Vee
Kanina pa natapos yung kantang Before You Go, ngunit pinili namin parehong manatili sa dance floor. Malawak ang mga ngiti niya sa labi habang nakatingin siya. Samantala kanina ko pa siya sinamaan ng tingin at umiiwas sa mga matang iyon. Ngunit si Bakla 'to, talagang gagawa ng paraan para titigan ko siya. Yung tipong gusto niyang nasa kanya lang ang buong atensyon ko.
"I forget to tell you, you're beyond beautiful with that dress." nakangiting komento niya.
Inangatan ko siya ng tingin. "Insulto ba iyon o isang magandang komento?"
"Tomboy, kailan kita inisulto simula ng magtapat ako sa'yo? Hindi ko kayang magagawa iyon. Dahil kinakailangan kong makuha ang puso't isip mo."
"Ayaw mo talagang tumigil noh?"
"Nope..." Umiling-iling pa siya.
"Hindi ka ba natatakot?"
"Ba't ako matatakot kung alam kong ikaw ang gusto kong makasama hanggang sa huling paghinga ko?"
"Hindi tayo kasal, Bakla---"
"So, gusto mo bang magpropose na ako sa'yo dito?"
Kinuotan ko siya ng noo at bigla siyang huminto sa pagsasayaw saka hinawakan ang kamay ko. Di ako umimik dahil hindi ko nahuhulaan kung ano ang inaakto nito. Ngunit ng bigla siyang lumuhod sa harap ko ay halos hinila ko siya papatayo.
"Anak mo, Bakla! Ano ang ginagawa mo? Nababaliw ka na ba?!" natatarantang anas ko.
Napatingin ako sa mga taong nasa paligid baka may nakakita sa ginawa niya. Ganun naman ang paghinga ko ng makitang abala ang lahat sa mga sariling mundo nila.
"Tigilan mo na nga ang kalukuhan mo!" Sabay hampas ko sa dibdib niya.
Tumawa siya. "Ayaw ko nga! Atsaka matagal na akong baliw sa'yo."
"Kenny Dez Frost slash Bakla! Kailangan mo pa ba ako titigilan? Hindi mo ba naiintindihan ang sitwasyon nating dalawa? At talagang wala tayong magagawa, dahil hanggang kaibigan lang talaga tayo."
"No, I won't accept that."
"Then, when?"
"Kapag sinagot mo na ako..."
"Anong isasagot ko sa'yo? Ni hindi ko alam kung ano ang nais mong itanong sa'kin---" Di ko nagawang tapusin ang dapat na sasabihin ng hinawakan niya ang kaliwang kamay ko.
"Veronica Suriaga Diaz, can you be my girlfriend?"
Mabilis pa sa alas kwartong bumagsak ang panga ko sa sobrang pagkokompyansa niya sa sarili. Nababaliw na talaga ang lalakeng 'to kaya mahinang tinulak ko siya papalayo at muling hinampas ang dibdib niya. Tawang-tawa pa rin siya sa sariling kalukuhan saka lumapit ulit sa'kin.
"Ayaw ko na kitang makasayaw." naiinis kong anas.
Hinapit niya ang bewang ko. "But we're in a moment, Tomboy."
"Moment mo ang mukha mo!"
"Huwag ka ngang killjoy! Mabuti pa silang dalawa ni Trinity at Maureen. Kahit may pinag-awayan at labuan. Nakikipagsayawan pa rin sa isa't isa."
"We're not like them!"
"Kaya nga mahalin mo na ako."
Parang gusto ko na talaga siyang sabunutan. "Madami ka talagang kompyansa sa sarili noh?"
BINABASA MO ANG
Assassination Incorporated | SEASON 2
Action| ONGOING (Updates Every Saturday) | What's the saddest thing about love? It's when you know there's no way you'll ever be together, however, you still wish for it to work. It's when your mind tells you to "let go," but your heart tells you to "hold...
