31 : Mother's Smile

31 11 0
                                    

L U P I

March 12, 2021| 4:03 pm

Hinigop ko ang kape ko bago ilipat ang susunod na pahina ng binabasa ko tungkol sa kaso ni Jerico. Nilipat ko sa kaliwang kamay ang cellphone ko at tsaka nagsalita.

"Yes, buy everything. Don't forget to bring Francis to Dr. Maniego, okay?" Pagbilin ko, inulit niya ang mga sinabi ko mula sa mga pagkain, sa gamot at sa lahat ng pangangailangan ni Nanay Imelda at Francis.

Nagpasalamat ako sa kanilang dalawa ni Kukoy at pinatay na ang tawag.

Gusto kong bisitahin si Jerico, gusto kong tumabi sa kanya at sabihin lahat ng gusto ko, pero pakiramdam ko hindi pa ito ang tamang oras upang harapin siya, gusto kong linisin ang pangalan niya. Gusto kong ipagsigaw sa buong mundo na biktima siya, na hindi dapat siya ang namatay.

Hindi ako mapirmi sa bahay kaya pagkagaling sa bahay ampunan ay napagpasyahan kong bisitahin si Ate Mildred at Myra. Nang makita nila ako ay agad nila akong niyakap, marami silang tinanong kaya napangiti ako.

"Dito ka na mag hapunan! Sakto nagluto ako, paborito mo ito noong bata ka." Nang silipin kung ano iyon ay napangiti ako.

"M-menudo?" Napatango tango si Ate Mildred.

Umupo muna ako sa sala at pumikit saglit, pagod na pagod ako at ang bigat ng katawan ko pero marami pa akong dapat gawin.

"Ate Mildred!"

"Oh Luna! Nakauwi ka na ba galing school? Teka anong nangyari sa uniporme mo?" Nagalala agad siya nang makita na gusot gusot ang uniporme ko may mangilan ngilan na dugo pa rito.

"Wala po 'to! Nasaan po si tita?" Nakangiti kong sambit, gusto ko ipakita nakatago sa maliit kong kamay na medalya.

"Luna... huwag mo muna siguro puntahan ang tita mo ngayon. Masama ang pakiramdam niya."

"Po!? Bakit po? Ano pong nangyari?" Umiling iling si Ate Mildred, pinaghanda niya ako nang makakain pero lumilipad ang utak ko gusto kong puntahan si Tita Mercedes.

Nang magpaalam siya dahil maglalaba siya ay kinuha ko na ang menudo at kanin, gamit ang maliit na kamay ay dinala ko iyon sa taas. Hindi na ako kumatok at nang makita ko ang ginagawa ni Tita Mercedes ay kusa kong nabitawan ang tray.

Sa murang edad, alam ko kung ano ang nangyayari, sa murang edad nakaramdam ako ng takot. Kitang kita ko ang dugo na lumalabas sa pulu pulsuhan ni Tita, takot na takot ako nang makitang walang malay siyang nakahiga habang hawak ang kutsilyo sa isa niyang kamay.

"Ate Lupi?" Nabalik ako sa reyalidad nang makita si Myra, nakangiti ito. Bumalik na ang sigla sa mukha niya.

Nagulat ako nang yakapin niya ako,
"Namiss kita, ate!"

Habang nakayakap siya ay pinunasan ko ang luha na namumuo sa mata ko, "Ate Lupi, may sasabihin ako sayo. Eto lamang ang masusukli ko sa lahat ng ginawa mo para sa amin ni mama." Aniya.

Inabot niya ang isang papel, "Narinig ko iyan nung isang gabi habang nag uusap sila ni tita. Alam kong gusto mong malaman kung sino ang totoo mong magulang, ate..." mahina ang boses niya tila ingat na ingat sa mga binibitawan niyang salita.

Touch Of Terror Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon