11: Diwa

93 21 0
                                    

L U P I

June 10, 1899| 1:32 am

"Kanina ka pa tulala, ano ba ang bumabagabag sayo?" Hindi ko pinansin si Bren.

Agad akong umiling at iniwas ang tingin kay Tita Mercedes, sigurado akong narinig ko ang boses niya noong niyakap ko siya. Hindi ko maintindihan, gulong gulo ako. Madaling araw na at nasa labas kaming dalawa ni Bren.

"Alam mo, Luna. Tila nag iba ka noong maaksidente ka, malimit ka nang ngumiti." bulong ni Bren, habang inaayos ang mga kabayo.

"Sana naman hindi mo rin nakalimutan kung paano magpatakbo ng kabayo?" Aniya.

Tinignan ko lamang siya hindi ako sumagot kaya agad niyang natampal ang noo niya.

"Luna naman eh! Halika na nga, sa likod na lamang kita. Mahuhuli na tayo sa pagpupulong." Kunsume niyang sambit, kumapit ako sa damit ni Bren hindi na kami naka baro't saya kaya kumportable na kaming nakagagalaw.

We wear the same long sleeves charcoal gray top that complement the complexion of my skin. Pinaresan ito ng Black lace up boots. It's like an old soldier's wardrobe. It seems like it's the coolest way to stand out, and I definitely love it.

Biglaan na lamang akong hinatak ni Bren papalabas at ngayon nandito ako naka angkas sa kabayo niya. May kung ano-ano siyang sinasabi tungkol sa pagpupulong, hanggang ngayon wala pa rin akong ideya tungkol dito.

Ang hirap mag adjust sa mundong 'di mo nakasanayan...

Mabilis ang pagpapatakbo niya sa kabayo, wala ako magawa kung hindi kumapit na lamang sa kanya ng mabuti kaskasera pala 'to.

Nang huminto ang kabayo ay doon ko nilibot ang paningin ko. It's like we're in the middle of a forest, Nakakunot ang noo niyang bumaba, doon ko natanaw ang mga tao. Some welcomed us, at ang iba nakatingin lamang walang emosyon na mababahid sa mga mukha.

Hindi masyadong tahimik ang lugar pero nakapagbibigay ng kapayapaan. The breeze touches my skin. I stand still and as the wind comes closer, my long hair dances with it.

"Halika na Luna, baka nababagot na sila." Hindi na ako nakapagsalita at pumasok na kami sa isang lumang bahay, tila pinag tagpi-tagpi lamang ito.

"Wala naman sigurong nakasunod sainyo?" Bulong ng lalaking nakatalikod, agadan kong kinusot ang mga mata ko. Pamilyar na pamilyar ang kayumanggi niyang balat hindi ko alam pero sa punto na ito ay kusang gumalaw ang mga kamay ko para hawakan ang braso niya. Nang makaharap siya sakin ay agad akong umiling nararamdaman ko ang pagbuo ng mga luha sa aking mga mata. Dahan dahan akong napa atras.

"Kukoy?"

Hindi ko namalayan masyadong mabilis ang pangyayari biglaan na lamang tumulo ang mga luha ko sa aking mga mata nang makita muli ang ngiti niya, "Saglit lamang, Sinong umaway sayo? Bakit ka umiiyak?"

Hindi ko napigilan ang pagtawa ko habang umiiyak. Palakas ng palakas ang hagulgol ko habang nakangiti. Narinig ko ang mga bulungan sa paligid ko, napaupo ako dahil sa labis na panghihina pakiramdam ko pinaglalaruan ako.

Naramdaman ko ang pag alalay ni Bren, nag aalala ang mga mata niya. Nanlalabo ang paningin ko dahil sa mga luha ko na patuloy rumaragasa. Tinakpan ko ang tenga ko ng marinig ko ang pangalan ko.

Touch Of Terror Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon