3 : Best pal

391 113 170
                                    

L U P I


June 16, 2020 | 8:30 am

My tongue is soaked in the taste of blood, agadan kong dinura iyon. Natatawa akong tinignan sila. I'll offer them peace first, a chance to surrender on my terms, something they will of course, refuse.

"Weaklings." pang aasar ko pa sa kanila.


Mabilis kong naiwasan ang pagsugod ng lalaking nasa kaliwa ko, masyado pa siyang mabagal. Hindi na ako nagpatumpik tumpik pa at agadan ko na siyang sinipa. Tinira ko talaga ang pinaka maselang bahagi ng katawan niya para hindi na siya makatayo pa.

Narinig ko pa ang paghiyaw niya sa sakit, akmang sasampalin pa ako ng isang lalaki nang mamataan ko ang isang kamay na pumipigil dito. Natatawa kong tinignan si Jerico, tinignan niya ako na puno ng konsumisyon.

"Wag kang makielam, kung ayaw mong dumugo nguso mo." Mariing sabi ng lalaki, Hindi ko alam pero bigla nalang napabitaw si Jerico kaya dali dali akong sinugod ng lalaki, nanglaki ang mata ko nang biglang humarang na naman si Jerico kaya siya ang nasapak. Hindi ko napigilang tumawa kaya sinamaan niya ako ng tingin.

Bakit ka kasi humarang?

"Bro, tol! Pre! Tama na!" Pag pigil ni Jerico, namumula sa galit ang lalaking kaaway ko dahil niyakap siya ni Jerico para lang mapigilan siya sa pagsugod sa akin.

"Ew!" Narinig kong sambit ni Giselle. Katabi nito ang bagong dating na si Kukoy na sumali na rin sa pag awat.

Kalmado nilang kinausap ang lalaki, pero hindi ito pumapayag hangga't hindi nakakaganti sa akin.

"C'mon, hayaan niyo siya. Kawawa naman hindi man lang nakaganti." Akmang susugurin na naman niya ako nang makarinig kami ng sirena ng pulis.

Binelatan ko muna ang lalaking kaaway ko at tsaka dali daling hinatak si Giselle papalayo, dahil sa maliliit nitong paa ay nahirapan itong tumakbo.

"Carry me nalang!" Maarte nitong saad.

"Luh? Ano ka? Hindi ka naman magaan!" Sigaw ko.

"Hmp! Edi don't!" Muntik na akong masubsob sa kaartehan ng batang 'to kaya inirapan ko na lamang siya.

Naabutan kami ni Jerico at Kukoy kaya dali daling binuhat ni Jerico si Giselle. Kung saan saang eskinita kami dumaan at nang maramdaman ang pagod tsaka lamang kami huminto. Malayo na ang narating namin, nakita ko na lumapit si Giselle sa isang tindahan.

Mariin akong tinitigan ni Jerico, agad akong tumingala sa langit para maiwasan ang tingin niya. Nagawa ko pang pumito na animo hindi napapansin ang presensya niya. This idiot know how to make me feel guilty, what a dumbass.

Panigurado mauuwi 'to lahat sa sermon! He'd always stick up for me in front of others, even when he knew I was wrong. Then privately he'd let me know what he really thought and how I should have behaved differently.

"Ate Lupi!" Napatingin ako sa isang pamilyar na boses at doon ko nakita si Giselle na may dala-dalang soft drinks at tinapay. Kinuha naman namin agad iyon dahil na rin sa pagod sa pagtakbo.

Just like Kukoy, Giselle is a fourteen-year-old girl. Suki siya pagtripan dito pero hindi siya nagpapatalo. Katulad na lamang kanina, nakasalubong ko siya na pinagtri-tripan siya ng mga tambay, tinatapak tapakan ang hello kitty niyang stuff toy. She had this thing with hello kitty, maski ata panty nito ay may mukha ng pusang naka ribbon.

Touch Of Terror Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon