Maureen
Malamig ang mga mata niyang nakatingin sa'kin habang nasa loob na naman ang kamay niya sa pulsa ng pantalon nito. Tulad nga sa inaasahan ko sa taong ito. Hindi na bago sa'kin na makita siyang ganun dahil kagawian na ng isang Wexler iyon. Gusto ko siyang pag-unahan na magsalita ngunit para akong nakain ng sariling isip, dahil hindi ko na mabilang kung ilang araw at linggo na kaming hindi nag-uusap.
Ngunit mayamaya bigla niyang tinalikuran at kinausap ang mga staff na nandito sa backstage. Bumuga naman ako ng hangin saka inayos ang sarili. Sandaling nilagay ko sa loob ng bag ang suot na jacket at tinignan ang sarili sa harap ng salamin.
"Maureen!" Bigla akong napalingon sa makeup artist ng dance club namin. "Hali ka muna dito. Maupo ka."
"Why?" takang anas ko.
Hinila niya ako paupo. "Nakalimutan ko palang ikabit ang hair extension mo."
"Is that supposed to be necessary?"
"HAHA! Yes, my dear. Hindi ba ganun ang theme ng isasayaw niyo. Mas gugustuhin ko kasing makita kang ganito." aniya habang kinakabit ang napakahabang hair extension sa ponytail kong buhok. "Huwag kang mag-alala. Mabilis at malapit ko na din maikabit 'to."
Hinayaan ko na lang din siya saka inabala ang sarili sa hawak na cellphone. Di nagtagal at natapos na niyang ikabit iyon sa'kin. Ngunit ang inaakala kong makaalis na ako sa kinauupuan ng pinigilan niya na naman ako.
"What? I thought we're done." takang anas ko.
Inabot niya ang makeup set saka kung may ano itong kinuha. "Ops! Hindi pa tayo tapos. Kailangan ko pang iayos ang liner at at lipstick mo."
Bumagsak ako ulit sa sandalan at tinignan ang sarili sa salamin. Sobrang maangas ang nilagay niyang makeup kanina. At halos parang sumalob ako sa undercover mission.
"Pwede ka bang pumikit?" mahinang utos niya.
Pipikit ko na sana ang mga mata ko ng bigla kong namataan si Palmetto sa salamin at nakatingin sa'kin. Kita ko din sa gilid ng paningin pagtataka nung makeup artist sa'kin na naghihintay din na pumikit ako.
"May problema ba?"
Nagising ako sa kanya. "N-no. I'm sorry."
"Alright! Pero kailangan mo munang pumikit."
Sumunod naman ako at naramdaman ko ang malamig na likido sa pilik-mata ko. Nanatili din akong nakapikit habang dinagdagan niya ang lipstick sa labi ko, at nang sinabi niyang tapos na kami. Agad akong nagmulat at ganun naman ang pagkabigla ko ng makita ang bulto ni Palmetto nakatayo sa likuran ko.
"What are you doing here?" malamig kong anas.
Nakita ko ang paghinga niya ng malalim saka humawak sa sandalan ng inuupuan ko.
"I never thought you'll have two tattoos." mapaglarong anas niya.
Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya. Mukhang napansin niya pa rin ang tattoo na nasa gilid ko kahit sobrang liit ng mga nakasulat doon.
"You have good eye..."
"I am?"
"I don't ask you to belie---"
"So, can you tell me what's written? Aside from your barcode tattoo."
Parang binuhos naman ako ng malamig na tubig sa narinig. Lihim na napalunok ako saka seryoso siyang tinignan sa salamin. Ngunit agad akong umiwas ng tingin.
BINABASA MO ANG
Assassination Incorporated | SEASON 2
Action| ONGOING (Updates Every Saturday) | What's the saddest thing about love? It's when you know there's no way you'll ever be together, however, you still wish for it to work. It's when your mind tells you to "let go," but your heart tells you to "hold...
