Maureen
Nakatitig ang mga mata nilang lahat habang naglalakad kami pareho ni Mason sa loob ng venue. Nasa bewang ko pa rin ang kamay niya kaya medyo komportable ako dahil nagagawa niyang takpan ang tattoo ko sa gilid.
Ilang sandali pa unting-unti ko na natatanaw si Vee mula sa isang lamesa. Mukhang may pinag-usapan silang nakakatuwa basi sa nakikita kong reaksyon nila. Kahit si Vee sumasabay sa kanila, pero akong oras para alamin iyon. Ngunit ng tuluyan kaming nakalapit, agad na naagaw namin ang atensyon nilang lahat. Kitang-kita ko naman ang pagbagsak ng panga ni Kenny habang pinagpalit-palit ang tingin sa'min dalawa ni Mason.
"That's what I'm talking about." masiglang wika ni Vee habang nakalingon sa'kin. "Damn! Sabi ko na nga ba. Bagay na bagay sa inyo yang napili kong damit."
"Then, should I thank you?" malamig na wika ni Mason.
Inirapan niya ito. "I hate you----"
"I know. You don't have to say it."
Sanay ako sa dalawa na'to pero ng tingin ko ang iba pa niyang kasama sa lamesa. Naging tahimik ang mga ito habang nakikinig at nakatingin sa kanilang dalawa. Kaya bago pa man magbarilan ang dalawa 'to. Mahinang siniko ko ang lalakeng katabi at kinausap sa tingin ang babaeng nakaupo sa harap namin.
Mabilis na nagbago naman ang emosyon nilang dalawa saka ngumiting humarap sa mga kasamahan.
"Hanggang anniversary pa talaga ang away niyong dalawa." asar ni Axel.
"Oo nga. Nung birthday ni Bunso halos kulang na lang magpatayan kayong dalawa." parang natatakot na anas ni Kenny saka yumakap pa sa braso ni Vee. "Iniimagine ko palang 'yun. Ayaw! Ayaw kong mawala ka, Tomboy!"
Di pa umabot ng isang segundo tinulak ni Vee ang noo niya papalayo sa kanya. Dumaing naman sa sakit si Kenny sa ginawa niya saka sinubukang huliin ang kamay ng codemate ko.
"Umayos ka nga, Bakla! At tigil-tigilan mo nga ako baka kung ano pa ang magawa ko kapag tuluyan na akong mainis sa'yo."pagbabanta ni Vee.
"Hindi mo na ba ako mahal?"
"Mahalin mo muna ang buhay mo, dahil ikakamatay mo kapag minahal mo 'ko."
Kinilig si Kenny sa sinabi niya. Samantala hindi ko naman magawang magreact sa sinabi niya dahil totoo iyon. Bilang isang assassin ng Assassination Incorporated. Isang pinagbabawal na batas iyonat kapag mangyaring nilabag mo ito. Ikaw o ang taong mahal mo ang mawawala sa mundong ito. Walang pinipiling buhay dahil hindi iyon responsibilidad ng isang assassin na makahanap o isang trabaho na makahanap ng pag-ibig.
Biglang nagpaalam si Mason na kukuha ng makakain at sandaling pinaghila ako ng upuan para makaupo. Ngunit nagpumilit akong sumama sa kanya dahil baka kung ano pa ang magawa kong mali sa paningin ng babaeng iyon.
Sobrang daming pagkain na pagpipilian ngunit isang tuna sandwich at blueberry cheesecake lang ang kinuha ko.
"Is that all you want?" paninigurado ni Mason.
Tinignan ko siya na abala sa pagpili ng makakain. "Hindi naman ako nagugutom. Atsaka baka mahirapan akong makatulog mamaya."
"Talagang matutulog ka pa ha?" Sinamaan ko siya ng tingin ng binalingan niya ako ng tingin. "Sa pagkakilala ko sa'yo, Blythe. Hindi ka natutulog. Maaaring nakakatulog ka nga pero hindi ganun ka lalim. Sabihin mo nga sa'kin, meron na bang bagay na nagbibigay ng kapayapaan sa isip mo?"
Parang lumipad ang isip ko sa tanong niya. Gusto kong sagutin iyon ngunit hindi ko alam kung anong tamang sagot ba talaga doon. Bakit? Iyon ba ang kailangan ng isang taong may ganung problema? imposible ba 'yun na may bagay na magbibigay ng ganung klaseng kapayapaan?
BINABASA MO ANG
Assassination Incorporated | SEASON 2
Action| ONGOING (Updates Every Saturday) | What's the saddest thing about love? It's when you know there's no way you'll ever be together, however, you still wish for it to work. It's when your mind tells you to "let go," but your heart tells you to "hold...
