L U P I
August 03, 1899| 6:21 am
Matamlay akong naglalakad habang hatak hatak ni Bren, hindi ako nakatulog ng maayos sa pag iisip kung nasaan si Kukoy. Kahit na pagod na pagod kakahanap ay hindi pa rin ako nakatulog, nasaan ka na ba Kukoy?
Pakiramdam ko sa muling pagkakataon, nabigo na naman ako. Naulit na naman ang nangyari sa kasalukuyan. Wala na naman akong nagawa pero sa tuwing nakikita ko si Jerico, lumalakas ang loob ko.
Suot ko na naman ang bestidang mabigat at mahirap dalhin, may pupuntahan kami ni Bren. Hindi ko na tinanong dahil hindi naman ako interesado at wala naman akong pake.
"Tutungo tayo kay Capitan Teriang, ang puno ng panustos." Hindi ko siya sinagot dahil nanatili akong malata. Mabigat ang dibdib ko at walang naglalaro sa utak ko kung hindi si Kukoy.
"Ang lalawigan natin ang naitalang may pinaka lawak na kasapian at sangay ng cruz roja. Isa ako sa pangunahing opisyal, bilang pangulo ng cruz roja napakadaming natambak na gawain. Kaya kita sinama rito, Luna." Natataranta niyang sambit habang may kung ano-anong binabasa na papel. Kung tutuusin ay sobrang dami nito at halatang mabigat dalahin ngunit parang sanay na sanay na siya rito.
Kakababa lamang namin ng kalesa at nasa harap kami ng isang makalumang bahay, may second floor iyon at halata sa labas na may kalakihan ito.
"Ano ang cruz roja?" Bulong ko. Hindi maiwasan ang kuryosidad.
Tumigil siya sa pagbabasa at tinutok ang mata saakin.
"Ang cruz roja ay isang organisasyon ng mga kababaihan kung saan ay nag aabot sila ng tulong sa mga pwersang pilipinong nakikipaglaban habang bansa ay nakikibaka para sa kalayaan, nandito ang cruz roja upang tumutok sa pag aruga ng mga may sakit at sugatan..." mabilisan niyang sabi, napahawak ako sa dibdib ko at ako na ang huminga para sa kanya.
Nagmamadali siyang naglakad patungo sa pinto at pagkabukas niya ay napanganga ako sa dami ng kababaihan na abala sa kung ano ano nilang ginagawa.
"Bakit ang daming halos bata rito?" Bulong ko na naman. Pakiramdam ko kasing edad nilang lahat si Giselle at Kukoy. Mabibilis ang galaw nilang lahat.
"Ang sinumang kakabaihan mula labing apat na taong gulang ay maari na maging kasapi. Sadyang mas marami lamang ang handang tumulong na mga bata." Sambit niya. Napatango ako.
Pumalakpak si Bren at sa isang iglap ay nagsitahimikan ang lahat, sabay-sabay silang tumingin samin kaya napangiwi ako.
"Ang adhikain ng katipunan na ito ay maglikom ng mga unan, banig, kumot, pagkaing mahusay sa may sakit, gamot, hilatsa at panali sa sugat. Bakit sa papel na ito tila may kulang!?" Nangibabaw ang boses ni Bren kaya pati ako ay napaatras, habang nakanguso. Ba't ka galit?
May umabanteng babae, mukha itong kinakabahan habang nakayuko ay nagsalita ito.
"Pangulo, nawawala po ang abuloy na salapi sa mga anak ng nasawing nakikidigma."
Bumuntong hininga si Bren at bakas ang kunsumisyon sa mukha niya.
"ahm... magkano ba? Hihingi ako kay Don- este kay papa." Bumakas ang gulat ng karamihan kaya napakamot ako ng batok, mali ba ang nasabi ko?
"Masyadong malaki ang kailangang pondo, ngunit Luna. Kung may maibibigay ka, lubos namin iyong pasasalamatan." Ani nong babaeng umabante kanina. Paano niya nalamang ang pangalan ko?
"Nasaan ang pondo!?" Sigaw muli ni Bren, hmp. Sapaw sa eksena, eh sa kasalukuyan nga 15 billion ang ninakaw sa mamamayan.
"Naiwan pong nakabukas ang sisidlan kung nasaan ang nalikom na pera, Pakiramdam po namin ay may sumalisi upang kuhanin ito."
BINABASA MO ANG
Touch Of Terror
Historical FictionYear 2020, A series of bizarre deaths has come. Terror, sabotage, assassination. The rule is only for the poor, A system of Government that is run by the worst. Life for a twenty-year-old girl is not easy. Lalo na at namulat agad siya sa pagkasakim...