L U P I
August 08, 1899| 8:36 pm
Madilim na at katahimikan lamang ang pumapaibabaw sa kubo na nandito, wala miski isa ang maganang kumain kahit lahat ay pagod at gutom.
No matter what kind of mental preparation you go through in your brain, you can not prepare yourself for a war. You don't know how you're gonna react in war. There's a point that you want to cry but couldn't.
Those scene keeps replaying on my mind, they went through hell... dugo, pawis at mga luha lamang ang paulit ulit kong naririnig sa tahimik na hapagkainan.
Sa isang kubo ay tanaw na tanaw ko sila Bren na natataranta sa pag gamot, mas marami ang nasawi ngayong araw na ito.
Hindi ko na natiis, wala talaga akong kagana gana ngumuya at lumunok kaya dahan dahan akong tumayo upang walang makapansin sa'kin. Nilisan ko ang kubo at umupo malapit sa dagat.
Kung ito lamang ang natatanaw ko buong araw, magpapasalamat ako. Ang kapayapayaan na dulot ng dagat sa akin ay kakaiba. Sa sobrang gulo ng utak ko ito lang ang nagpapakalma sa akin.
"Magisa ka na naman..." ani niya, kahit hindi na ako lumingon ay kilalang kilala ko na ang may ari ng boses na iyon.
"Sinasamahan mo na naman ako." Nakangiti kong sambit, nang makaupo siya sa tabi ko ay agad kong sinandal ang ulo ko sa balikat niya.
Kung lagi lamang kaming magkasama habang nakaharap sa dalampasigan siguro wala na akong hihilingin pa. Hinawakan niya ang kamay ko at sa oras na yon ay napapikit ako.
Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko, hindi ito katulad ng Jerico na kilala ko.
Hindi ko maiwasan ang pagtulo ng luha ko,"Bakit hindi kita kayang pakawalan?" Bulong ko.
Bumuntong hininga siya, nakatingin lamang siya sa kalangitan. Ang dungis dungis niya sa totoo lang, halatang pagod na rin ang mga mata niya.
Pinisil ko ang mga kamay niya, "Mas malaki ang responsibilidad natin sa gera na ito, kaysa sa damdamin natin para sa isat isa." Hindi ko siya magawang tignan.
"Anong ibig mong sabihin, Luna?"
Hindi ko siya sinagot, tumayo na ako at doon ko napansin ang kabilugan ng buwan. Iyon lamang ang nagsisilbing liwanag, napangiti ako nang dahan dahan siyang tumayo.
Nakapamulsa siya habang nakatanaw saakin. "Naiintindihan kita. Isa lamang ang hinihiling ko, sa oras na lisanin ko ang buhay mo sana ipagpatuloy mo pa rin ang nakagawian mo."
"Anong ibig mong sabihin?" Malakas ang kabog ng dibdib ko.
"Hindi ako ang iyong mundo, Luna. Isa lamang ako sa parte ng kwento mo at kung matapos ang pahina na binabasa mo kung saan naroon ako. Sana magpatuloy ka pa rin, dahil hindi natatapos ang lahat sa akin. Maraming naghihintay sayo... hindi lamang ako."
Pinilit kong tumawa kahit na may namumuo nang luha sa aking mata. "B-baka sa susunod na pagkakataon, baka pwede na... baka may tsansa na, tayong dalawa."
Hindi ko na napigilan at kusa nang nag unahan ang mga luha ko, I know this is the end, for our love. For us.
Tumingin ako sa buwan, kitang kita ko ang liwanag na ito. Bakit kung kailan buong buo ang buwan tsaka ako masisira? Ganong kapangalan ko rin naman ang buwan bakit hindi nalang ako gaya nitong nagbibigay liwanag?
BINABASA MO ANG
Touch Of Terror
Historical FictionYear 2020, A series of bizarre deaths has come. Terror, sabotage, assassination. The rule is only for the poor, A system of Government that is run by the worst. Life for a twenty-year-old girl is not easy. Lalo na at namulat agad siya sa pagkasakim...