L U P I
August 08, 1899| 6:20 am
The struggle for independence has begun.
Alingawngaw ng digmaan ang tanging ingay na maririnig sa paligid, masyadong mausok at hindi ko maiwasan mamangha sa sarili ko nang mapagtanto na kaya kong humawak ng rebolber."Asintado ka, Luna!" Sambit ng kasamahan ko.
Pinanganak akong mayabang kaya ganon na lamang ang taas ng noo at ngisi ko habang umaasinta. Kada putok ng baril ay ngumingisi ako, hindi ko alam na magaling pala ako.
Earlier it was actually boring with sudden attacks and counter attacks on many different corners. A lot of times I was so scared so I laughed out loud and thought it was funny despite the fact that I thought I was probably going to die. Kanina pa siguro iniisip ng mga kasamahan ko na nababaliw na ako.
Nakita ko sa gilid ng mata ko ang biglaang pagtayo ng isa pa naming kasama, nanglaki ang mata ko at dali-daling sumigaw.
"Yuko!"
Tila nagtataka siyang lumingon-lingon, at sa isang iglap ay tumalsik ang pulang likido sa mukha ko.
"Putangina!"
Naupo ako habang nasa malaking harang, hindi ko maiwasan mandiri sa nakita ko. Lasog lasog ang ulo nito at nagkalat ang utak nito sa lupa.
"Is this what you called sira ulo? Mukha kayong ipiss mga amerikano!" Pagkatapos sumigaw ng pagkalakas lakas ay pinunasan ko ang mukha ko at nagsimula na namang umasinta.
Matapos ang ilang pagputok ay huminto ako, kitang-kita ko ang mangilan-ngilan na bangkay na inaalis nila. Karamihan din ay sugatan, hinanap ng mata ko si Jerico ngunit sa sobrang gulo ay ingay lamang ang tangi kong naririnig ngayon.
"Nandyan sila! Nandyan sila!"
I panicked and loaded my magazine and fired a few shots, napamura ako nang mapagtanto na wala na akong bala.
"Sumulong tayo sa kagubatan! Nawawalan na tayo ng armas!" Isang baritonong boses ang nangibabaw, dali-dali kong tinignan iyon at nakita namin si Heneral Simeon Ola.
Agadan namin siyang sinunod, nang makalayo layo at makapasok sa masukal na kagubatan ay bumungad sa amin ang katahimikan. The fighting outside slowed down. Now another terrifying thought crossed my mind, I have no weapon.
Kumuha na lamang ako ng isang kawayang pinatulis, ito na lamang ang available na sandata. Ugh! So cheap!
Dire-diretso lamang ako, naging sensitibo rin ang pandinig ko. Ultimo pag ihip ng hangin ay naririnig ko, mas mabuti iyon dahil mas naging alerto ako.
"Damn! Find them!" Agad akong nagtago sa isang malaking narra, nang marinig ang sigaw at kaluskusan. Nararamdaman ko na papalapit na sila sa akin.
Tinatantya ko kung ilan sila at base sa ingay ay hindi lalamang sa tatlo ang naglalakad papalapit sakin.
"There's a soldier there!" Sigaw ng isang amerikano na mabaho.
Pasimple akong sumilip at halos mapamura ako nang makita na isang kinakabahang sundalo ang nakaharap sa kanila. Most soldiers are somewhere in the middle of the forest, pero wala kaming kakampi ngayon. He looks scared, he panic when there's a sound of a gun.
Malayo layo ang distansya ko mula sa kanila at kung sa anggulo nila titignan ay hindi nila ako mapapansin dahil sa naglalakihang puno ang nakaharang.
Agad kong inayos ang pinatulis na kawayan, pinikit ko ang isa kong mata upang maiasinta ng tama ang kawayan at nang tumama iyon sa binti ng isang sundalo ay naging alerto sila.
"1 down, 2 more to go!" Bulong ko, dumampot ako ng bato at habang natataranta sila kakahanap ay binato ko na ang sundalo, nakuha ko agad ang atensyon niya. Naiinis ko siyang pinalakihan ng mata.
"Takbo! Bobo!" Ani ko habang walang tunog na lumalabas sa bibig ko, nahimasmasan siya at nang tumakbo siya ay agad napalingon ang amerikano sa kanya.
"Hey! Stupid, mother fuckers!" Sigaw ko, nang humarap sila at makita ko ang malalaki nilang baril ay napalunok ako.
"Damn, she's the one who killed Stephano."
"Wait? Stephano who? Ah 'yung noob ba na na headshot ko?"
Hindi ko alam kung saan ako nakakuha ng lakas ng loob para mangtrashtalk, basta ang alam ko ay kinakabahan na ako at namamawis na rin ang kamay ko.
Napapikit ako dahil sa biglaang pagsabog, tumalsik ang kaunting dugo sa damit ko at nanlalaki ang mata ko nang makita ang nangangatog na sundalo kanina.
Hindi ko maiwasan mapaisip, being afraid in the middle of a war isn't their fault... Still, they did the jobs that were assigned to them and therefore they deserved our respect.
Naputol ang pagiisip ko nang mahagip ng mata ko ang isang sundalong kano na aasinta sa kanya kaya agad kong kinuha ang isang malaking bato sa harap ko at agadan na hinagis patungo sa sundalong bubunot pa sana ng baril.
"Double kill!" Ani ko.
Nagkatinginan kami ng sundalo, sa isang iglap parang pamilyar siya saakin. Nangangatog siyang yumuko at kahit na mahina ay narinig ko ang pasasalamat niya.
Sumaludo na lamang ako at patakbo na lumusong sa gubat, hindi dapat kami mag stay sa isang lugar lalo't na may mga katawan na nakahandusay doon.
Nang makita ko sa wakas ang isang kweba ay dali-dali akong pumunta roon, napahinto ako sa isang malaking bato nang makarinig ng putukan. Wala na akong bala at kung lulusob ako ay baka maging pabigat na lang din ako, kinalma ko ang sarili ko at nang makita ang isang puno ay agadan ko 'yong inakyat.
Tanaw na tanaw ko mula rito sa itaas ang gulo na nangyayari sa baba, doon ko lamang napagtanto na ang daming bangkay na nakakalat malapit sa kweba at kaya hindi ko iyon matanaw kanina dahil sa usok na pumapaibabaw rito.
Kitang kita ko ang pagsasakripisyo ng mga sundalo para sa bansa, hindi ko maintindihan pero agad na kumirot ang dibdib ko. Sa unang pagkakataon nakaramdam ako ng takot, hindi takot para sa sarili ko pero takot para sa kanila na hinanda ang sarili upang mapaglaban ang kalayaan.
It's like playing a game without a reset, if you die. It's game over, hindi ko mapigilan malungkot nang makita ang ibang sundalong pilipino na sumusuko. They are not too scared to fight but they are scared to die.
Hinanap ko ang punyal na ibinigay ni Don Agoncillo, naghanap pa ako ng ibang pwedeng gamiting pang depensa.
Dugo, putukan at ingay lamang ang nangingibabaw sa buong kagubatan. Kitang kita ko sa dalawag mata ko ang pagkatalo ng mga pilipino, paunti-unti ay dumanak ang dugo pero malayo pa... malayo pa ang nga pilipino para makamtan ang totoong pagkapanalo.
Natanaw ko si Jerico sa hindi kalayuan, punong puno ng dugo ang uniporme niyang kanina ay kulay puti. May sugat ang pisngi niya at kitang kita ko ang pagod sa kanyang mga mata.
Iniwas ko ang paningin ko, nararamdaman ko ang takot sa puso niya. Kilala ko si Jerico madalas ay nakangiti siya pero nang makita ko ngayon ang itsura niya wala akong matanaw kundi isang bagay lamang
Kamiserablehan...
Just one thing for sure, you don't know the true horror of war until you've experienced one.
End of Chapter 21
BINABASA MO ANG
Touch Of Terror
Historical FictionYear 2020, A series of bizarre deaths has come. Terror, sabotage, assassination. The rule is only for the poor, A system of Government that is run by the worst. Life for a twenty-year-old girl is not easy. Lalo na at namulat agad siya sa pagkasakim...