6 : A Ticket to escape

233 91 108
                                    


L U P I

August 1, 2020 | 7:15 am

Tita Mercedes agreed to my plan, but unfortunately she doesn't let things passed as smooth as it could. I am grounded. Napabuntong hininga ako, ubos na ang pintura ko at kahalati ng kwarto ko ay puno na ng drawings.

Hindi siya maganda sa mata, I don't do arts. I am terrible at it, gusto ko lamang ubusin ang pera ni Tita Mercedes gamit ang mga kung ano anong pwedeng ipabili. Last time, I told her to buy me a grand piano and she did. Ang natutuhan ko lamang naman na tugtugin ay ang Sofia the first theme song.

Napabuntong hininga ako at nag isip pa ng maaring ipabili, wala ako ni isang Gadget ngayon at malamang binura na ni Tita Mercedes ang lahat ng litratong nakalap ko sa Police station. It's a good thing, I always have back up. Kung sakaling hindi niya tinupad ang pangako niya, pero sinigurado ko naman ang lahat bago ako sumama sa kanya pauwi. Sinigurado kong mabuti ang lagay ng mga tao roon.

The less in life should have more in law. The young and the poor they've had several stories of injustice...

Tinago ko sa isang medyas ang mga memory card na nakatabi, nandoon lahat ng mga pictures na galing sa Vista. Kilala ako sa social media bilang Vlog Traveler, Noon kasi kung saang saang bansa ako nakakapunta. Nagbabakasakali na baka may rason ako mabuhay sa bansa na iyon.

Bukod sa basher ay may mangilan-ngilan din namang humahanga sa'kin bilang Luna na may itim na mahabang buhok at may maamong mukha, Hindi kagaya sa Vista na maiksi ang buhok kong blonde na laging nakatago sa sumbrero, Nagpalagay din ako ng ilang piercing, malayong malayo sa dating ako.

Hindi na ako nagulat ng walang makakilala sa akin pagdating sa Vista, hindi sila ma alam sa ganoong bagay. Mas gugustuhin pa nilang kumayod kaysa manood ng Vlog.

Sa pananatili ko roon ng ilang buwan ay doon ko naranasan maging masaya at malaya, and I will do everything just for their sake. One thing I admired about them, they could take me as I am. I know I am difficult to deal with, pero sila? Walang pag aalinlangan. Tinanggap nila ako.

Naputol ang malalim kong pag iisip ng marinig ko ang pagbukas ng pinto, Akala ko ay ihahatid lamang ang pagkain ko pero agadan na tumaas ang kilay ko nang mapansin na si Tita ang niluwa ng pinto.

"Staring is rude, Luna. Kumusta ka?" Umupo pa siya sa tabi ko na akala mo ay close kami.

"What do you want?" Pang didiretsa ko sa kanya, tumawa naman siya. Nakuha niya pang umupo sa kama ko.

"I'm here to offer you a deal," binato niya ang isang papel sa akin. Tumama iyon sa eksakto sa mukha ko, sinamaan ko siya ng tingin. Tinitigan niya lamang ako kaya binuksan ko na ang envelope.

Nakita kong may mga papeles doon, isa lamang ang nakapukaw sa atensyon ko. "Travel visa?" Bulong ko.

"Right, tignan mo pa may ticket dyan."

Tinignan ko at mayroon ngang ticket patungo sa Austria, iniaangat ko ang tingin ko. Agad ko iyong pinunit pero hindi siya natinag.

"I know you would do that, so I reserved an extra copy." Kalmado niyang sabi. Napailing iling ako.

"Why would I go to Austria? Hindi mo na po ba ako mahandle? Pathetic!" Nangungutya kong sambit, tinawanan niya naman ako.

"Of course not, kayang kaya kong pakuluan ang sungay mo para lumambot. As I said earlier, I have a deal for you. You will come with me tonight, you will behave and that's right you will not go to Austria! Sounds easy right?"

"Deal." Walang pag aatubili kong sambit, tumaas ang kilay niya.

"Here, sign this." Sambit niya at tinignan ko na naman ang papel na inabot niya.

Touch Of Terror Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon