Trinity
Malapit nang magkalahating gabi nung biglang pumasok si Dad sa loob ng opisina ko. Wala naman siya ibang gustong sabihin maliban sa pinapatulog na niya ako. Ngunit ayaw ko pang matulog dahil sa kinakailangan kong matapos ang activity na binigay sa amin. Parang naninibago pa ako sa kanya ng gawin niya iyon. Hindi kasi siya yung tipong taong mag-alala kung matutulog ka na o nakatulog ka. Sa pagkakaalam ko sa sariling ama ay mas gugustuhin niyang makitang kang nasa harap ng gawain, di sa higaan.
Agad ding iniwan naman niya ako samantala bumalik sa pag eedit ng essay ko. Sobrang lapit ko ng matapos iyon kaya sinisiguro kong maipapasa ko na ito bago magdeadline.
Lumipas ang mga ilang segundo at nagawa ko na ding i-turn in iyon sa assignment tab ng Microsoft Teams. Sinira ko din agad ng maishutdown ang laptop saka napaunat pa ng dalawang braso sa ere. Ngunit bahagya akong natigilan ng mapatitig ako sa harap kung saan ang bintana.
Nakakamangha talaga tumitigil sa buwan kapag punong-puno ang hugis nito. Ito ay isang makapigil-hiningang pagtitig habang ito ay nag-iisa sa itaas ng madilim na kalangitan, walang anumang ulap at kahit na ang mga bituin ay nahihiya dahil kung gaano ito kaliwanag sa lahat. Maaaring hindi ito mauuri bilang mga bituin kahit na ito ay kumikinang tulad ng marami sa mga bituin sa kalangitan. Ngunit dahil ang liwanag nito ay nagmumula sa araw, hindi sa sarili. Upang maging isang bituin, ang isang celestial body ay dapat na may kakayahang mag-apoy sa sarili dahil sa masa nito. Ang core ng buwan ay hindi kailanman nag-aapoy. Ngunit sa totoo lang, hinahangaan ko pa rin kung gaano kaespesyal ang satellite planetang ito. Nagbibigay ito ng kaakit-akit na spotlight upang titigan sa kabila ng kadiliman ng mundo. Kahit na nawalan ito ng ilang liwanag kung minsan. Ito lang ang tanging liwanag na nagbabago ng hugis bawat quarter, at malalaman mong hindi palagi pareho ang gabi.
Isang buntong hininga ang nagawa ko, saka pabagsak na sumandal sa upuan, habang nakapatong ang magkahawak kong kamay sa ibabaw ng lamesa.
Gusto ko talagang matulog ngunit parang hindi pa ako dinadalaw ng antok. Dahan-dahan akong tumayo mula sa upuan saka mabilis na lumabas ng opisina. Agad din akong bumaba sa hagdan at sandaling pumunta sa kusina para kumuha ng pagkain sa pantry. Bumaba rin naman ako sa threater room pagkatapos. Mabuti na lang talaga at walang kahit sinong kasambahay namin na gising pa sa ganitong klaseng oras.
Medyo natagalan pa ako sa pagpili ng panunuorin dahil halos lahat ng mga movies ay nagawa ko ng panuorin. At nang magawang makapili, agad ko iyon piniplay saka umayos sa pagkakahiga sa upuan.
Hindi pa ganun kakasimula ang movie ng bigla akong napalingon sa kabilang pinto kung saan pwede kang dumaan papalabas sa garahe. Ganun na lang din ang pagtataka at gulat ko ng makitang si Axel yung pumasok. Napaayos ako sa pagkakaupo saka sandaling tinabi ang pagkain.
"Ano ang ginagawa mo dito?" nagtataka kong wika.
Tinignan niya lang ako saka tumingin sa malaking screen ng theatre room. Maingat niyang sinirado ang pinto sa likuran at naglakad papalapit sa'kin. Nanatili pa rin itong tahimik kahit na umupo na ito sa katabi kong upuan.
"It's already midnight, Mr. Wexler. Aren't you afraid to watch alone with this horror movie?" seryosong anas niya.
Kinuotan ko siya ng noo. "I'm not asking you about the time right now, Mr. Everhart. I am asking you, what the heck are you doing here? Wala ka bang sariling pamamahay?"
"I do have, but I like yours."
Di pa umabot sa isang segundo sinuntok ko na ang braso niya dahil para bahagya itong napabagsak sa upuan.
"Are you freaking gay?!"
"What the heck?! I know you're a man, but please be gentle with you punches. You don't know how tried my muscles right now." aniya habang hinihimas ag braso.
BINABASA MO ANG
Assassination Incorporated | SEASON 2
Action| ONGOING | What's the saddest thing about love? It's when you know there's no way you'll ever be together, however, you still wish for it to work. It's when your mind tells you to "let go," but your heart tells you to "hold on." It's when you drea...