano 'to kodigo sa pagluluto?
Nakilala ko agad ang handwritten ng kumag na sumulat nito kaya binasa ko agad ang nakapaloob bakit may pa ganito pa? Oo nga pala hindi nga pala uso ang text back dito. Sa paraan lamang sila ng pagsulat ng liham nakakapagusap.
Luna, sa mga ganitong pagkakataon, wala akong magawa tila binabagabag na siguro ako ng tadhana. Masyado kasi akong pilyo, kaya ganito ang ganti sakin. Hindi kita magawang sunduin upang maihatid eksakto mamayang dapit hapon sa lugar kung saan ika'y may patimpalak. Ipagpaumanhin mo ang aking kabastusan.
Paumanhin kung hindi kita masasamahan papunta rito, hindi manlamang kitang napaalam sa iyong ama. Hindi ko maiwasan ngayon itanong kung anong klaseng ginoo ako na hahayaang lumakad mag isa ang isang binibini? Ngunit sana ay maunawaan mo ayaw ko lamang na ibato sayo ang mga haka-haka na lubhang malayo sa katotohanan. Mag iingat ka binibini, hihintayin kita.
-Alejo
Ew? Sad boy makaluma season, Nilamukos ko ang papel at tinatamad na tinapon sa gilid. Latang-lata ako habang hinahalo ang kung ano-anong niluluto ko, bahala sila. Hindi naman ako ang kakain nito, porke ba babae kailangan marunong magluto?
Maya-maya lamang ay pumasok si Bren, masiglang-masigla ito parang nag kumikislap pa ang mga mata habang mariin na nakatingin sa'kin. Tinaasan ko lamang siya ng kilay.
BINABASA MO ANG
Touch Of Terror
Historical FictionYear 2020, A series of bizarre deaths has come. Terror, sabotage, assassination. The rule is only for the poor, A system of Government that is run by the worst. Life for a twenty-year-old girl is not easy. Lalo na at namulat agad siya sa pagkasakim...