8 : Marahuyo

199 63 47
                                    


L U P I

June 9, 1899 | 9:26 am

Nanghihina akong napaupo. Hindi ko na matanaw si Tita Mercedes pagkatapos umeksena ang isang lalaki at biglaan na lamang ako sinampal.

Inalalayan ako ni Bren. Sinamaan ko siya ng tingin. Natataranta siyang nilagay ang yelo sa pisngi kong namumula dahil sa matanda na hindi ko kilala.

Hardcore 'yung sampal parang ang tagal niyang inipon. Solid

"Hindi ko alam na mapagbubuhatan ka ng kamay ni Don Agoncillo, naliliyo ka pa ba?"

"Anong naliliyo? Sira ulo ka ba?"

Lumambot ang ekspresyon ng mukha niya, "Nahihilo, Luna o kung hindi mo pa rin maunawaan iyon 'yung umiikot ang iyong paningin."

Napaismid ako, ano ako obob? Malamang alam ko ang nahihilo!

"Alam kong ikaw ay naninimdim unawain mo na lamang ang iyong ama." She turned her face away, parang nalulungkot.

"A-Ama?" Iyon lamang ang naintindihan ko sa sinabi niya,

"Bren, alam mong wala akong ama." Napahawak siya sa bibig niya, nanlalaki ang mga mata. Gulat na gulat?

"Huwag ka naman magsalita ng ganyan, Luna. Alam kong sumiklab ang iyong galit ngunit masama ang tratuhin siyang hangin at sabihin sa iba na wala kang ama."

Agad akong tumingin sa salamin na kaharap ko, ako pa rin naman ito ngunit parang ang panahon. Malayong malayo sa kinalakihan ko.

"Bren, Sabihin mo ang totoo. Anong date ngayon?" Kinakabahan kong tanong,

"D-deyt? Kung banyagang salita na naman 'yan alam mong hindi ko 'yan maiintindihan."

Napalo ko ang noo ko, "Petsa!" Irita kong sabi. Nagtataka siyang tumingin sa akin.

"Ika-siyam ng Hunyo, Isang libo't walong daan at siyam na pu't siyam." Agad nanglaki ang mata ko,

June 9, 1899?

"Nag time travel ako?" Pag kausap ko sa sarili.

"Ano, kamo?"

"Mother Father!" Pagtili ko. Nang mapagtanto na hindi nag ro-role play ang mga tao rito! And in the matter of fuck they're not weird! Ako ang wirdo sa panahon na 'to! Agad naman siyang umiwas sa paglundag ko, pero tila may isang bumbilya na lumitaw sa ulo niya at nakaisip na naman siya ng bagong sasabihin.

"Alam ko na kung bakit mo tinatanong ang petsa ngayon! Ikaw pa rin pala si Luna na kaibigan ko, na kinagigiliwan ang pista sa bayan!" Nakangisi siya parang nanunukso, hindi ko siya pinansin dahil wala ako maintindihan.

May naapakan ba kong time machine?
Bakit ako nandito?

Bakit hindi ako kilala ni Tita Mercedes?

Bakit iba ang pangalan na ipinakilala sa akin ni Bren?

Nasaan ako?

"Huwag kang mag alala. Itatakas kita." Bulong niya, doon lamang niya nakuha ang atensyon ko. Napataas ang kilay ko,

"Alam mo kung paano ako ibabalik sa mundo ko? Este sa panahon ko? Bren, hindi ako fit sa panahon na 'to. Tulungan mo kong tumakas at bumalik sa taong 2020."

"Pit? Ewan ko sayo, Luna! Malamang dahil 'yan sa pagbabasa mo ng kung ano anong libro. Mabuti pa at gumayak ka na, naghihintay na ang pista!" Tuwang tuwa niyang sabi. Inirapan ko siya,

Touch Of Terror Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon