Trinity
Wala ako sa sariling naglakad pabalik sa loob ng hotel. Bahagyang napatingin pa ako sa mga estudyante ng SISFU dahil unting-unti na sila nagsisilabasan ng venue. Ngunit ng maalala ang closing remarks kanina ni Sir Jezphire bago ako tumakbo papalabas dahil bigla akong tinawag ni Axel na nakatanggap ng mensahe galing kay Kenny. Di ko pa una naintindihan yung nangyayari kung bakit kami tumatakbo papasok sa CR ngunit ng makapasok iyon na ang nadatnan namin.
Isang buntong hininga ang pinakawalan ko bago sila pinuntahan na nasa lobby. Nasa malayo pa lang ako parang hinaplos ang puso ko ng makita ang kalagayan ni Chrizzy. Ni hindi ko talaga maisip na kayang gawin ito ni Shishiu. Sobrang daming galos niya sa katawan at gulong-gulo ang mukha.
Nang makalapit kita kong nakahiga na ito sa balikat ni Kenny habang nakapikit. Samantala kakalapit lang din ni Axel sa'min. Napatingin pa ako sa dala niyang box a nakitang first aid kit iyon.
Magsasalita pa lang sana ako ng bigla niyang inabot sa'kin yung box.
"Oh, ikaw na ang gumamot." alok niya.
Pinagtawanan ako ni Kenny kaya sinamaan ko siya ng tingin. Ganun naman kabilis siyang natigilan saka umiwas ng tingin. Muli kong hinarap si Axel at kinuha mula sa kanya ang first aid kit. Agad akong umupo sa tabi ni Chrizzy saka siya niyugyog. Nagising naman siya sa ginawa ko at umayos sa pagkakaupo.
"Do you feel okay now?" malumanay kong wika.
"Y-yes..." mahinang anas niya habang tumatango. "Sumasakit lang yung leeg at buhok dahil sa sabunot ng babaeng iyon."
Napasmirk ako saka ginamot ang natamo niyang sugat. "She will not come near you again until she confesses and apologizes."
"She's not going to apologize for what she did. I know her. She has a lot of guts and pride in herself."
"Gaano ka naman ka siguro?" singgit ni Kenny.
"Of course, I am so sure."
"But I don't know Maureen in that way."
"Sinasabi mong mas pinapaniwalaan mo siya kaysa sa'kin?" pagduda niya.
"Hindi naman sa ganun iyon, Bunso. Kaibigan pa rin natin siya at sana naman huwag tayong humantong sa ganito."
"Pero nagawa niya! Sinaktan niya ako!"
"Bunso, sa pagkikilala ko din sa kanya. Hindi siya yung tipong babaeng magkikipag-away sa iba. Di siya gagawa ng unang hakbang kapag nagkikipag-away ito. At mas lalong-lalo na hindi 'yan papatalo kahit alam niyang may laban siya."
"Kenny, he has a point." sangayon ni Axel.
Pinagtitignan niya silang dalawa at bigla niyang pinaikutan ng mata ang mga ito. Parang nabigla naman sila sa inaakto nito saka kinuotan ng noo. Tinignan ko din siya ngunit padamog itong sumandal sa upuan at umiwas ng tingin.
"Bunso, huwag ka na nga magtampo dyan." lambing ni Kenny.
"Don't talk to me." malamig niyang anas.
"Kaya mo bang gawin 'yun sa'min? Iniisip lang din naman namin kung ano ba talaga ang dahilan kung bakit nagalit ng husto si Maureen sa'yo---"
"Eh di sa kanya kayo kumapi!"
"Hindi naman sa ganun. At wala kaming kinakampihan."
"That's enough." sambit ko.
Mahinang napabuntong hininga naman si Kenny ng sabihin ko iyon. Samantala nagbaba ng tingin si Chrizzy saka kinuom ang kamay. Pinagpatuloy ko lang din ang paggamot sa kanya at mabuti naman, tumahimik na silang dalawa.
BINABASA MO ANG
Assassination Incorporated | SEASON 2
Action| ONGOING (Updates Every Saturday) | What's the saddest thing about love? It's when you know there's no way you'll ever be together, however, you still wish for it to work. It's when your mind tells you to "let go," but your heart tells you to "hold...
