L U P I
June 9, 1899 | 11:28 am
"Apir? Banyagang salita na naman ba 'yan, Luna?"
Napabuntong hininga ako at umiling, pinagtuunan ko na lamang ng pansin ang paligid. Maraming mga bata ang nagkalat, nagkakaingay at nagkakagulo. Napangiti ako, Naalala ko ang Vista.
The festival was always a place of joy, Fruit and vegetables are everywhere, pamilyar din ang ilan sa mga pagkain na nakikita kong ipinagbibili. Karamihan dito ay mga kakanin tulad ng palitaw at kutsinta.
"Heto, Luna. Tikman mo ang Ensaymada."
Inabot sa akin ni Bren ang tinapay na puro keso.
"Allergic ako sa cheese." Bulong ko, "hindi ako pwe-pwedeng kumain nyan. Mamumula ang balat ko." Pagdugtong ko. Alam ko kasing hindi niya maiintindihan ang sunod kong sinabi.
"Ha? Kailan pa naging bawal sayo ang keso? Eh lagi nga natin 'to pinapapak kay Aling Ising noong mga bata pa tayo. Sige na, Masarap 'yan Luna. Paborito rin yan ng ama mo, uwian mo siya mamaya!"
Agad akong tumango sinubukan kong kagatin ang tinapay napapikit ako dahil maya maya lamang ay mararanasan ko na ang pag kati, pero lumipas ang ilang minuto ay wala akong naramdamang kakaiba. Agad kong ninamnam ang ensaymada,
So this is the perks of time traveling? Cool
Naglakad ako papalayo kay Bren masyado siyang maingay, nagtingin tingin ako sa paligid. Kakaibang kakaiba ang atmosphere noon. Nakasabit ang mga banderitas sa itaas, mas nakakaganda ang iba't iba nitong kulay.
Agad akong napangiti, Music filled the air, festive beats lifted the spirits and made the people want to move, jump and sing. It was a time to celebrate being alive.
May iba't iba ring kutkutin kung tawagin, May empanada na may palaman na karne. Agad nanglaki ang mata ko nang makakita ng mangga na may kasamang bagoong, binasa ko ang labi ko.
Dudukot na sana ako ng pera ang kaso lang ay napagtanto ko na wala ako miski isang dala bukod sa sarili ko, agad hinanap ng mata ko si Bren pero kumpol ng mga tao na lamang ang nakikita ko. Doon ko nakagat ang labi ko,
"Dalawa nga po, pakibalot po ng maigi para sa binibining nasa aking tabi."
Hindi ko pinansin ang nagsalita, pilit kong hinahanap si Bren pero wala ni isang bakas niya ang nakita ko. Problemado akong napaharap sa matandang nagbebenta ng mangga, nanlalaki ang mata ko ng binibigay niya sa akin ang isa.
"Ah," alanganin akong tumawa. "Wala po kasi akong pang bayad." Nahihiya kong bulong. Ngumiti ang matanda kaya nginitian ko ulit siya, Sign na ba na pwede na ako umalis?
"Señorita, binayadan na po ni Señor Heneral Alejo ang iyong mangga."
Hindi naman bayaran ang aking mangga! Natawa ako sa iniisip ko pero napawi iyon nang marealize kung sino ang nanglibre sa akin.
Nanglalaki ang mata ko habang hinahanap si Jerico pero hindi ko rin siya makita. Mother father! Lahat ng hinahanap ko nawawala! Tinanggap ko na lamang ang mangga at napagpasyahan na hanapin si Bren.
All I can see is the painted faces of children, May iba't ibang uri ng bulaklak, palaka, ibon at iba pa ang nakaguhit sa kani kanilang mukha. Naghahabulan sila habang nagpapalipad ng eroplanong papel.
Nagtataka akong lumingon sa paligid ng mahati ang dinadaananan ko, agad ako tumingkayad upang malaman ang pinagkakaguluhan nila sa gitna. Doon ko narinig ang pamilyar na tunog, They give way to drumbeats and the streets throbbing with dancing townsfolk. Smearing paint on each other and greeting one another while splashing flower petals.
BINABASA MO ANG
Touch Of Terror
Historical FictionYear 2020, A series of bizarre deaths has come. Terror, sabotage, assassination. The rule is only for the poor, A system of Government that is run by the worst. Life for a twenty-year-old girl is not easy. Lalo na at namulat agad siya sa pagkasakim...