Trinity
"Wait. I'll be there." sigaw ko.
Mabilis na binutones ko ang huling buttones ng suot kong polo saka binuksan ng pinto si Tec ng kumatok ito.
Agad din naman siyang bumungkad sa aking may bitbit na bitbit na medyo may kalakihang box.
"Pinapaabot ni Mr. Wexler para kay Miss Chrizzy." Sabi niya.
Kinuha ko din naman sa kanya iyon ng maalala yung sinabi ni Dad kaninang umaga. Hindi ko inaasahan na ganito pala kalaki yung magiging regalo niya sa kanya. Di nga siya nagbibiro.
"By the way, where's Dad?"
Wala din siyang dalang kotse kanina maliban sa sasakyan na ginamit ni Tec para sunduin ako. Ngunit, baka siguro may kotse pa naman siyang naiiwan sa kompanya. Baka lang.
"Nasa kompanya pa po."
"Sa ganitong oras na?," Sabay sulyap ko sa suot na relo. "Ano pa ba ang ginagawa niya? It's almost 7;30 in the evening."
"May mga late board meetings pa kasi siya. Pwede pa din naman isa-bukas na lang niya iyon pero mukhang napakaimportante ng mga pag-uusapan nila."
Ito ba yung dahilan kung bakit palagi siya nawawala at madalang na lang kapag uuwi dito sa bahay?
"I-If that's so. Hindi ko na lang siya hihintayin. Baka aabutan na siya ng madaling araw."
Tumango siya kaya pumasok na ako ulit sa loob. Ngunit ng may naalala bigla akong napahinto saka tinawag siya naglalakad na papaalis.
"Saan ka nga pala pupunta ngayon? Are you gonna fetch Dad or not?"
"Hindi na. Siya na din mismong nag-sabing di ko na siya susunduin."
"Kung ganun paano siya uuwi?"
"Mr. Trinity, lahat ng kompanya may kanyang-kanya spare car na naiiwan. At ang Daddy mo maraming kotseng nakatambak lang sa private parking lot niyo." Bat pa nga ba ako nagtanong. He's a Wexler!
Napatango-tango na lang ako sa kanya saka muling pumasok at sinirado ang pinto. Madalang at bilang lang akong bumibisita sa kompanya namin. Kaya wala akong masyadong alam kung ano-ano ang mga 'yon. Minsan magugulat na lang ako kapag tinatanong ko si Tec or kahit kay Dad lang din naman. Ang hirap maging isang tunay na Wexler!
Huminga ako ng malalim at tinignan yung inabot na regalo ni Dad para kay Chrizzy. Bigla akong nacurious dahil may kabigatan na din ito. Gusto kong mabuksan pero ayaw kong masira yung tiwala niya.
Sandaling inilapag ko na lang muna iyon sa ibabaw ng kama para tapusin 'yong pag-aayos ko ng sarili.
Pumasok uli ako sa walk in at hinarap ang sarili sa malaking salamin. Naka suot pa lang ako ng puting polo at hindi pa ako nakapili kung ano ang gagamitin kong suit. Lumapit at binuksan ko ang isang malaking closest na punong-puno ng mga suit ko.
Kailan piliin ko kung ano ang mas nababagay sa iniregalo niya sa'kin na necktie na susuotin ko din ngayon gabi. Ang classic at ang simple lang din iyon. Baka siguro ayos naman na'to ang black suit with notch lapels. Maayos at plansado na ang mga damit ko dito kaya walang may mangyayaring problema.
Muli akong humarap sa salamin sabay suot ng suit saka tinignan kung talagang nababagay iyon sa'kin. Bagay naman kaya kinuha ko na yung necktie ni Chrizzy at tinali iyon sa sariling estilo.
BINABASA MO ANG
Assassination Incorporated | SEASON 2
Action| ONGOING | What's the saddest thing about love? It's when you know there's no way you'll ever be together, however, you still wish for it to work. It's when your mind tells you to "let go," but your heart tells you to "hold on." It's when you drea...