✓Chapter 112

58 4 0
                                        

Maureen

     I heard Mak'saneng calling when he turn his back for me. I quickly took my feet on and run as I could pero hindi ko alam kung ano nangyari kung bakit bigla akong napaikot pabalik dahilan para pigilan ako sa pagtakbo.

"Shishiu?"

"Trin?"

0_0!

And my world stops on that very moment, as the sound of my own heartbeat filled all over my senses.

Hindi ko maipaliwanag kung ano ang emosyon na gumuguhit sa mukha niya. May kung anong halong emosyon ng gulat at pag-alala sa kanya. Samantala, di naman ako makakagalaw sa kinatatayuan habang hawak-hawak niya ang pulsuhan ko.

"Block, ano pa ang ginagawa mo diyan? We have to go."

Sh!t! This cannot be happening?! Can somebody rewind this scene. Please. No! He can't be!

"Block! It's time to go! You need to tell her!"

"L-ludilo----" kahit nahihirapan akong balingin ang sariling ulo sa kanila. Ginawa ko pa rin para tingnan sila.

Parehong tinitigan at hinihintay nila ako nina Harriz at Mak'saneng, pero hindi ko magagawang lumapit dahil mahigpit ang mga hawak ni Trinity sakin.

Kinausap ko sa tingin si Mak'saneng, na agad din naman niyang naintindihan ng biglang...

"Andun sila! Hubulin niyo! Bilis! Bilis! Makatakas pa ang mga 'yan."

Napaitlag ako sa mga lalakeng nagsitakbuhan patungo sa kinaroroonan namin. Kung bibilangin ko sila, hindi siguro baba sa sampo kalalakihan ang sumugod sa kanila.

Mabilis na pinoprotektahan ko ang sarili ng makalapit sila, ngunit ganun na lang din ang gulat ng bigla akong niyakap at binalot ni Trinity sa loob ng malalaki niyang bisig.

Hindi nagtagal bumalik din ako sa sarili at sinilip sila Mak'saneng, na nagsipasukan sa loob ng kani-kanilang kotse saka pinaharuruot iyon ng mabilis. Di sila nilubayan ng mukhang mga tauhan ni Zedd at hinabol din sila gamit ng kotse.

They have my trust. I know they can lose them and find a way to rid those mens.

Nang tuluyan ng nakalagpas ang mga lalakeng humahabol sa kanila ni Mak'saneng sa amin. Bahagyang nagulat at nagdadalawang isip pa ako ng biglang hinila niya ako papaalis doon.

Nanatiling nasa kanila Harriz ang paningin ko habang hilang-hila niya, kaya hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin hanggang sa...

"Ayos ka lang?" Punong-puno na pag-alala niyang tanong sakin.

Dahan-dahan niya akong binitawan at sinuri kung may natamo ba akong sugat o ano.

"I-I'm fine."

Bahagyang bumigat ang paghinga ko ng makitang titig na titig ang mga mata niya, habang may kung anong iniisip ito sakin. I'm so careless! Why do I need to be like that? Sh!t!

"Ano ang kailangan nila sa'yo?" Pagkasabi pa lang niya nun,nanigas na agad ako. "Bakit ka tumatakbo? Nakikita mo bang kidnapping yung ginagawa nila? Ba't ka lalapit? Alam mo bang mapapahamak at madadamay ka pa sa mangyayari?"

Sa pagkakataon na 'yun, tuluyan na akong nakahinga ng maluwag at di napigilan na napangiti sabay kagat ng pang ibabang labi sa tuwa.

"Kilala mo ba yung taong tinangay nila, kaya ka ba sumugod sa kanila?"

Assassination Incorporated | SEASON 2Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon