L U P I
June 17, 2020 | 5:40 am
How did it come to this? A group of teenagers were arrested on suspicion of offences involving the supply of class A drugs, this include Myra.
"H-hindi ko alam Lupi kung saan makakakuha ng ganyang kalaking pang piyansa." Ani ni ate Mildred, kanina pa siya umiiyak.
Maguumaga na at hindi ko na lasap ang pag tulog dahil na rin sa pag aalala kay Ate Mildred, Napailing-iling ako habang hinihigop ko ang kape ko. Maldita man si Myra at bulakbol pero hinding hindi siya mai-involved sa drugs. She's smart, and she knows her limits.
Hindi ako mapakali na naghihintay lamang dito, I need to do something. Hinalikan ko sa noo si Ate Mildred, hindi pa rin siya makausap ng maayos mabuti nalang at umuwi ang kapatid niya para bantayan siya.
Tinignan ko ang orasan at alas singko na ng umaga, binuksan ko ang cellphone ko at tumunog ito sa dami ng message galing kay Tita Mercedes. Blinock ko muna ang number niya nakita ko rin ang Latest news, napakunot ang noo ko.
ELEKSYON, NATAPOS! MAYORA NATIN, MERCEDES PA RIN!
Mayor Mercedes was re-elected, She is the head of Questa Verda and now a well known city is celebrating!
Napanganga ako, Bakit siya nanalo? Eh maski ako hindi siya binoto. Napailing na lamang ako, inayos ko ang pagkakasuot ng aking sombrero, natatanaw ko na ang police station.
Pagkapasok ko ay bumungad sa akin ang isang babaeng pulis, nginitian ko siya. Gumanti naman siya ng isang simpleng ngiti, lumapit ako sa kanya napansin ko na medyo kaedaran niya si Tita Mercedes. Tinignan ko ang apelyidong nakakabit sa damit niya.
"Suarez..." bulong ko, nagtataka naman siyang tumingin sa akin.
"May dadalawin po ba kayo, Ma'am?" Magalang niyang tanong.
"Actually, Pinapunta ako ni Tita Mercedes." Mukha naman siyang nagulat kaya tumawa ako,
"By the way, I am Luna Pia Mercedes. Her only niece." Pagdugtong ko pa. Inilabas ko ang ID ko at gaya ng inaasahan ko ay nagmamadali niyang tinanggap ang kamay ko, kaya mas lumapad ang ngiti ko.
"Halika po, Sorry po ma'am hindi ko po kayo nakilala agad. Samahan ko po kayo sa loob." Agad nawala ang malapad kong ngiti.
"Wag na po, I can manage at isa pa wala pong magbabantay dito. May pinapakuha lang naman po si Tita, kay–" agad kong nilibot ang tingin ko sa buong station, naghihintay naman siya ng sagot ko kaya tumawa ako.
"Kay Inspector Jack." Pagbasa ko sa pangalan na nasa bulletin board. Tumango naman siya, "pero po ma'am, nag agahan po siya eh wala po sa loob." Sagot niya naman, napabuntong hininga naman ako.
"Okay lang, May pinapakuha lang si Tita. Urgent eh." Sambit ko, mukhang hindi siya kumbinsido. Napamura na lamang ako sa isip ko.
"You have something to say to her? Like granting your daughter a scholarship or anything? Pwede ko siyang kausapin about doon." Pagbunot ko ng last card ko. Wala na akong maisip na pang uuto at napapagod na ko mag isip.
Biglang lumambot ang ekspresyon ng mukha niya, "Matagal ko na pong nilalapit ang anak ko sa iskolarship ng bayan. Valedictorian po 'yun lagi pero hindi po nakakapasok. Ilalapit ko rin po sana kay Mayora ang pang gamot niya, mahina po kasi ang puso ma'am." Bulong niya, tila nahihiya. Tinapik ko ang balikat niya, dumukot ako ng tatlong libo sa pitaka ko at binigay sa kanya.
"Ibili mo ng pasalubong ang anak mo pagkatapos ng duty mo, huwag kang mag alala. Babalikan kita at sisiguraduhin ko na maayos natin ang pang pagamot at scholarship ng anak mo." Ngumiti ako sa kanya, naluluha-luha naman siyang nagpasalamat. Tumango ako at napagpasyahan nang pumasok sa loob, binuksan ko ang isang chewing gum at nginuya iyon dahil kaunti na lang ang pasensya ko at kailangan ko ng mangunguya upang kumalma.
BINABASA MO ANG
Touch Of Terror
Historical FictionYear 2020, A series of bizarre deaths has come. Terror, sabotage, assassination. The rule is only for the poor, A system of Government that is run by the worst. Life for a twenty-year-old girl is not easy. Lalo na at namulat agad siya sa pagkasakim...