17 : Pagpaplano

47 18 0
                                    

L U P I

August 02, 1899| 4:15 am

Hindi ko iniwan si Jerico, magdamag lamang akong nasa tabi niya at sumapit na ang liwanag ngunit hindi pa rin siya nagigising.

Nang makalabas ako ay bumungad sa'kin ang isa pang nakakapanlumong balita,

Humahagulgol si Giselle habang ikinukwento ang nangyari sa kanila ni Kukoy, nakaligtas si Giselle dahil pinatago siya ni Kukoy habang si Kukoy, nanatiling nawawala.

Marami nang sundalo ang naghahanap sa kanya, kahit na ganon ay lamang pa rin ang takot sa dibdib ko.

Please keep safe, Kukoy...

Nagpatawag agad ng pagpupulong si Heneral Simeon, nadaanan ko ang nga kalalakihan na naguusap habang pinapatulis ang kanilang nga kutsilyo.

"Nang gabing iyon ay handa na si heneral alejo na pumanig sa atin." Bulong ng isa, tumango naman ang kausap nito.

"Pero nabalitaan ko pagkatapos kausapin ng heneral Alejo ang mensahero upang maipaalam kay Heneral Simeon Ola ang kagustuhan niyang sumapi sa atin bigla na lamang daw may pumalibot na mga sundalo..."

"May sabi-sabi na traydor ang mensahero na lubos na linagkakatiwalaan ni Heneral Alejo... at eto pa may nagsasabi na hindi raw amerikano ang pumalibot kay heneral kundi kapwa natin pilipino..."

Napakurap-kurap ako at wala sa sariling lalapit sana sa kanila ngunit naoahinto ako nang mapatingin ako kay Bren habang hawak-hawak niya ang kamay ko.

Isa siya sa gumamot kay Jerico, nagaaral pala siya ng medisina at kasalukuyang tumutulong sa paggamot ng mga sundalong napuruhan sa pakikidigma. Kahit na gusto ko pa magtanong sa grupo ng kalalakihan ay hindi ko na nagawa dahil nagsimula nang magsalita si Heneral Simeon.

Inilahad ni Heneral ang mga plano at kung normal na araw at wala akong iniisip ay malamang ay ikakamangha ko ito, malinis na malinis ang pagkakalahad niya.

Kayang kaya manalo ng pilipinas sa gantong istratehiya, nilibot ko ang paningin ko at lahat sila ay desidido. Puno ng determinasyon ang mga mata nila, hindi ko alam kung bakit hindi magtatagumpay ito kalaunan, saan nagkamali ang mga taong ito?

Nahulog ako sa malalim na pag iisip, may magagawa ba ako para baguhin ang nakaraan? O nandito lamang ako para masaksihan ang trahedyang nailahad na at maraming taon ng nakalipas? Hindi ko maiwasan mapatanong kung bakit ako nandito.

Hannggabg ngayon kasi hindi pa rin malinaw.

Kusang umangat ang tingin ko nang marinig ang pamilyar na boses, kahit na ika-ika ay nagawa niyang tumayo at maglahad ng opinyon. Kusang nanumbalik ang atensyon ko sa mga naguusap-usap, habang palihim na sumusulyap kay Jerico. Halatang nahihirapan siya dahil sa sugat na natamo. Hindi ko maiwasang mag-alala.

"Hindi man natin sila malamangan sa bilang at teknolohiya, tatalunin natin sila sa taktika." Ani ni Heneral Simeon, lahat naman ay sumangayon.

"Madilim na pasilyo, at malubak na daan ang gagawin nating kuta." Inilahad niya ang isang mapa.

"Marami sa atin ay eto lamang ang armas," napaiwas ako ng ihagis niya sa gawi ko ang sibat, napangiti siya nang makaiwas ako. Nanlalaki ang mata nilang lahat, hindi ko maiwasang samaan siya ng tingin kung nagkataon na nag space out pa ako malamang hati na ulo ko.

Touch Of Terror Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon