7 : Simula

236 76 79
                                    

L U P I

Napahawak ako sa ulo ko, I move my hands slowly, inaasahan na makakatayo ako pero nabalik ako sa pagkakahiga nang mapansin na nanlalambot ang buo kong katawan, Tila ang bigat bigat din ng suot ko, dahil basang basa ito ng tubig. Hindi ko magawang tumayo, kaya pinikit ko na lamang ang aking mga mata.

"Binibini!"

Bukod sa rumaragasang tubig ay may naririnig pa akong tinig, ipinagsawalang bahala ko iyon at hindi nag atubiling dumilat.

"Nandito siya! Nandito siya!"

Narinig ko ang sunod sunod na yapak, papalapit ito nang papalapit sa kinaroroonan ko. Naramdaman ko ang isang haplos pagod na pagod kong idinilat ang aking mga mata. Doon tumulo ng kusa ang aking mga luha, binuhat niya ako ng pangkasal. Walang tigil pa rin ang pagtulo ng mga luha ko.

"Huwag kang mag alala. Ligtas ka na, binibini."

Kahit na hinang-hina ay nagawa ko pa ring tumawa, "Gago ka talaga, Jerico..." Bulong ko. Napakunot ang noo niya, bumuka pa ang bibig niya ngunit wala na akong narinig. Paunti-unti na rin nagdidilim ang aking paningin.

******

THE SUN can fuck right off, nababadtrip akong tumayo at isinara ang kurtina, Nanglaki ang mata ko nang mahimasmasan ako. Iba ang kurtina na hinawakan ko, nang ilibot ko ang paningin ko ay kusa akong napaatras.

Walang doodle ang pader kagaya ng kwarto ko, wala rin ang collection ko ng skateboard, wala rin ang mga naipon kong litrato na isinabit ko sa dingding at higit sa lahat wala ang grand piano na pinabili ko nung nakaraan!

Agad akong napaatras, nakita ko ang kahoy na dingding at magarbo ngunit makalumang disenyo ng higaan. Dahan-dahan akong napalapit sa kalendaryo, agad nanglaki ang mata ko.

"Maybe, I should've stayed in bed..." natataranta kong sambit, patalon akong sumugod sa kama agad akong nagtalukbong at napapikit.

"June 9, 1899." Bulong ko, natawa ako. Ano ba 'tong iniisip ko? Tinanggal ko ang pagkatalukbong ko at agad akong napasigaw nang makita si Bren!

"Putangina, Bren!" Sigaw ko. Nanlalaki ang mata at handa na siyang sapakin.

Nanglaki rin ang mata niya, Pinalo niya ako ng pamaypay kaya agad akong napa aray.

"Magandang umaga rin sayo, Luna!" Nanglalaki ang mata niya bago magsalita ulit.

"Totoo nga! Ang mga nag iisang anak ay madalas ay lumalaking alibugha!" Naghihisterikal siya. Nababaliw na ba siya?

"Anong alibugha? Wala akong alipunga!" Tinaas ko pa ang paa ko upang mas mapakita sa kanya.

"Dios mio! Luna, alibugha! Ang ibig sabihin ay patapon, iresponsable!" Nanggagalaiti niyang sabi, napahawak ako sa dibdib ko. Ang sakit non ha?

"Nag ro-roleplay ka ba, Bren? Bakit ganyan ang suot mo at bakit ganito ang kwarto mo? Ang daming lumang bagay tapos tignan mo 'yung way nang pananalita mo. Parang obob." tuloy tuloy kong sabi, iminuwestre ko pa ang kamay ko tsaka ko pinukpok sa ulo ko para malaman niya kung gaano siya ka shunga.

Nanglaki ang mata ni Chubby cheeks sadako, Tinuro niya ako at maya-maya lamang ay naglabas ng Rosaryo. Humalakhak ako kaya, napa sign of the cross siya.

Touch Of Terror Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon