✓Chapter 134

26 3 0
                                        

Trinity

      "Tec, you're going to come with us." rinig kong wika ni Dad habang pababa ako ng hagdan.

Nakita kong tumango si Tec at agad din umalis ng makababa ako ng tuluyan. Mukhang maghahanda ito ng mga kagamitan niya. Di ko na lang din siya pinansin saka hinarap ang sariling ama.

Mag-isa itong nakaupo sa couch na para sa mga bisita habang abala sa pagbabasa ng libro. Ngunit ng maramdaman niya ang presensya ko ay umangat ang mga tingin nito sa'kin. Tumigil naman ako sa tapat niya at sandaling nilapag ang gamit sa kabilang upuan.

"Mauuna kaming aalis ngayon papuntang Batangas, dahil pinag-uutos ng Tita Riley mong ipasuri muna ang beach house nating nandoon." panimula niya.

"Okay. May dadaan pa naman ako kaya siguradong mahuhuli ako ng kaunti."

Agad tumaas ang isang kilay niya. "Pupunta ka ba kin---"

"I can't contact Chrizzy last night. Maybe, she's busy or something."

"Mmm? I think she's not."

I do think so...

"Bakit nga pala pinapasuri ni Tita Riley ang beach house natin sa Batangas?" pang iba ko nang usapan.

Bahagyang tumalon ng kaunti ang puso ko sa gulat ng bigla niyang isarado ang librong hawak saka inilapay iyon sa lamesa. Napatitig ako sa librong iyon ngunit ng makitang dahan-dahan siyang tumayo ay bumaling kaagad ang tingin ko sa kanya.

Katulad sa nakasanayan, pinasok nito ang dalawang kamay sa loob ng pantalon niya habang direktang nakatingin sa'kin.

"Mahigit dalawang taon na din natin hindi nagagamit yung beach house. Nakakabuti naman sigurong suriin ang bawat sulok ng bahay na iyon. Lalong-lalo na ang mga kagamitan natin doon." paliwanag niya.

"Bakit? Hindi po ba pinaiwan niyo iyon sa caretaker natin?"

"You're right," aniya saka humakbang papalapit sa'kin. "But it doesn't mean, I should trust with his services to take good care of my property."

Parang nagsitayuan lahat ng balahibo ko ng marinig ang mga iyon. "Manong Kaloy is our most trusted caretaker---"

"And?"

"Tsk! Dad, can't you---"

"You don't understand everything yet, Trinity. But soon..."

Magsasalita pa lang sana ako ng bigla akong napatingin sa kabilang bahagi ng pinto. Agad na bumugad sa amin si Tec habang may mga bitbit itong mga bagahe. Hindi naman nagdalawang isip na nagpaalam si Dad sa'kin at lumabas ng bahay. Parang wala akong nagawa habang nakatitig sa likod niya. Nakakapagtataka talaga kahit na sa pakiramdam kong kilala ko na ang sariling ama ngunit may mga pagkakataon na mas higit pa sa inaakala ko ang sekretong meron siyang tinatago.

Tutungo na ako sa kusina ng marinig ang pag-usap ni Dad kina Tita Riley sa telephono. Mukhang si Tita lang talaga ang makakagawang labanan ang pagiging superior ng ama ko.

Napailing-iling na lang ako at tuluyan ng pumasok sa kusina.

May ilang bagay pinaayos para sa dadalhin namin papuntang Batangas. Naitanong ko na rin kagabi kay Tita Riley kung bakit biglaan naman ang pagyaya niyang magvacation doon. Bihira lang magyaya ang taong iyon. Lalong-lalo na kapag alam niyang may importanteng trabaho si Dad at meron naman akong schedule sa klase. At isa pa, akala ko aalis na si Red ng bansa ngunit bakit nandito pa rin ito. Ganun na ba siya nahihirapang makalimutan ang lahat? O sadyang may gusto pa siyang gagawin na ikakainis ko?

Assassination Incorporated | SEASON 2Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon