26: Tears

32 14 0
                                    

L U P I

February 10, 2021 | 8:32 am

"Lupi, you should eat!" Panenermon ni Bren, kanina pa niya inihanda ang pagkain para sa akin.

Why should she bothered? Hindi niya naman ako ka ano-ano. I just want to be alone.

I should be alone.

"Ate Lupi, please." Nagpapacute pa si Kukoy sa 'kin ngunit hindi ko sila tinapunan ng pansin.

"May gift kami sayo mamaya."

Hindi ko pa rin pinansin si Bren.

"Eto na ata 'yung gift kay Ate Lupi!" Sigaw ni Kukoy,

Nasulyapan ko sa gilid ng mata ko ang malaking box, maganda ang pagkakabalot dito. Nang buksan nila ay nanglaki ang mata ko nang makita si Giselle.

"Giselle!" Sigaw ko.

"Ate Lupi! I miss you!" Niyakap niya ako nang mahigpit at ganun din ang ginawa ko sa kanya. Nang biglang may sumagi sa isip ko,

Tama...

"Giselle, tell me hindi ba kasama kita nung nakaraan? Nasa plaza tayo remember?"

Hindi sumagot si Giselle, nakita ko lang na nagtutubig ang mga mata niya.

"Ano ba! Please sumagot ka hindi ba kasama kita? Na nagsisinungaling sila sa 'kin, please Giselle. Hindi ko na kaya..."

Humihikbi si Giselle, doon ko napansin na masyadong mahigpit ang pagkakahawak ko sa kanya. Agad ko siyang binitawan, pagod na pagod na ako.

Hindi ko alam kung bakit ang bigat bigat ng dibdib ko, I just want to sleep. I don't want to do anything... gusto ko lamang may maniwala sa akin na totoo ang sinasabi ko na hindi ako nagsisinungaling.

Bakit ang hirap?

I know there is something wrong with myself, nararamdaman ko. I'm broken, I'm sick pero sobrang hirap kung ang mismo mong kalaban ay sarili mo.

Sobrang hirap kapag wala kang mapagsabihan kasi–baka akalain nila nababaliw ako. Hindi nila ako maiintindihan, hindi nila maiintindihan na nahihirapan na ako at sa bawat segundo na lumilipas hinihiling ko na sana namatay na lang ako para hindi ko maranasan 'to.

"Umalis kayo. Umalis kayong lahat." Malamig ang boses ko, kahit na sa loob loob ko ay gusto ko na rin umiyak pero walang tumulong luha sa aking nga mata. Nanataling mabigat ang dibdib ko habang iniiwas ang tingin sa kanila.

"Lupi, ano ba! Hindi nga sabi totoo lahat ng 'yon! Hindi kami nagsisinungaling sayo! Ang utak mo ang sisihin mo kasi siya ang nangloloko sayo, please Lupi. Tama na... itigil mo na to. We're trying our best to save you, ngayon ikaw naman. You should save yourself..." sumisigaw si Bren,

Sabi ko na nga ba,

"Hindi niyo ako naiintindihan."

Iyon lamang ang paulit-ulit na lumalabas sa bibig ko, natagilid ko ang mukha ko nang mailapat sa'kin ni Bren ang palad niya.

Tumingin ako ng diretso sa kanya at ganun din siya, nakita ko ang pagbabago sa itsura niya. Tulad ko nangangayayat din siya. Gulo-gulo ang buhok at mukhang pagod na pagod.

Touch Of Terror Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon