29 : Plan

32 12 0
                                    

L U P I

March 12, 2021| 8:00 am

"Anong nangyari sa mata mo?" Nagtatakang tanong ni Bren, inirapan ko lamang siya at hinanap ang shades sa back pack ko. Nang makita iyon ay agadan kong sinuot,

"Ate Lupi, kain ka muna. Kanina ka pa namumutla." Ani ni Kukoy at pinagbukas ako ng tinapay na baon namin.

Kinuha ko na lamang iyon at isang kagat pa lamang ay nawalan na ako ng gana, masama ang pakiramdam ko ngayon. Siguro dahil naulanan ako kahapon, dagdag pa na hindi ako nakatulog ng maayos. Hindi ko na lamang tinapat ang aircon sa akin, halos tatlumpung minuto na kaming bumabyahe nang makaramdam ako ng hilo.

Pinikit ko muna ang mata ko, pakiramdam ko masusuka ako dahil dito. Napadilat na lamang ako nang maramdaman na huminto na ang sasakyan, napabuntong hininga ako.

I'm wearing a fitted black halter crop top, Pinartneran ko iyon ng white sweatpants na high waist, kaya nagmukha akong matangkad. Pakiramdam ko pagbaba namin ay pinagtitinginan kami.

Iba't ibang outfit ang suot namin, naka casual shirt at tokongs lamang si Kukoy. Si Giselle naman ay animong mag co-cosplay ng hello kitty, as usual. At si Bren, ay kabaligtaran ng akin. Masyadong makulay at masakit sa mata, may bulaklak pang design ang fitted dress nitong suot.

Nang makapasok kami ay umupo agad ako, maraming tao sa loob at mapahinto sila nang makita kami. Hindi ko sila pinansin at dire diretsong umupo.

Nilibot ko ang paningin ko, it feels home. Literally, dahil hindi siya mukhang restaurant. Pagpasok ng entrance ay roon makikita ang mga halaman, meron pang carpet na nagsasabing welcome.

Pagkatapos madaanan ang nagsisilbing entrance ay bubungad na ang spacious na sala, they go together with home furnitures. Kung hindi lang dahil sa counter sa tabi ng bookshelf at mapagkakamalan talaga itong bahay.

"Hi guys!" Masayang bati ni Bren, agad naman bumati pabalik sa kanya ang mga tao ron. Habang naka shades ay pag aralan ko ang mga mukha nila,

Nandito si Joy, iyong journalist sa dyaryo na hiningan ko ng tulong para sa nangyari kay Mang raul, katabi niya ang isang lalaking mas mataas pa ang kilay kaysa sa akin. Naka dekawatro ito at naglalagay ng lip balm sa labi.

Nilibot ko ang paningin ko at nakita ko si Tantan, bakit siya nandito? Tinagilid ko ang ulo ko, malaya ko silang natitigan dahil hindi naman kita sa shades na suot ko ang mata ko pero napataas ang kilay ko nang makitang tumitig din siya sakin. Pinakyuhan ko siya at tinanguan niya lamang ako.

Sa isang side naman, ay ang kumpulan na mga kabataan. May nakalagay na letter M sa tshirt nila, pamilyar ang logo na iyon. Iyon ata ang sikat na writing platform para sa mga kabataan, so Bren gather this people? Wow.

May kanya kanya ng kausap ang tatlong kasama ko kanina kaya napatingin ako nang may tumabi sakin, si Joy.

"Hi!" Nakangiti niyang banggit, mukhang nahihiya.

Hindi ko siya pinansin,

"Ay ang taray ni ate!" Natatawang sambit ng kasama nitong lalaki.

"Ako nga pala si Chris! Siya si Joy, we're both pretty." Nakangiti niyang sambit, tinanguan ko lamang siya.

"About pala sa case ni Mang Raul, napublish ko na siya at maraming willing tumulong." Sambit ni Joy.

"Thanks." Simple kong saad at kinuha ang magazine na nasa harap ko.

"That's our magazine, sinulat namin iyan gamit ang pen name namin. Ligaya at Krisa!"

Agad akong napalingon sa kanya, pakiramdam ko nangyari na 'to. Tinagilid ko ang mukha ko, binaba ko ang shades ko at nang makita ang itsura nila ay napagtanto ko na pamilyar talaga sila.

Binasa ko ang ilan sa mga sinusulat nila at labis ang kunot ng noo ko nang makita iyon, tumingin ako kay Joy. Nakangiti siya,

"That's right ate Lupi, Police tell girls to stop wearing short clothes to prevent sex crime." Mapait na sambit niya.

Napalingon ako nang magsalita si Chris, "Wag kayo magsuot ng pagkaikli ikling damit, at kapag nabastos ay magsusumbong din samin. Batang bata ka pa para malaman ang mundo, iba iba mag isip ang manyakis at rapist hindi natin sila natuturuan at mas lalong hindi na sila magbabago. Ang kanilang pagnanasa at pagiging kriminal ay natural na sa kanila, bago natin sila baguhin, baguhin mo muna ang sarili mo, gets mo iha? Iyan lamang ang sinabi nila noong nagsumbong si Joy sa pulis na akala niya makakatulong sa kanya." Ani ni Chris, napalingon ako kay Joy. Nangangatog ang mga kamay niya.

Trauma.

Nilipat ko ang isang page at mas lalong nanglaki ang mata ko sa nakasulat, naupo si Chris sa tabi ko. Nagdekawatro siya,

"You see, Male rape is still not widely discussed or legally recognised in some parts of the world."

Kagaya ni Joy ay mapait na ngiti rin ang ginawad nila, marami pang nakatala roon.

Iba't ibang sexual assault na hindi nabigyan ng hustisya. Nabaon na lamang sa limot habang nagdudusa ang biktima.

"Silencing Filipinos was more urgent to them that saving filipinos, remember that..." ani ko, tumango sila nakita ko ang sakit sa mga mata nila. Iniwas ko ang tingin ko.

Tumayo na ako at nagpaalam sa kanila, nagulat ako nang yakapin ako ni Joy ganon din si Chris, I slowly tapped my hand to their backs hoping this tiny taps will make them feel better.

"Isa ka po sa pag asa namin, Ate Lupi. Dahil sayo, maraming namulat ang mata...." bulong ni Joy.

Napatango ako at napangiwi.

"Stop this hug, punks." Ani ko na nagpatawa sa kanila.

Nang bitawan nila ako ay agad akong naglakad papalayo, napadpad ako sa isang kusina. Doon ko nakita na may kausap si Bren.

"Primrose, please help us."

"I can't promise you, na papayag sila. They prefer to stay silence." Mungkahi ni Primrose. Nakasuot ito ng pang chef na damit, but she looks young to be a chef. Pakiramdam ko ay estudyante pa lamang siya.

Nang magtama ang mata namin ay tinanggal ko ang shades ko, ang maamo niyang mukha ay pamilyar din.

"Oh, you're Lupi? Right! Ikaw ang kuwento ni Joy sa 'kin! Idol ka raw niya!" Madaldal nitong saad.

"Oh wait, nakita mo na ba si Joy? Halika gusto ka niya talaga makausap!"

"Wait, chill. Yes nakausap ko na siya." Kalmado kong sambit na nagpatawa sa kanya, pinunas niya ang basa niyag kamay sa suot nitong apron at tsaka inoffer ang kamay niya para sa isang handshake. Tinitigan ko lamang iyon, kaya siya na mismo ang kumuha at nagshake.

Mas masigla siya ng 100 times kay Bren.

"I'm Primrose, you can call me prim or you can call me rose. Up to you! I'm a chef of this restau, katulong ko ang kuya ko magtayo nito."

"And so?" Ani ko at sumandal sa pader, tumawa siya at hinampas ako.

"You didn't know? Crush ka ng kuya ko!" Natatawa niyang sambit na parang kinikilig, napangiwi na lamang ako.

"Ano ba kailangan mo rito?"pag kausap ko kay Bren, na parang wala si Primrose sa harap namin.

"Oh well, kailangan kasi natin siya at ang mga kaibigan niya. Primrose is a teenager who loves to cook. Her gang has a solid huge platform that helps hundreds of homeless children, jackpot ang circle of friends niya. You see, hindi lamang writers, vloggers ang hinahatak natin to voice out."

"Yeah, whatever. Kailangan namin ang fame niyo so just agree with it, alright?" Nanlalata kong sambit. Napalo ni Bren ang noo niya,

"Omg, you're so cool!" Sabi pa ni Primrose habang pumapalakpak, ngumisi lamang ako.

"So you want to join us?" Tanong ko.

"Hmm.. alright but you owe me a date with my kuya." Ani niya, na tila excited.

"The fuck?" Bulong ko, siniko ako ni Bren. Inirapan ko siya at tatalikod na sana nang marinig ko ang pagpayag ni Bren.

"Hey!" Sigaw ko, kaya natatawa niya akong pinalo.

"Okay! Let's go, let's convince my friends!" Natatawang aniya, kaya agad niya kaming hinatak papalabas.

End of Chapter 29

Touch Of Terror Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon