Kenny
Kung kayo mukhang napapagod na sa pag-aaral. Pagod ng magtrabaho. Tinatamad na ding tumayo at maglinis ng bahay. Wala ng ganang kumain o uminom. At mas lalong-lalo pagod na rin kayong magmahal. Pagod na kayong masaktan dahil sa paulit-ulit at di nagbabagong pagmamahal na 'yun. Ayaw niya na at pagod ka na ding sa pagkakatakbo para habulin siya.
Pero...
Ako! Kanina pa ako ng takbo ng takbo at maya't maya ding nababangga pero wala akong nararamdamang kahit anong pagod. Pagod sa? Pagod sa pagkakahabol sa TOMBOY NA 'TO!
Gusto ko lang din naman siyang makausap at simpre, makasama. Pero lintek! Parang gulong ng sports car yung mga paa niya habang naglalakad. Ang bilis niya masyado at hirap na hirap naman akong habulin siya ulit.
"Tomboy! Ang puso ko!"
Parehong nasa hallway pero parang wala akong pakialam kung may nakakarinig o may naiingayan sila sakin. Mas lalong -lalo na'tong babae slash lalake.
"Tomboy! Ano ba?! Hintayin mo ko!" sigaw ko ulit sa kanya.
Kanina pa siyang ganito. Simula nung pagpasok niya sa classroom. Ni kahit tingin o kaunting 'Hi' man lang. Hindi niya magawa. Mukha niya akong iniiwasan. Talagang iniiwasan niya ako!
Naiinis na ako sa pagkakahabol at naiiwan sa likod niya. Mabilis na tinakbo ko ang daan para maunahan siya. At nang makarating sa harapan niya agad ko din siyang hinarangan.
"Ops! Don't you try."
Tinaasan niya ako ng isang kilay at aakma na namang lagpasan ako.
"Iniiwasan mo ba ko?" Pangngungulit ko.
"Back off, Kenny."
Hindi ko inaasahan na matatawag niya ulit ako sa mismong pangalan ko. Sanay na sanay na kasi along tinatawag niyang 'Bakla'. Oo, noon. Ayaw na ayaw ko pero ngayon mas nagugustuhan kong tinatawag ko niyang ganun.
"Ano ang sinabi mo?"
"You heard what I said, KENNY! Back. Off! I need the way!" naiinis niyang wika.
"I am your way. Why are you pushing me... again?"
Dumaan ang ilang segundong tinitigan lang niya ako. Parang ako yung natatakot sa nakikita ko sa mga mata niya. Masyadong malalim at napakablanko ang emosyon niya. Pilit ko man kalabanin pero parang ako din ang matatalo.
Mas lalong dumagdag ang kainisan ko ng nagsimula na naman itong lumakad at nilagpasan ako.
Ngunit hindi ko siya hinayaan at agad kong dinakip ang pulsuhan niya upang pigilan nito sa paglakad papalayo mula sakin.
"May nagawa ba akong mali? Sabihin mo para matama ko, hindi yung iniiwasan mo ko."
"Wala kang ginawang masama."
"Kung ganun, ano? Ba't ka nagkakaganyan?"
"Tsk! J-just leave me alone," Sinusubukan niyang makawala sa pagkakahawak ko pero sinisiguro ko ding hindi ko siya mabitawan. "And please let go of me? Sumasakit na yung pulsuhan ko."
"Mas okay na yung sa'yo. Yung sakin madudurog na."
"Pwede ba? Tigil-tigilan mo na nga yang mapick-up lines mo. Ikaw yung babae sating dalawa. Huwag mo kong pinamaliit." Tatawa ba ko?
BINABASA MO ANG
Assassination Incorporated | SEASON 2
Action| ONGOING (Updates Every Saturday) | What's the saddest thing about love? It's when you know there's no way you'll ever be together, however, you still wish for it to work. It's when your mind tells you to "let go," but your heart tells you to "hold...
