✓Chapter 143

28 2 0
                                        

Trinity

    "Sir Trinity, sigurado po ba kayo sa desisyon niyo? Ayos lang po talaga kami dito. Baka po kasing meron kayong mga imporanteng gawain sa council." pangungulit na naman nung isang working student.

Napahinto ako sa paglagay ng mga libro sa kanyang-kanya section sa bookshelf para harapin siya.

"But you seen I have no important things to do." seryosong wika ko habang ito ay nag-alala. "And besides it will be nice to help you here at the library for some time, even once."

"Pero papaano po kapag malaman ni Mr. Wexler---"

"He won't if no one will tell."

Bahagyang ngumiti ako at nakipagbalikat. Kukulitin na naman sana niya ang kagustuhan ng umiling ako saka tinalikuran siya. Agad kong inilagay sa shelf ang librong hawak bago lumakad sa kabilang pasilyo para isauli ang mga ibang librong bitbit. 

Pagkatapos kong mailagay lahat ng mga libro sa kanilang section. Bumalik agad ako sa likod ng counter para tulungan si Jareth sa pagstamp at pagcheck ng mga return books. Working student din si Jareth dito sa library ng SSIS. Nasa 2nd Year na rin ito sa kolehiyo at kumukuha ng Information Technology program. Kaya naman parang ang bilis namin mag-update sa system ng library dahil sa kanya.

Nag-usap usap naman kami pagkatapos at naghintay ng mga ibang gawain. Parang natatakot pa ito sa'kin nung una ng maitanong ko siya tungkol sa Southville. Mabuti na lang nasa mood akong makipagbiruan sa kanya kaya naging maayos ang pagkikipagtungo nito. Nahinto lang ang kwentuhan namin ng may hihiram na libro at agad ko iyon inasikaso. 

"K-kuya Trin?" nauutal na wika nung babaeng estudyante habang nanlaki ang mga mata. 

"Is this all you want to borrow?" anas ko. 

Mahina itong tumango, "Y-yes po. I-ito lang po lahat."

"Alright, may I ask for your library card?"

Halos pigilan ko ang sarili sa pagtawa ng makitang nanginginig niyang inabot ang card nito. Nakikita ko din si Jareth na napailing-iling habang nakatingin sa'min. 

Nakangiting kinuha ko iyon mula sa kanya at inabot ang mga librong nasa ibabaw ng counter  para iscan iyon sa scanner. Sunod kong ini-encode ang mga libro sa computer ng makita ang account nung babaeng estudyante. Agad ko ding inabot pabalik sa kanya ang card at libro ng makatapos ngunit parang nakatulala lang itong nakatingin sa'kin. 

"Miss, ito na pong mga libro niyo." tawag pansin ni Jareth sa kanya. 

Napabalikwas naman ito sa reyalidad, "A-ah. S-salamat po." 

"You're welcome." sambit ko at sandaling ipinakita sa kanya ang duration ng libro. "You have until next week to return all the books you've borrowed. Make sure to return it before or on the day. Failed to do so, you have to pay for it." 

"O-opo,  K-kuya Trin. S-salamat po." 

"Study hard and do well to your classes." 

Patango-tango naman siya at ngumiti ako. 

Nanatiling nakatitig lang ito sa'kin ng buhatin nito ang mga libro. Subalit ganun na lang ang rinig kong pagtawa ni Jareth ng makitang nagmamadali yung estudyanteng lumabas ng library. Kaagad naman siyang sinalubong ng mga kaibigan nitong nag-aabang sa pinto. At hindi pa nakaligtas ang pagtingin at lingon nila sa kinaroroonan ko kaya naupo na ako ulit. 

"Manghang-mangha talaga ako sa pagkatao niyo, Kuya Trin." 

"You shouldn't." malumanay kong anas. 

Assassination Incorporated | SEASON 2Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon