L U P I
June 15, 2020 | 6:14 am
Hindi ko maitago ang antok sa aking mata, halos dalawang oras lamang ang tulog ko dahil kakauwi ko lang galing sa trabaho. A chorus of birds breaks in. I know it's too early to be up, but I've waited for this day for so long.
All I need to do is to leave for the bus. No smiling required, kaya gano'n na lamang ang kunot ng noo ko nang kumapit ang isang matanda sa braso ko. Nanghihina siya at pagod na pagod, mukhang malapit na pumanaw. Natawa ako ng kaunti sa naisip ko, tinignan ko muli siya ngunit wala akong maramdaman na awa para sa kanya.
"P-pwede mo ba akong samahan tumawid, apo? Nahihilo na kasi ako at hindi na malinaw ang paningin ko."
People should be responsible to help themselves. "Kaya mo na 'yan tanda." Sambit ko, napangisi ako kasabay ng pag waglit ng kamay niya na nakakapit sa braso ko. So refreshing.
Pinagpagan ko ang damit ko at tinignan kung nadumihan ito, today there is a plan and I can't afford to mess it up. Hindi na ako nagulat nang makita sa gilid ko ang isang pamilyar na lalaki habang inaalalayan ang matandang itinaboy ko.
Some people wear a smile, but this guy is the smile. he greet each other person. Akala mo ay nangangandidato, Narinig ko ang pag kausap niya sa matanda. I must admit this is the longest minutes of my life, hindi ko maintindihan kung bakit napakatagal mag palit ng kulay ang traffic light.
"Lola? Kailangan niyo po ng tulong?" Siya pa mismo ang lumapit dito, He keeps wearing the same cheeky grin. Magulo ang kulot nitong buhok at kahit na mukhang hindi naliligo dahil sa gusot-gusot nitong damit ay hindi maitatanggi ang gwapo nitong itsura, ngayon ko lang napag aralan mabuti ang istraktura ng mukha niya.
Nanglalaki ang mata niya nang mapalingon siya sa'kin.
"Goodmorning!"
Napailing na lamang ako, he was too kind. Too pure at labis ang awa ko sa kanya dahil doon.
Saktong pag angat ng tingin ko ay ang pag iba ng signal ng traffic light, mabagal ang ginawa kong paglakad. Nakita ko sa gilid ng mata ko ang pag kausap niya sa matanda, careful words is one of his main ingredient hindi ko nga alam kung bakit naging kaibigan ko siya.
Hindi na ako naghintay ng masasakyan dahil nakaparada na ang bus kaya walang patumpik tumpik ay umakyat na ako sa loob. Maya maya lamang ay mapupuno na ito at paniguradong mawawalan ng upuan si Jerico dahil sa pagiging mabait niya. Pumikit na lamang ako habang ikinakabit ang earphones sa tenga.
Saktong pagkadilat ko ay nagtama ang paningin namin, nakangiti ito habang nakatingin sa'kin, Around his eyes were laughter lines in just the right amount. I supposed that he was happy.
I just rolled my eyes, nakangiti pa rin siya habang tinatanggal ang mga paper bag na nilagay ko sa bakanteng upuan. Inis kong pinatay ang music ko. Hindi ako nagkamali dahil hindi pa lumilipas ang ilang segundo bago siya umupo ay dinaldal niya na ako.
"Nakakatakot tumabi sayo!" Pang aasar nito. Tamad na tamad kong ibinuka ang labi ko.
"and yet, you're here." Napakamot naman siya ng ulo na mapagtanto na siya nga lang ata ang bukod tanging nakakatiis ng ugali ko.
"Aga mo naman kasi pumasok sa eskwela, Pinapagod mo masyado sarili mo. Papayagan ko bang mapagod ang lakas ko?" Bumungisngis siya na akala mo nakakatuwa ang kanyang sinabi. Napailing na lamang ako habang nakatingin sa bintana.
"Hindi ako papasok ngayon, may pupuntahan ako." Bulong ko, pinanlisikan ko siya ng mata nang akbayan niya ako kaya natatawa niyang inalis ang kamay niya sa balikat ko.
BINABASA MO ANG
Touch Of Terror
Historical FictionYear 2020, A series of bizarre deaths has come. Terror, sabotage, assassination. The rule is only for the poor, A system of Government that is run by the worst. Life for a twenty-year-old girl is not easy. Lalo na at namulat agad siya sa pagkasakim...