Kenny
"Ugh! Ba't ganito pa kailangang mangyari?! Ansakit! Minamalas ba ako ngayong araw?!" Reklamo ko habang naglalakad.
Inis na inis kong binuksan ang pinto ng Student Council Office at iritang sinirado ulit iyon ng makapasok.
"Frost! Kung may plano kang sirain yung pinto, pwede bang gawin mo sa ibang office? Huwag dito!" Saway ni Axel.
"Sige, kaninong pinto nga lang ang sisirain ko?"
"Yung pinto ni Sir Jezphire para matino ka!" Gosh! Huwag na! Ayaw kong maexpel!
"Bet ko yung idea mo, Axel. Pupusta ako ng centavos kapag nagawa niya." Singgit ni Bunso.
Kuripot ng isang 'to!
Napatingin ako sa kanya at nakitang nag-enjoy silang dalawa ni Trinity habang kumakain sa lamesa ni President.
Lumapit ako sa kanilang dalawa saka pinagtitignan ang mga pagkain na nakalatag. Kapalan ng mukhang kumuha ako ng mochi ice cream sa gilid ni Bunso at agad na lumayo.
"Anak ni Kenny! Yung mochi ko!"
Padamog akong umupo sa sariling upuan ko dito sa office at sinapol ang namumulang mukha ko ng mochi ice cream. Pinikit ko ang mga mata saka dinama yung lamig.
"Kenny! Ang ice cream ko! Ibalik mo sakin 'yan!" Rinig kong sigaw ni Bunso.
Napamulat ulit ako at agad na nakita ko siyang lumapit sakin. Huminto siya sa mismong harap ng lamesa ko saka nilagay ang dalawang kamay sa magkabilang bewang. Ang panget talagang sumimangot ang isang 'to!
Di ko siya pinansin. Madiin na isinandal ko ang sarili sa upuan saka pinaikot -ikot kung saang parte ng mukha ko ang ice cream niya.
"Waah! Kenny, ano ba?! Ice cream 'yan at hindi gamot sa gwapo mong mukha."
"Correction, Bunso. Gwapang mukha!"
"Ugh! Yuck! Napakaarte mo! Babae ka na nga! Ibalik mo na nga 'yan!" Aakmang aagawin niya mula sakin pero mabilis kong inilag iyon.
"Nah! Bumili ka na lang ng bago."
"Eh kung ikaw na lang kaya. Nakakapagod kayang bumaba. Dali na!" I stick out my tongue so I can tease her more.
"Bunso, naman. Alam mo ba kung ano ang nangyari sakin ha?! Alam mo ba?!"
"Pake ko sa nangyari sa'yo? Mas importante ang ice cream ko kaysa sa mukha mo."
Bigla siyang napasigaw sa sakit ng itinapi ko ang kamay niya ng inaabot na naman ang ICE CREAM KO!
"Ugh! Sabing no! This is mine." Pangungulit ko kahit di naman talaga sakin.
Mabigat na napabuntong hininga siya at pinaikotan pa naman ako ng mata. Maldita! Suplada! Porket malapit ng maging sila nina Wexler. Biglaan din ang pagbago ng attitude niya.
"Nangyari ba kasi sa'yo? Kainis ka!" Saka pinagkrus ang dalawang braso sa dibdib.
"Mabuti naman at concern ka," Nakangiting anas ko at umayos ng pagkakaupo. "Maayos at masaya na sana yung moment naming dalawa nung umalis kayo---"
![](https://img.wattpad.com/cover/232201702-288-k266260.jpg)
BINABASA MO ANG
Assassination Incorporated | SEASON 2
Action| ONGOING (Updates Every Saturday) | What's the saddest thing about love? It's when you know there's no way you'll ever be together, however, you still wish for it to work. It's when your mind tells you to "let go," but your heart tells you to "hold...