L U P I
August 03, 1899| 1:03 pm
Naabutan ko siyang nakapikit habang pinapahid ang tela sa sugat niya sa braso, mukha siyang maiiyak. Sumandal ako sa pintuan habang nakatagilid ang mukha.
Panay pikit lamang siya tila gusto niyang umiyak sa sakit, this is the Jerico that I've known. What a softie.
"Ehem!" Pagpeke ko ng ubo, sa isang iglap biglang dumiretso ang kuba niyang likod at nawala ang kanina niyang mangiyak-ngiyak na mukha.
"Pinadala ni Bren," sambit ko sabay turo sa mga shield na iniwan ko sa labas.
"Bren?"
Alanganin akong tumawa, "Si Amanda, inutusan ako dalhin ko raw rito. Sibat na ko!" Nagmamadali kong sambit hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan dahil lang nagtama ang paningin namin.
"Luna... sandali!"
Huminto ako ngunit hindi ako humarap sa kanya, I just can't take this anymore! Ano ba nangyayari sakin!?
"Pwede bang tulungan mo ako–"
"No! Este hindi!" Sasarado ko na sana ang nagsisilbing pintuan ng kubo ng bumuntong hininga siya, pasimple akong lumingon upang silipin ang mukha niya at ganun na lamang ako nakunsensya nang makitang hirap na hirap na naman siya sa paglalagay ng gamot sa sugat niya.
May laban pa kami bukas, wait! When did I become too considerate!? Napabuntong hininga ako, pinaypayan ko ang sarili ko. I must admit the truth.
Falling in love with Jerico was the easy part, it's admitting to myself that it happened,
that's hard.
Binuga ko ang hangin na naipon sa bibig ko, gusto kong sapakin ang sarili ko habang lumalakad papalapit sa kanya.
I prefer to be strong, strong enough to risk being broken all over again... I knew from this moment that I've lowered my guard, this is also the moment that he can break me and shattered my mind.
Inagaw ko ang tela sa kanya at ako na mismo ang naglinis ng sugat niya, hindi ko maiwasan mailang nang makitang nakatitig lang siya sa'kin. It's like his eyes were talking to me, even if there is no words.
"Ano?" Pakiramdam ko nanliliit ako, hindi ko masyado marinig ang boses ko dahil sa lakas ng tibok ng puso ko.
"May gusto ka bang sabihin sa'kin, binibini?" Pilyo ang ngiti niya habang taas baba ang mga kilay.
Tinigil ko ang pag dampi ng tela sa balat niya at sumandal ako sa lamesa na nasa tabi niya. Humalukipkip ako habang mataman na nakatingin sa kanya.
"You know what? Let's stop this bullshit. Gusto kita."
Nanglaki ang mata niya kasabay non ang pagmula ng tenga niya, "h-hindi yon ang ibig kong sabihin–"
Tinuro niya ang mga panangga at nakita ko ang isa ron ay sira, napapikit ako. Bakit ako umamin? Kung bumuka man ang lupa at lamunin ako, magpapasalamat pa ako.
Hinarap ko siya habang nakangisi, hindi pinaparamdam na kinakabahan ako at nahihiya.
"Bakit? Hindi mo ba ako gusto?" napahiya ako ng big time pero wala na akong magagawa, ipagpapatuloy ko nalang tutal nabuking naman na ako ng sarili kong bibig.
"Luna, hindi ganito ang inisip kong pag amin sa'yo. Ang hirap mo talagang basahin pati ba naman dito uunahan mo ako?" Umiwas siya ng tingin,
Anong aamin? Ha? May gusto rin ba siya? Sa'kin? Oh shit, what I have done, jinowa ko ang bestfriend ko? Gusto kong sampalin ang sarili ko para lang magising ako sa kahibangan ko.
BINABASA MO ANG
Touch Of Terror
Ficción históricaYear 2020, A series of bizarre deaths has come. Terror, sabotage, assassination. The rule is only for the poor, A system of Government that is run by the worst. Life for a twenty-year-old girl is not easy. Lalo na at namulat agad siya sa pagkasakim...