12 : Humaling

67 22 0
                                    

L U P I

June 13, 1899| 7:36 am

Kanina pa ako nakatulala, hindi ko magawang galawin ang mga pangkulay na nakakalat. Natatawa akong humiga sa kama, maya-maya lamang ay narinig ko na ang pagbukas ng pinto.

Agad tumili si Bren nang makita na blangko pa rin ang papel na binigay niya kanina, hindi ko siya pinansin at pumikit na lamang. Dalawang araw na ang nakalipas simula nong pumunta kami sa bangin at mamaya na ang na pagsasalo para sa kapatid ni Heneral Alejo, sa bahay nila Remedios iyon gaganapin. Kilala ko iyon, siya ang kasintahan ni Heneral Alejo sa panahon na 'to.

"Sana all may jowa!" Inis kong sigaw sabay hagis sa pang pinta agad naman iyon sinalo ni Bren.

"Ano ba, Luna!" Kunsumeng kunsume siya habang iniikutan ang blangkong papel.

"Ang sinabi ko sayo ay gandahan mo ang pinta dahil iyon ang pang re-regalo natin sa kapatid ni Heneral Alejo! Kailangan mong makuha ang loob niya!"

"Shut the fuck up." Irita kong bulong, dumapa ako para hindi makita ang nangagalaiti niyang mukha, sinadya kong pumikit para mas lalo siyang mainis.

"Kung ini-ingles mo na naman ako, magtigil ka dahil hindi na ako natutuwa!"

"Oo na oo na, pwede bang tumahimik ka na?"

Mali ata ang nasabi ko dahil agad niya akong dinamba para sakalin, hinatak ko nang malakas ang buhok niya kaya natanggal ang ilan sa makukulay niyang pang ipit parang mas lalo ata siyang nagalit dahil doon ay sinambunutan niya rin ako.

Naputol ang pag rarambulan namin nang makita si Cecilia na nakanganga habang hawak ang Baro't saya namin. Nagmamadaling umalis si Bren at parang mahinhin na inayos ang magulong buhok, napabuntong hininga na lamang ako.

"Ah Señorita, eto na po ang susuotin niyo para sa pagsasalo mamaya. Aayusin ko lamang ang iyong pampaligo." Nakayuko siya habang sinasabi iyon at dali-daling pumunta sa Cr ng kwartong ito.

Frustrated kong nakagat ang labi ko, nakapamewag ako habang tinitigan ang mga painting na nakasabit sa pasilyo ng bahay na ito, kung parehang katawan, mukha at kamay ang mayroon sa Luna noon eh bakit hindi ko nakuha ang talent niya sa pag paint!? Namromroblema akong napaupo.

"Ah Señorita, maayos na po ang tubig pwede na po-"

"Ano ang magandang pang regalo sa lalaki?"

"Po?"

Pinaliitan ko siya ng mata, pinamulahan naman siya ng pisngi kaya napanguso ako.

"May syota ka ba, Cecilia?"

"S-syota?"

"Este, Boyfriend! Kasintahan ayon! Haha."

"M-meron po at tungkol po sa tanong niyo kanina, madalas ko pong inireregalo sa kanya ang-"

Ngumuso siya sa gilid ko kaya agad akong napatingin doon, wala akong ibang nakita kung hindi ang notebook.

"Nireregaluhan mo ng notebook este kwaderno?" Nagtataka kong tanong, umiling siya habang patuloy pa rin ngumunguso.

Hindi ko siya maintindihan kaya binigyan ko lamang siya ng isang wirdong tingin, makalipas ang ilang segundo napagod na siya kakanguso at sinabi ang suggestion niyang nagpahalakhak sa akin ng sobra.

"Halik po, Señorita. Ganito po." Pinagdikit niya pa ang dalawang daliri kaya mas lalo akong natawa.

"Bata ka pa ah!" Sigaw ko, kaya kamot ulo siyang umalis ng kwarto. Nang magisa na lamang ako ay doon ko napagtanto na lagot talaga ako dahil wala pa akong pangregalo sa darating na pagsasalo.

Touch Of Terror Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon