L U P I
August 01, 1899| 4:02 pm
Nagmamadali si Jerico habang gusot ang uniporme na suot, ang kanina niyang buhok na parang dinilaan ng butiki ay gulo gulo na, ang dungis!
"Alas Kwatro na!" Naghihisterikal niyang sambit, napangiwi ako nang maalala ang contest na sinasabi nila. Wala nga akong ideya kung ano iyon, ang alam ko lang ay gaganapin iyon sa ibang baryo.
Hingal na hingal kami nang makatapak kami sa pagdadaluhan ng contest, hindi pa nagsisimula ang patimpalak kaya pagod na pagod kaming naupo. Hindi pa man ako nakakapagpahinga ng maayos ay tumayo na ako.
Nagpagpag na rin ako ng damit dahil narinig ko na ang senyales na dapat ay pumunta na ako sa aking pwesto. Lalakad na sana ako papalayo nang marinig ko si Jerico.
"Luna." Mahina ang pagkakasambit niya, nakangiti akong lumingon.
"Galingan mo, Luna." Malumanay ang pagkakasabi niya, hindi ako kinakabahan ngunit muntik na akong mapahawak sa puso ko nang bigla itong tumibok ng mabilis.
Hindi ko pinansin kung ano man ang dinidikta ng puso ko at lumakad na papalayo.
Nagbubulungan naman ang mga nadadaanan ko, pinaikot ko na lamang ang mga mata ko. Kanya kanya sila ng tsismis na nakalap.
"Siya ang kalaguyo ng Agila"
"Nakakadiring babae, saan niya nakukuha ang tapang na humarap sa masa pagkatapos niyang agawin ang kasintahan ni Remedios."
"Mukhang may ganon talagang uri ng babae, disgrasya sa pamilya at kahiya-hiya."
Mas lalong lumawak ang ngiti ko nang marinig ang pinagsasabi nila, pag sinapak ko kayo ng isa dugo 'yang makakati niyong nguso.
Hindi pa rin pala talaga nagbabago ang mga ugali ng mga pilipino, hanggang taong 2020 big deal sa kanila ang bawat galaw mo, kapag taliwas iyon sa ideya na tama. Paguusapan ka nila, Delicadeza ang binabato sa'kin sila nga mga tsismosa, pare parehas lang kaming mapupunta sa impyerno. Hihilahin ko sila pababa. Nag evil laugh ako sa utak ko at tsaka bumuntong hininga.
Gaganapin na natin ang patimpalak sa pagpipinta, ihanda na ang mga kagamitan at umupo na sa kanya kanyang upuan!
Naangat ko ang tingin ko nang marinig ang sinabi ng nagsisilbing host, pinta!? As in paint!? Hindi ko maiwasang mataranta, lalo't na nang makitang naghahanda na halos lahat ng kasama ko.
Nakagat ko ang labi ko habang patuloy pa rin ang pagbibigay ng instruction nong makalumang host, pigil hininga akong tumingin sa audience at nang mamataan silang tatlo ay nanghingi agad ako ng tulong.
Iniwagayway ni Giselle ang gamit sa pangpinta kaya dali-dali akong lumapit sa kanya, nang makaupo na sa pwesto ko ay agad akong nanlumo. Hindi ako magaling sa pagpinta!
Agad kong sinamaan ng tingin ang mga kalahok dito, subukan niyong galingan dugo niyo ang pangp-paint ko. Habang nililibot ko ang paningin ay nakita ko ang pamilyar na mukha, teka diba siya iyong kapatid ng presidente yung dating ka-fling ni Alejo? Hala. Kalaban ko siya? Baka barilin na lang ako ng presidente pag tinalo ko 'to, kaya di 'ko nalang gagalingan. Haha.
BINABASA MO ANG
Touch Of Terror
Historical FictionYear 2020, A series of bizarre deaths has come. Terror, sabotage, assassination. The rule is only for the poor, A system of Government that is run by the worst. Life for a twenty-year-old girl is not easy. Lalo na at namulat agad siya sa pagkasakim...