✓Chapter 140

16 1 0
                                    

Axel

         "Anak, gising ka na ba?" bungad ni Mom ng sagutin ko ang tawag niya.

"Yes, I think I am." antok kong tugon.

Nanatili pa rin akong nakapikit habang nasa tenga ang cellphone. Bahagya kong sinuklay ang buhok saka tumagilid ng higa.

"Anong oras matatapos ang klase mo ngayong araw?"

Dumilat ako. "Why, Mom?"

"Nagkausap na kasi kami ng Lola ni Kenny kaninang mga alas kwarto. Hindi ba naipaalam naman sa kaibigan mong may biniling bahay ang Lola niya para sa kanya? Kahapon pa pala naisaayos ang mga papeles at pwedeng-pwede na kayong lumipat doon."

"Ha? Pero, Mom? Maayos na po ako dito sa condo."

"Wala akong sinabing ganun. Ngunit kung iisipin mas nakakabuti sa'yong tumira sa isang totoong bahay. Mas makakagalaw ka nang mabuti at may magagawa ka pang iba. Di katulad sa condo mo. Halos hindi mo na nga tinitirhan 'yan. Palagi ka kayang umaalis at tumatambay sa labas, kaya mas mabuti nga samahaan mo si Kenny sa bahay niya." pagpapaliwanag niya.

"Mom, naiintindihan ko ang kagustuhan niyo. Subalit, ang bahay na 'yun ay pinagmay-ari na ni Kenny at binili ng mga Lolo't Lola niya."

"Teka! Ba't parang nahihiya ka pa sa kanila?"

"Hindi naman po sa ganun."

"Hai! Naku! Ang Lola na nga niya mismo ang nagsabing samahaan ang Apo niyang titira doon. Atsaka pa, Anak. Wala ka nang makakasama diyan sa residences kapag lilipat na si Kenny."

Napakamot na lang ako ng ulo sa sariling ina. "Okay, fine. I'll stay with that gay."

"Yes! Good boy."

"Mom!"

"What? Masama bang tawagin kitang ganyan?"

Suminghal ako. "Ga-graduate na ang anak niyo, baka po nakakalimutan mo?"

"Ba't ako makakalimot? Iyon nga ang araw na hinihintay ko eh." bara niya.

Umiling-iling ako kahit alam kong hindi niya makikita ang naging reaksyon ko. Naging tahimik pa siya ng mga ilang segundo kaya agad kong tinawag ang atensyon nito.

"Bakit nga pala gising na po kayo sa ganitong oras? Akala ko ba nasa---"

"Kakarating lang namin dito sa Manila. Nasa airport pa nga kami." Mabilis pa sa alas kwartong nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. "Antagal naman kasi ng sundo namin. Tamang-tama tinawagan ako nung Lola ni Kenny tungkol sa magandang balitang 'yun. At simpre tinawagan na rin kita kahit na isusupresa ka sana namin."

Mahina akong natawa. "Sad to say, you have to call me."

"Whatever, Mr. Axel Rhett Everhart!"

"I'll come home later to see you." pang-iba ko ng usapan.

"No! You don't have to. Magkikita na lang tayo mamaya sa restaurant."

Assassination Incorporated | SEASON 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon