L U P I
June 13, 1899 | 10:35pm
"Grabe ka talaga, Luna! Lagi ka na lamang gumagawa ng gulo, isipin mo sinalo ka ni Heneral Alejo habang kaharap si Remedios! Nako panigurado at nag aaway na ang dalawang iyon!"
Kanina ko pa gustong takpan ang tenga ko, kung may earphone lamang ako malamang nakapasak na iyon. Hindi ko maintindihan, literal na sinalo lang naman ako ni Alejo dahil mahuhulog ako. Natural instinct ng tao ang magligtas. Ang problema rito, kaunting galaw ay binibigyan ng malisya!
"Dumagdag pa ang titigan niyo! Nako talaga, Luna! Kaibigan kita ngunit hindi kita kukunsintihin, may kasintahan na 'yung tao!"
"Bren, Can you please shut up?" Pagod kong pakiusap. Naguguluhan siyang tumingin saakin.
"Tahimik muna," tinuro ko ang ulo ko baka sakaling maintindihan niyang kumikirot ito. Mukhang nakaramdam naman siya at kusang tinigil ang pagsasalita.
Pauwi na kami at kanina pa kami sakay ng kalesa, pakiramdam ko mas mahabang byahe ang ginawa namin ngayon kaysa kanina. Hindi naman uso ang traffic dito,
Napapikit ako at pumasok na naman ang imahe ng mukha niya habang mataman na nakatitig sa mga mata ko, agad kong kinurot ang sarili ko baka sakaling kahit papaano ay magising ako. Nahihibang na nga ata ako.
"Dyan ako mag hapunan sa inyo ha?" Makulit na sabi ni Bren na akala mo ay hindi napagod sa pinuntahan namin kanina.
"Hindi ka pa ba nabusog?" Irita kong tanong, ngumuso siya dahil ramdam siguro sa tono ko na pinapaalis ko na siya.
Tinalikuran niya ako habang nangunguna na pumasok sa gate, napailing na lamang ako at awtomatikong hinanap ng mga mata ko si Tita Mercedes. Nang makita ay agad ko siyang nginitian, simpleng ngiti lamang ang iginanti niya at dire-diretso akong nilagpasan.
Napabuntong hininga ako habang pagod na umupo, hanggang ngayon hindi ko pa rin maintindihan ang mga nangyayari parang masyadong mabilis, parang may mali.
Sinubukan kong umidlip, pero inis na napadilat ang mata ko nang maramdaman ang pagyugyog at ang matinis na boses ni Bren.
"Ano ba!"
"Huwag ka nga sumigaw! Anong oras na nag eeskandalo ka pa, halika na pinapatawag ka ni Heneral Simeon." Bulong ni Bren, doon ko lamang nailibot ang mga mata ko. Madilim na ang paligid at nakapang tulog na ako, nandito rin ako sa kwarto ko.
"Anong nangyari?" Naguguluhan kong tanong, kanina lamang ay pagod na pagod ako habang nakaupo sa sala.
"Masyado ka atang napagod sa sunod-sunod na pag eensayo mo, ang sinasabi ko naman kasi sayo hindi mo kailangan maging sundalo baka mapahamak ka pa nyan eh!"
"Ensayo? Sundalo? Gago ka ba!?" Inis kong sigaw. Pagod na pagod pa ako dahil kanina lamang natapos ang pagsasalo para sa kapatid ni Heneral Alejo tapos ngayon pagtri-tripan pa ako ni Bren.
"Huwag ka ngang maingay, Luna heto isuot mo na. Kanina pa siguro maghihintay si Heneral Simeon sayo, hindi ba gustong gusto mo rin siya makita?"
Naguguluhan ako habang nakatingin sa kanya, "Bren, anong date ngayon? Este anong petsa ngayon? At ilang araw na ang nakalipas magmula nang dumalo tayo sa pagsasalo?"
"Anong araw? Buwan na ang nakalipas magmula nang dumalo tayo sa pagsasalo. Hindi na nga natin namataan ang Heneral Alejo, laking pasasalamat ko at hindi kumalat ang nangyari sa inyo nong araw na iyon." Sambit niya habang tinitiklop ang ilang damit.
"Saan tayo pupunta?" Bulong ko, hindi pa rin ata nag si-sink in sa utak ko ang nangyari.
"Kay Heneral Simeon Ola nga, hindi ba iyon ang gusto mo?" Pumamewang siya. "Ayaw mo ang ensayo na ginagawa natin kaya gusto mong humingi sa kanya ng payo." Tila may tampo ang tinig niya. Biglang sumagi sa isip ko si Jerico.
BINABASA MO ANG
Touch Of Terror
Historical FictionYear 2020, A series of bizarre deaths has come. Terror, sabotage, assassination. The rule is only for the poor, A system of Government that is run by the worst. Life for a twenty-year-old girl is not easy. Lalo na at namulat agad siya sa pagkasakim...