✓Chapter 126

29 2 0
                                    

Trinity

"Good night, everyone!" nakakabinging paalam ni Kenny.

"Kenny, yang bunganga mo. Alam mo bang napakaingay mo." saway ni Axel.

"Bakit ba? Masama bang maging maingay?"

"Oo! Dahil nakakairita ka na."

"Ayaw mo na ba sa akin, Asawa ko?" paglalandi niyang anas.

"Frost! Umayos ka!" Sabay tulak ni Axel sa kanya papalayo ng bigla siyang niyakap ni Kenny.

"HAHA! Kahit pakipot ka, Everhart. Mahal na mahal kita."

"What the heck?!"

"Pero mas mahal ko pa rin si Tomboy, kaya pasensya ka na."

Kitang-kita ko ang pagbuntong hininga ni Axel ng biglang itinaas ni Kenny ang dalawang kamay sa ere habang nakatingala. Nauunang lumakad na parang lasing mula sa amin.

"Frost---" Hindi na niya nagawang tapusin ang dapat nitong sasabihin ng hinawakan ko si Axel sa balikat nito para makuha ang atensyon niya. "Wexler, what do you need?"

"Let him."

Kinuotan niya ako ng noo. "Ha? What do you mean?"

"He's drunk. Let him go crazy for tonight."

"Wexler, you know what the possible incident are if we let Kenny go crazy with that condition." Muling kong binaling ang tingin sa kanya ng sabihin niya iyon. "He's not drunk. He's taking too much sweets and crazy about Veronica."

"He's in love, that's why."

"Ba't parang may kakaiba sa'yo ngayon?"

Bigla akong natigilan sa tanong niya.

"W-what are you talking about?" depensa ko.

"Huwag mo nga akong ipagkasaya diyan sa bulsa mo, Wexler. Talagang naguguluhan na ako sa'yo. Halata ka na nga, pero patuloy mo pa rin dinedenay."

"Tigilan mo 'ko, Axel."

"Tsk! Sige, titigilan kita sa ngayon. Ngunit maghintay ka dahil dadarating din ang araw na kung saan maiintindihan mo ang lahat."

Hindi ko nagawang makapagsalita pa ng mabilis niyang hinabol si Kenny. Tanging napatingin na lang ako sa dalawang kaibigan na parang mag-ina, na pinipigilan at hinihila ang anak para tumigil saka maipasok iyon sa loob ng kwarto niya. Isang malalim na buntong hininga ang napakawalan ko saka bahagyang umiwas ng tingin sa kanila para titigan ang madilim na kalawakan.

Dumating na ang araw na yun, Axel. Alin at anong araw ba ang hinihintay ko? Meron pa ba? O meron panghihigit sa pangyayari na ito?

Sandaling hinatid muna naming si Kenny sa kwarto niya dahil mukhang nakainum ito. Kasalanan ko siguro ito dahil hindi ko nagawang bantayan ang isang lalakeng ito kanina. Pagkatapos ko kasi bumalik sa loob ng venue ay mas tinuon ko ang buong atensyon kay Chrizzy at sa programa ng kaarawan niya.

Agad din naman kaming lumabas pagkatapos naming siyang iayos sa sariling kama. Ngunit tamang-tama paglabas naming ay iyon din ang gulat ng makitang naglalakad papalapit sa amin sina Vee at Mason.

"Uuwi na ba kayo?" bungkad ni Axel.

Wala ako sa sariling umiwas ng tingin sa isang lalake. Unang lumapit sila Axel at Kenny sa kanilang dalawa samantalang nagdadalawang-isip pa akong lumapit. Subalit ayaw kong pag-isipan nila ako ng kakaiba kaya sumunod din naman ako. Agad akong sinalubong ng tingin ni Vee ng makalapit kaya napasuri ako sa kabuuan nito. Hindi na heels ang suot nito sa paa kundi isang sapatos, nasa kanya na din yung suot na coat ni Mason, habang bitbit na bitbit naman nung lalakeng iyon ang makintab niyang heels.

Assassination Incorporated | SEASON 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon