L U P I
March 12, 2021| 11:30 am
Kanina pa ako naka earphone pero walang lumalabas na tunog mula rito, ayoko lang talagang kausapin ang dalawang madaldal kong katabi. Si Bren at Primrose, nang makababa kami sa sasakyan ay napatingin agad ako sa karatula na nakalagay.
"Guardians Garden, orphan homes?" Nagtataka kong bulong, napansin ko na kilalang kilala na si Primrose sa bahay ampunan.
Nang makapasok kami ay malawak na lupain ang bumungad sa amin, nagsilapitan din kay Primrose ang mga bata. Pakiramdam ko sobrang kulay ng paligid dahil ang daming batang nagtatawanan at naglalaro.
I even heard soft guitar music, nakakakalma. Parang sumasayaw mismo sa tenga ko ang musika, the comfortable feeling mixed with the aroma of flowers. I looked over the place and saw the sweet smile of the children...
"We create a mini world where kids can be comfortable and happy as themselves..." nakangiting ani ni Primrose.
"Kayo ang may ari nito?" Namamanghang sambit ni Bren. Tumango tango si Primrose patuloy kaming naglalakad,
"Actually, this is Kaela's Idea. We just love that at sinuportahan namin, hindi naman kami full time na nandito since students pa lang kami. Kapag weekends or summer break lagi kaming nakaagapay but on normal days nandito naman sila sister to take care of those sweet munchkins!" Nakangiting paliwanag ni Primrose.
"Wait, hindi ba sixteen years old lang kayo? Saan kayo nakakakuha ng pondo?" Nagtatakang ani ni Bren.
Running an orphanage isn't easy, lalo na't madaming bata ang kailangan alagaan at suportahan in terms of financially and emotionally.
"Donations, isa pa Nixie's mom has a huge connection to senate kaya bigatin din ang mga nag donate. Also, Sage's grandfather is a co-founder of this orphanage. Ang lolo niya ang nakatoka for technology, since they have a company for it. Kaela's sister made sure that the children here are alright, she's a psychologist. So yeah, everything goes according to plan."
"So kayong apat? A bunch of beauty!" Pabirong ani ni Bren, hindi naman nakakatawa. Pero humagikgik si Primrose, she's bubbly.
"Also, Nixie's father support this as well, adopted kasi siya ng family na young and this idea made him happy kaya siya na ang humanap ng lupa for us to start. You see, everything goes in our way. As if God lend us his blessing to help those babies." Masayang sabi ni Primrose. Natanaw ko sa 'di kalayuan ang tatlong teenager.
"That's them! Hoy mga bobo!" Sigaw ni Primrose na nag patawa sa akin.
Kumaway iyong babaeng may mahabang black na buhok, may hawak itong laruan. "That girl with long black hair, she's Nixie." Ani niya samin. Tumango kaming dalawa ni Bren.
Nakita ko rin ang isang babaeng maangas maglakad, akala mo ay nakikipag away. Matangkad na rin ito sa edad niya. Hawak niya naman ang bola ng voleyball.
"She's Sage." Turo ni Primrose.
"And that one who has a straight face, that's Kaela!" Masayang sambit ni Primrose, napangiwi ako. Base sa obserbasyon ko magkaiba sila ng ugali.
Primrose looks childish and bubbly, Nixie looks quiet and innocent, Sage is the sporty one and Kaela, she's mysterious, I can't read her.
Nang matawid ang kaunting espasyo na namamagitan sa amin ay binati ni Bren ang tatlo. Nanatali lamang akong walang emosyon.
"Hi po!" Nakangiting sambit ni Nixie, tumango at ngumiti lang din naman si Sage habang nanatiling blangko rin ang ekspresyon ni Kaela. Tinagilid ko ang mukha ko habang pilit na pag aralan ang ugali niya.
BINABASA MO ANG
Touch Of Terror
Historical FictionYear 2020, A series of bizarre deaths has come. Terror, sabotage, assassination. The rule is only for the poor, A system of Government that is run by the worst. Life for a twenty-year-old girl is not easy. Lalo na at namulat agad siya sa pagkasakim...